Sa una'y kinakabahan siya. Hanggang sa masanay na. Nang makaipon ng sapat na pera, pinlano na niyang huminto sa masamang gawain na iyon. Hindi biro ang pang-uusig ng konsensiya niya sa gabi bago siya matulog. Sa bawat taong niloloko nila at nakukuhanan niya ng pera, abot hanggang langit ang paghingi ng tawad niya sa Diyos. Alam ng Panginoon na hindi niya ginusto iyon, ngunit wala siyang mapagpipilian. Kailangan mabuhay ng kapatid niya. Hanggang sa dumating ang araw na nakaipon siya ng sapat para makapag-bagong buhay. Dala ang pag-asa, nilisan nila ni Cristy ang masamang gawain na iyon.

Ilang taon na nga ang nakakalipas, nakapag-bagong buhay na sila pareho. Ngunit dumating na naman ang isang dagok sa buhay niya. Muli na naman kinailangan ni Jepoy na magpagamot, at sa pagkakataon na ito. Kailangan na nitong maoperahan. Ayon sa doctor, kapag hindi nito naoperahan ang kapatid niya.

Sa susunod na atakehin ito ay baka hindi na ito makaligtas pa.

"Girl, okay ka lang?" untag sa kanya ni Cristy.

Bahagya siyang napapitlag. Saka niya namalayan na umiiyak na pala siya. Mabilis niyang dinampian ng tissue ang pisngi niya. Baka kasi mabura ang make-up niya. Hindi pwedeng mabulilyaso ang gabing iyon. Iyon ang unang gabi niyang pagbalik sa gawain na iyon. Kapag nakaipon na siya, balik na siya sa normal na buhay. "Oo, pasensiya ka na. Napaka-emotera ko ngayon." Aniya.

"Sure ka ba dito, girl?" tanong pa ni Cristy sa kanya. "Puwede naman na ako ang gumawa nito."

Umiling siya. "Hindi. Ako ang gagawa nito. Marami ka nang nagawa para sa akin ng pamilya ko." Lumuluhang sagot niya.

"Ano ka ba? Wala 'yun! Kaibigan mo ako. Kaya tutulungan kita hangga't kaya ko." Naluluha na rin wika nito. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit. "Kaya mo 'yan, Sumi. Marami ka ng problemang nalagpasan. Maliit na bagay na lang ito para sa'yo." Pagpapalakas pa nito ng loob niya.

Naiyak na siya ng tuluyan. Dahil ang totoo, unti-unti na rin siyang pinanghihinaan ng loob. Minsan nga ay nakakaramdam na rin siya ng pagod, ngunit hindi siya pwedeng mapagod. Kanino pa huhugot ng lakas ang Nanay niya at si Jepoy kung pati siya ang manghihina.

"Tama na nga ang dramahan." Awat sa kanya nito. Ito na ang nagpunas ng  luha niya, pagkatapos ay nag-retouch na lang siya.

"So paano? Let's go? Ready ka na?" tanong pa sa kanya ni Cristy.

Huminga muna siya ng malalim. "Oo, ready na ako." Sagot niya.

Ang role niya ng gabing iyon ay isang kolehiyala. Target nila ang mga mayayaman at mga guwapong lalaki sa loob ng Groove Bar. At dahil sa angkin niyang galing sa panggagaya. Sisiw lang sa kanya ang gumanap bilang isang kolehiyala at party goer na babae. Nang makarating na sila doon, tatlong beses pa siyang huminga ng malalim. Kasama niya si Cristy sa loob ng Bar. Ito ang magsisilbing look out. Magkukunwari itong isa sa mga socialite. Papasok pa lang sila sa entrance ay naririnig na nila ang malakas na musika na nagmumula sa loob ng Bar.

Unti-unti ay sinalakay ng kaba ang kanyang dibdib. Parang gusto niyang mag-back out na lang. Ngunit sa tuwina ay sumasagi sa isip niya ang kapatid na nakaratay sa ospital.

Go Sumi! Kaya mo 'yan! Ilang gabi lang 'to! Pangungumbinsi pa niya sa sarili.

Pagpasok nila sa loob ay agad na humiwalay sa kanya si Cristy. Pasimple niyang inayos ang suot niyang black dress. Hanggang itaas ng tuhod niya ang haba niyon, at labas ang isang balikat niya. Hindi rin niya pinahalata na gusto na niyang ibato ang suot niyang high heels dahil sumasakit na ang paa niya doon. Kailangan niyang umarte ng natural. Habang nagmamasid ng possible target niya. Naupo muna siya sa Bar Counter.

Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine DespuigWhere stories live. Discover now