Chapter 1: Eggs

51 6 9
                                    

"Hi, guys! Welcome back to my channel! Nagbabalik na naman po ang nakadrogang wala pa na tokhang na girl na si Liath D. Go!" nagpose ako ng signature pose ko sa harap ng camera.

"Sa vlog ko na to, Magbibigay po ako ng tips kung 'PAANO' ...opo pipol on Earth! PAANO MAKAGANTI NANG BONGGANG BONGGA SA ATING KAPATEEED! " Pumalakpak ako na parang bata na nakikikain sa jollibee party sa harap ng kamera.

"Mabisa talaga ang teknik ng mga adik na katulad ko pagdating sa pagt-trip."

Kinuha ko ang props kong tsinelas ng kapatid ko sa gilid at pinakita sa camera.

"Pak! Oh eto po...Tip number 1. TSINELAS! Alam na alam ko po yung feeling na pinapagalitan ng magulang kahit yung kapatid naman po natin ang mastermaynd ng mga krimen...kaya bilang makaganti..." mas pina-intense ko pa talaga ang facial expression ko para mafeel naman ng mga viewers ko ang pinagsasasabi ko.

"Step 1. Kunin mo..nyo.. po yung isang pares ng tsinelas ng kaaway errr kapatid mo."

Ay teka may mali. Nire-take ko ang part na yun.

Aherm.

"Step 1. Kunin ang kapares ng tsinelas ng kapatid mo."

"Step 2. Sumakay po ng bus, jeep o di kaya ay traysikel."

"Step 3. Iwan nyo dun! BWAAHAHAHAHAHAHA!!! "

Humagalapak ako sa tawa sabay sayaw ng gulapa dance sa harap ng camera. Eh kasi napaka-bongga ng plano ko!

"Siguradong maduduling yun sa kakahanap ng kapares ng tsinelas niya! Hinding hindi na niya mahahanap ang kapares ng tsinelas niya for evahhh!!"

"Huwag na huwag nyong itatapon sa basurahan ang isang kapares ng tsinelas kasi may tendency na mahahanap pa iyon at ikaw pa ang mapagbintangan na nagtapon!"

Susunod ko na sanang tatalakayin ang Tip 2 nang may kumatok sa pintuan kaya pinause ko muna ang video.

It looks like na kapatid ko na to!

Mabilis kong binato sa likod ng pintuan ang kapares ng tsinelas niya hanggang ngayon di pa niya nakikita 'to. Bwahahaha!!!

"Ikaw labas pinto! Ikaw bili supermarket!" speaking of kapatid...Siya pala ang kapatid kong bulol. Intsik kasi.

"Bakit? Asan ba sina mama at papa?" tanong ko.

"Sila punta clinic." Clinic?

"Bakit? Sinong may sakit? Ah teka, anyway...asan na yung pera at listahan ng bibilhin?" di na niya ako sinagot pa at dumiretso siya sa sala kung nasan ang mga kaibigan niya ay nagmo-movie marathon.

Eleven o'clock AM na pala. Di ko namalayan.

"Grabe mas matangkad pa ang ate mo sayo, Xing." narinig kong bulong ng isa niyang kaibigan sa kapatid ko habang nangungulangot.

"Is she 170 to 180 cm tall, bro?" actually 190 cm. Bilib na bilib ang mataba niyang kaibigan na inubos na ang isang kahon ng drinks nila nang walang kamalay malay.

"Pakiramdam ko ang pandak pandak ko tuloy." sabi naman ng patpatin niyang ka-team mate sa badminton club.

"Kayo loko-loko...? Tayo kulang isa...Siya late lagi." ngumisi na parang napipikon ang kapatid ko tapos sumalampak na sa sahig.

Oo! sa sahig, nakahiga kasi ang patpatin niyang kaibigan sa sofa at sinolo niya ito habang ang tatlo ay nagtyatyaga sa sahig.

May floor mat naman kaya ok na din siguro yun.

TALL GIRL coming through! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon