➠ First Rabbit

153 9 0
                                    

Minsan sa 'ming paglalakad, kami'y napadpad
Sa kwebang madilim, walang makita
Aking mga kasama, sa dilim natakot na
Ayaw nilang pumasok pa, naghintuan na

Pero ako, natuwa sa 'king nakita
Kahit sa dilim ay matapang ako

Kahit na masaktan, 'di katatakutan
Kahit ang kadiliman, 'di uurungan
Dahil ang pangarap ay pinaglalaban
Saisho no usagi ni naruo

Hindi maipagmamalaki, kung mahina ang loob
Itaas ang sarili, tapang ang sandata
Basta tuloy ang laban, kakampi ang mga bituin
Sa daraanan ko, bakas maiiwan

Kahit na sa puso ay may pagdududa
Tatapangan ang loob, lalaban ako

Nasusugatan, may matututunan
Kahit ako'y lumuha, kahit pa masaktan
Lahat ng hirap at dusa, titiisin ko
Saisho no usagi ni naruo

Tingnan niyo, lahat tayo 'di matatalo
Sa buhay huwag susuko
Buong loob susugod na
Walang iwanan, magtatagumpay lahat

Kahit na masaktan, 'di katatakutan
Kahit ang kadiliman, 'di uurungan
Dahil ang pangarap ay pinaglalaban
Tuloy-tuloy walang susuko
Hanggang magkatotoo na lahat

Nasusugatan, may matututunan
Kahit ako'y lumuha, kahit pa masaktan
Lahat ng hirap at dusa, titiisin ko
Saisho no usagi ni naruo

MNL48 StuffWhere stories live. Discover now