"Sa jollibee gaw" tulala paring sagot ni Ellie.

Tumawa lang ako at tumalon-talon mag lakad. At kumanta pa. Maglakad lang kami ngayon patungong jollibee dahil malapit lang sa paaralan namin. Pagdating namin doon ay agad akong umorder kasama nila.

"Akala ko ba di kana kakain. At na busog kana kaka ngisi mo" mataray na sabi ni Daisy.

"Shut up or else....."

"Ok wag mo ng dagdagan"

Tumawa lang ako. At nag order na rin. Habang kumakain kami at nag kwentohan kami. Tungkol kina Careanne at Joanna dahil wala na naman sila kasi kasama nila ang boypren nila.

"Si Precelia Xyvoree Careanne Bernandino ay kasama na naman niya ang boyfriend niya pati na rin Joanna. Nakakainis na sila. Pag yon niloko ng boypren nila tas iiyak sa harapan natin. Nako tatarayan ko talaga" sabi ni Breah habang kumakain ng fries.

"Ang sama mo Breah. Hayaan mo na sila basta mag kasama tayong pito" ani ko.

"So ngayon di kana magagalit dahil inspired ka kay Kim?" umiling lang ako at tumawa."ooohhh.....speaking of Kim he's here with Loury, Paul, Javon, and Javen nasa counter may inorder hmmm....."

Nanigas naman ako at napalitan ang saya ko ng kaba. Nang lumingon ako nakita ko nga siya at nakatingin siya rito sa amin at ngumiti.

"Look tumingin siya rito" sabi ni Jiany at kinilig na tumitingin kay Kim.

Ngumiwi si Louisse. Magkatabi lang sila at tinuro niya si Jiany gamit ang labi niya.

"Hmmmm I smell something fishy here" at lumingon si Loui kay Jiany.

Nang napansin niya na nakatingin kami lahat sa kanya. Ay natigilan siya at umopo. Nakatayo talaga siya nang makita niya si Kim.

"My ghad Jiany mas kinilig ka pa kay Zaya hahahah" tumatawa pero may halong inis na sabi ni Reigna sa kanya.

"Kalma ka lang kasi Jiany" ani naman ni Ellie.

Si Breah at Daisy naman ay matalim nilang tiningnan si Jiany. Kaya nagsalita nalang ako dahil sa sobrang awkward.

"Hays ano ba kayo" at hilaw akong tumawa.

Pinagpatuloy namin ang kainan. At di gaya kanina. Tahimik na ngayon. Napapansin ko na rin kay Jiany na close na sila ni Kim. Sa mga post ni Kim ay parati ko siyang nakikitang nagco-comment at minsan naikwento niya sa akin na nag chat sila.

Sumilip ako kay Jiany panay lingon niya parin kay Kim. Bumuntong hininga naman ako at nag salita.

"Guys may susuotin na kayo sa completion ball natin?" basag ko sa katahimikan.

"Of course, sa paris pa nga bumibili si Mama eh" taas noong sabi ni Ellie.

"Eh sa mall lang kami bibili busy kasi si Mom sa trabaho" malungkot na sabi ni Louisse.

"Buti pa kayo bibili. Eh ako? manghihiram nga lang ako sa pinsan ko eh" sabi ko.

"Sakin ay si Mommy ang magtatahi sa akin" si Reigna.

"Eh kasi mananahi kasi yung Mommy mo." bumuntong hiningang sabi ni Daisy."Tsaka nalang ako magpapabili pag day off na ni Mom at Dad"

Panay usapan nila tungkol sa mga susuotin nila. Eh ako naman, ay nandito lang tamang kain lang nakikinig. Iba rin kasi pag mayaman. Pa mahalan ng damit. Eh samantalang kaming mga mahihirap tamang hiram lang mg damit payts na.

Sa gitna ng usapan nila. Bigla silang natahimik kaya nagulat ako at huminto kakain. May tiningnan sila sa likod ko.

"Hoy sinong tinitigan niyo jan?" natatawa ko pang sabi.

Di parin sila kumibo kaya lumingon ako sa likod ko. Laking gulat ko dahil malapit ng magtama ang mukha namin ni Kim. Tumatawa siya sa reaction ko.

Nanigas ako sa aking upoan at napalunok. Agad na uminit ang pisngi ko. Agad naman siyang tumayo ng maayos at tumawa.

"Did I scare you Zaya?" may halong asar niyang sabi.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko na tahimik parin. At ibinalik ang tingin sa kanya.

"Ano ba, bat ka ba nandito?" agad kong sabi at hinampas ang braso niya.

"Sabay na tayo, papuntang school" sagot niya at ipinasok ang kamay sa bulsa.

"Sige ba!" malakas na sigaw ni Breah at tinakpan ang bibig niya."sige Kim aalis na kami. Sabay na tayo" at tumayo na siya.

"Teka lang Breah di pa tayo tapos kumain" ani Daisy. Pero pinanlakihan niya lang ito ng mata at pinatayo.

"Ok let's go guys. Sabay na tao sa kanila"

"Teka lang Breah. Yung burger ko"

Pero huli na ang lahat dahil hinigit niya ako palabas. At pinatabi niya ako kay Kim. Tsaka sumama sila sa mga kaibigan ni Kim. Hahabulin ko sana sila pero hinawakan ni Kim ang wrist ko.

"Hayaan mo na sila" seryuso niyang sabi.

Napatingin ako sa kamay kong hinawakan niya. At nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ahm....pero ang layo na nila" seryuso parin ang mukha niyang nakatingin sa akin."ahm....ah....sige ok" nauutal ko pang sabi.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now