Napabuntong hininga na lang ako saka napasabunot ako saaking sarili. I don't care kung nakikita ako ng mga tao na parang baliw , hindi ko rin inalintana ang pamamaga ng aking mata.

Nang dumating siya ng 5:00pm ay kaagad siyang lumapit saakin. " You okay? " . She asked

I nodded but my tears fell. " He came , i saw him " . Garagal ang boses ko nang sabihin ko

Kumunot naman ang noo niya , like she doesn't know what am i talking about. " Who? "

I bit my lip. " The person that i don't want to see , Joshua. "

Her eyes widened. " O my god! Really? He's here? " . Gulat niyang tanong

Tumango ako. " I saw him at the Biltmore , we accidentally bumped into each other. "

" Did he know that you're here? I think he was trying to talk to you. "

" He tried but i refused. "

" Why? "

" I'm afraid. I miss him pero pinigilan ko yung sarili ko , nangako ako sa sarili ko na hindi na muli ako mahuhulog sa mga trap niya. Natatakot muli akong ibigay yung tiwala ko na sinira niya. "

Hinagod-hagod niya yung likod ko. " It's okay. You will never see him again dahil babalik na tayo ngayon sa Los angeles. "

" Thank you , diana. "

" Welcome , Caitlyn. "

Nang sumapit ang 6:30pm ay tinawag na yung mga sasakay patungong Los angeles. Tumayo na kami saka kinuha yung mga gamit namin na minonitor pa ng mga guwardiya kanina.

Pumikit ako ng mariin nang makaupo ako sa airplane , naalala ko nanaman kasi yung mga nangyari kanina sa Biltmore. Napayukom ang kamao ko nang may bumara sa lalamunan ko , naiiyak nanaman ako.

***

Nang makarating kami sa airport ng Los angeles ay sinalubong kami ni mommy , i gave her a hug. Ngumiti naman siya saka hinawakan ang aking mukha. " Namamaga ang iyong mata , what happened? " . Tanong niya

Napatawa naman ako ng mahina saka hinawakan ang kaniyang mga kamay bago umiling. " Nothing , mom. Can we go home? " . Anyaya ko

Tumango naman siya saka sinenyasan ang aming butler na kunin yung gymbag ko. Nilingon ko naman si Diana na nasa gilid ko lang. " Sumama ka na saamin , ipapahatid ka namin sa bahay niyo " . Anyaya ko sa kaniya

Umiling naman siya. " No , thanks. I called my sister to fetch me at the airport , pwede niyo na akong iwan dito. I'll be okay " . Nakangiting sabi niya

Nakipagbeso naman ako sa kaniya saka lumabas na ng airport kasama si mommy , sumakay na kami sa kotse at iniuwi na kami sa mansion.

Nang makarating kami sa mansion ay sinalubong ko ng yakap si daddy na nakaabang sa entrance ng mansion. Tumawa naman si daddy saka hinaplos ang aking buhok. " Miss me , my only daughter? " . Tanong niya

" Yap. How's my bugatti car? " . I joked

Ginulo naman niya ang buhok ko. " I broke the sidemirror , don't you know that? " . Sagot niya

Napasimangot ako. " Dad , you're kidding me right? " . Sabi ko

Umiling naman siya bago ko tignan si mommy. " My! Did he broke the sidemirror of my car? " . Gulat kong tanong

Ngumiti naman siya. " Why don't you check it , dear? " . Natatawang tanong niya

Tumakbo naman ako sa garage at tinignan ng mabuti yung kotse. Mabuti na lang ay wala itong galos at hindi sira ang sidemirror , aish! Dad pranked me.😢

Bumalik ako at binalikan sila sa living room pero wala na sila doon kaya pinuntahan ko sila sa dining room at nandoon nga sila. It's almost midnight pero ngayon pa lang sila magd-dinner , tinignan ko sila.

" Mom , dad? Hinintay niyo talaga ako para sabay-sabay tayong kumain ng dinner? " . Gulat kong sabi

Tumango naman si mom. " Yes , dear. Ilang araw ka rin naming hindi nakasabay sa pagkain kaya kumain ka ng marami. I cooked some filipino foods for you. "

Tinignan ko naman siya. " Thank you , mom! I love you very much! " . Sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi

" How about me? "

Nilapitan ko naman si dad saka hinalikan din siya sa pisngi. How lucky am i with this two persons , sana lang ay kumpleto kami ngayon. Nang matapos kaming mag-dinner ay nagtungo na lang ako sa kwarto at doon nagpahinga. It's 12:30am kaya kailangan ko ng matulog at magtrabaho na agad bukas.

Echoes of LoveWhere stories live. Discover now