Baybayin

54 1 0
                                    

Tunay nga!

     Natatanging kultura.1 Nakakahalinang ganda.2 Napupuno ng yamang likas.3 Ang lahat ng iyan ay nasa iisang bansa – ang Pilipinas.4

     Lingid sa ating kaalaman ang karikitan ng ating bansa kaya nga nagawang tangkaiang angkinin ng mga ibang lahi ang bansang ito.5 Ang problema, napapawalang bahala natin ang natatanging ganda ng ating bansa.6 Napapabayaan natin ito at hindi pinagtutuunan ng pansin.7

     Bata pa lamang ako nang pangarapin kong pumasok sa National Museum.8 Madalas kasi kaming mag-lakbay aral noon sa Museong Pambata.9 Kaya, napag-isip-isip kong kung may iba pa kayang museo bukod dito?10 Aba syempre, meron.11 Naalala ko nung unang sulyap ko sa National Museum, nasa LRT kami noon ni papa.12 Sabi ko kay papa, kung paano ba ako makakapasok sa museong yun.13 Ang sabi naman niya baka dapat magpasabi lng dun at pwede nang pumasok.14 Makalipas ang ilang taon, nasa hayskul na ako ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makapasok at makita ang tinatagong kayamanan ng museong iyon.15 At ngayong kolehiyo na ako, laking pasasalamat ko na nagkaroon na ako ng pagkakataong masulyapan ito.16 Maaring ang baduy ko pakinggan dahil sa simpleng pagpunta lang dito ay parang isang pangarap na sa wakas ay nakamit ko din.17

     Pinagawa kami nang grupo ng aming dalubguro upang pumunta sa National Museum.18 Ang mga ka-grupo ko ay sina Busta, Marilhen, Hiena, Jillian, Vernadette at Marikah.19 Napag-usapan naming pumunta noong ika-labing-tatlo ng Setyembre, Sabado.20 Nagkita-kita kami sa SM Manila para sabay-sabay kaming pumunta roon.21 Pagkapunta naming sa nasabing museo, kami’y nabigo dahil wala palang pasok noon ang isa sa mga researches na pinabilin sa amin ng aming dalubguro na si Sir Joseph Garcia.22 Kaya nama’y kumain na lang kami at pinasok ang klase namin noong araw na yun.23

     Ika-16 ng Setyembre.24 Sa araw na iyan, mayroon kaming General Assembly sa Mathematical Society.25 Matapos ang paunang programa sa umaga, binigyan kami ng oras upang kumain.26 Matapos noon, napag-isip-isip naming grupo na ito na yung magandang oras para pumunta sa museo.27 Kaya naman, nagpaalam kami sa namamahala ng programa.28 Sayang naman kasi sa pamasahe kung pupunta pa kami doon kinabukasan, yun na lang kasi ang katangi-tanging araw na wala kaming pasok.29 Pagkapunta naming doon, agad naming nagpakita si Sir Joseph.30 Buti na lang nilibot niya kami doon at nagpaliwanag pa ng mga bagay bagay na dapat naming malaman.31 Sobrang dami kong natutunan nung araw na yun.32 Mula pa lang pagpasok ko sa museo, namangha na ako sa ganda nito.33 Talagang pang-world class nga ito.34 Ilan sa mga nakita at kamangha-manghang artipakto dito ay ang Manunggul Jar, mga palamuti ng mga babae na gawa sa kabibe, mga guhit sa bato, damit gawa sa kahoy o bark cloth, ling-ling-o, Anthropomorphic Pots, Butuan boats at marami pang iba.35

     Ang Manunggul Jar ay nakita noong 1960 sa Palawan.36 Sa ibabaw ng banga na ito ay may dalawang taong tila namamangka.37 Simbolismo raw ito na naniniwala ang ating mga ninuno sa kabilang buhay.38 Ang nasa hulihan ng bangka ang namatay at ang nasa unahan nito ay ang gumagabay sa kanya patungo sa kabilang buhay.39

     Sa mga palamuti ng mga babae na gawa sa kabibe ay ang malinaw na patunay na ang ating mga ninuno ay likas na malikhain.40 Tila namana natin ang ganitong kaugalian sa kanila dahil isa tayo sa mga tao sa buong mundo na may pinaka-magagandang likha pagdating sa sining.41

     Ang Bark Cloth o ang damit gawa sa kahoy ay pinantay sa kahoy na gamit ang tila malaking dikdikan para dito o ang bark-cloth beater na natagpuan sa Palawan.42 Ako’y namangha sa artipaktong ito dahil sadyang matalino ang ating mga ninuno dahil naka-isip sila nang kasuotan na maaring gawin gamit ang mga kasangkapan na makikita sa paligid lang nila.43

     Ang ling-ling-o o ang hikaw na gawa sa iba’t ibang klase ng dyamante ay natagpuan rin sa Palawan.44 Ito ay patunay ng pag-unlad ng kaisipan ng atig mga ninuno sa panahon ng bakal.45 Sila’y sadyang malikhain pa rin sa panahong ito dahil nagagawa nila ang ganitong bagay.46

     Ang Anthropomorphic Pots naman ay ang mga banga na hugis tao.47 Ito ay may korte ng ulo, kamay, at paa.48 Ang iba ay may mga pintura pa ng itim o pula, may parte ang ari at ang talagang agaw pansin rito ay ang madetalyeng ekspresyon ng mukha ng mga ito.49 Ang ganitong uri ng banga ay nilalagyan ng labi ng tao.5- Natagpuan ang mga ganitong uri ng mga banga sa Maguindanao.51

     Ang Butuuan boats ay natagpuan sa Agusan Del Norte.51 Ito ay gawa sa matibay na kahoy na tinatawag na “doongon’.52 Ang bangkang ito ay kaya ang dalawampu’t limang pasahero.53 Ang sabi pa nga ay, hindi raw ito ginamitan ng kahit na anong pako.54 Napaka-espesyal ng pagkakagawa ng bangkang ito.55 At hindi lang yan, matibay rin ito dahil kaya nitong tumakbo sa mga malalayong distansya.56 Kaya nga ang mga Pilipino ay halos kapantay ng mga kratig bansa sa Asya pagdating sa paggawa ng barko.57 Ito rin ang naging patunay na nakikipag-ugnayan na tayo sa mga dayuhan noong unang panahon.58

     Bukod sa mga nabanggit kong mga artipakto, marami pa akong nakita sa isa pang gusali na kakabit rin ng National Museum.59 Ito ay ang Naional Art Gallery.60 Napaka-sopistikado ng lugar na ito.61 Pakiramdam ko nga’y nasa kanluranin na akong bansa.62 Ang dahilan pala ng ganitong ayos ng gusaling ito ay, nakalagay kasi dito ang mga obra maestro na may impluwensya na ng mga kanluraning bansa.63 Tulad ng mga pinta, ukit at maraming pang iba.64 Isa sa mga pangarap kong makita noon pa man ay ang Spolarium ni Juan Luna.65 Grabe, ang laki pala no’n?66 Akala ko maliit lang yun.67 Ipinakikita nang larawan na ito ang malubhang kasaysayan ng mga Romano, ang labanan ng gladiator.68 Ang Spoliarium ay isang salitang Latin na tumutukoy sa pinakailalim na palapag ng Koloseo ng Roma na kung saan dinadala ang mga namatay at naghihingalo pang gladiator.69    Tunay ngang mayaman ang ating kultura.70 Tunay ngang may ipagmamalaki tayong mga Pilipino.71 Kaya sana’y magkaroon tayo ng oras upang bisitahin ang museong ito.72 Dito kayo magkakaroon ng malalim na realisasyon sa importansya hindi lamang sa ating bansa, pati na rin sa kung ano tayo – ang ating pagka-Pilipino.73

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BaybayinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon