Nilagpasan niya lang ako. "Work. Sa construction ng bagong radio station," he answered flatly.

Napatuwid ako ng likod. Tumawag din ako doon kanina. Pero wala daw siya...

Santino's lying to me.

Ngunit, imbes na komprontahin siya ay tumango lang ako. Bigla akong nilukob ng takot.

"It's our son's birthday this week," pag-iiba niya ng usapan. Hinawakan niya 'ko sa kamay. "What do you want to do?"

Hindi ko alam kung paanong nakuwento ko sa kanya kung anong plano ko para sa kaarawan ni Bari. Habang sa loob-loob ko ay naghihinala pa rin ako kung saan ba talaga siya galing. Mas lumapit ako kay Santino. I casually inhaled his scent. Hindi naman amoy babae pero... Sinulyapan ko ang buhok niya. It's still slightly wet. Tila kaliligo niya lang...

Napapikit ako.

No. Santino won't sleep with any other woman anymore. Nagkasundo na kami.

Nagsinungaling na siya kung saan siya galing, if I'll ask, again... But that time, I chose to let it pass.

I chose to just believe.

Dahil baka may mga bagay na hindi pa handang sabihin sa akin ng asawa ko.

Hanggang sa nakalimutan ko na.

And we became happy.

There were still quarrels. A lot of them. Minsan naiiyak ako sa tuwing nagtatalo kami dahil sa trabaho. O kaya naman ay sa uri ng pagdidisiplina niya kay Bari. Ngunit, hindi na kami nagtalo dahil lang sa ibang babae.

Everything ran smoothly for---let's say four years more.

Alam ko ay maayos ang relasyon namin ni Santino. May problema lang siya sa pagpapalaki kay Bari, pero naiintindihan ko namang hirap din si Santi na hindi maging kagaya ng malupit niyang ama.

But it was too hard for him.

Year 1987--Pagkagaling ko sa trabaho isang araw ay naabutan kong umiiyak si Bari.

"Mama!" Agad siyang tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako. He's already eight years old now. At ngayon ko na lang ulit nakitang umiyak ito.

"Anak, anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko habang pinapalis ang mga luha niya.

"P-Pinalo po ako ni Papa..." sumbong nito.

Nauna nga palang umuwi si Santino kanina. "Bakit ka niya pinalo? What did you do?"

Hindi umimik si Bari.

"Bari, anak..." Umupo ako at kinandong pa siya kahit ang laki-laki niya na. "What did you do?"

"I-I shouted at P-Papa..." pag-amin naman agad ng bata.

Nanlaki ang mga mata ko. "You shouted at your Papa? Why? You can't do that, Bari..."

Suminghot siya at umiwas ng tingin. "I heard you cry last night. Inaway ka niya, Mama. Ayokong inaaway ka, Mama..."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Oh, Bari... it's okay. May hindi lang kami napagkasunduan ng Papa mo."

Tungkol iyon sa pamamahala ko ng Red Carpet o ng movie producing company na kasama sa pag-aari ng mga Delos Santos.

That's the biggest responsibility I'm handling right now. Si Santino din ang nagtalaga sa'kin sa posisyon bilang Presidente ng Red Carpet Films kahit na beinte-sais pa lang ako. Nakita niya daw ang galing ko sa pamamahala kaya nilagay niya 'ko doon.

Tinanggap ko naman. Asawa ko na mismo ang naniniwala sa kakayahan ko. Ang kaso, magkaibang-magkaiba ang prinsipyo namin ni Santino sa pagpapatakbo ng kompanya. Madalas pa nga ay sa mismong harap ng board members kami nagtatalo.

A Prequel: Beauty and Wonder (DS Auxiliary)Where stories live. Discover now