I

20 2 0
                                    


Baboy, Balyena, Salbabida at
kung ano ano pa: Name it, yan lang naman ang mga salitang parati ko nadidinig sa tuwing ako ay papasok ng school namin.

"Siguro nung nagpaulan ng kaseksihan tulog ako kaya walang natira sa akin." Ekis Ekis Grech !! Masyadong ng luma at kwentong barbero masyado na yung mga kasabihan na ganto, nakakaumay na..

Sa bagay minsan mas maganda pa yung maniwala sa mga kasabihan na kahit alam mo walang paniguradong bahid na katotohanan.

Langya oh ! kausap ko na naman ang sarili ko.Pero nasanay  nalang ako sa mga kung ano anong klaseng imbentong pangalan na itawag sa akin, kaya kahit madalas gusto ko umiyak  habang palakad pauwi ng bahay namin. Nasanay nalang talaga ako.

Wala na ang parents ko, 
Yes ! Ulila na at hindi din alam ng Lola Inang ko kung sino sila dahil iniwan daw ako sa harap ng bahay niya.

Napaka saklap ba?,  Para bang pinagsakluban ng langit at lupa yung kulang nalang sa sobrang kamalasan gusto mo hilingin bakit pako ipinanganak.

Yes di ko talaga kamag-anak ang kinikilalang Lola Inang ko ngayon pero kahit ganun pa man pinadama sa akin ni Lola Inang ang pagmamahal na kailangan ko kahit nagiisa nadin ito sa buhay.

Kaya naman sa totoo lang, hindi naman ganun ka OA para sayangin ang buhay ko.

Ang  Lola inang ko ay may maliit na tindahan ng tinapay kaya din ganito ako lumaki as in Lumaki talaga naging malusog, hindi man lang ako nalilipasan ng gutom.

Kaso sa pagdaan ng panahon, ni minsan wala ako naging kaibigan. Naging palayaw ko nadin ang mga tuksong madalas nilang ibato sa akin.

Sa halip na panghinaan ako ng loob ay mas naging matatag ako kaya nung araw na nasa park yung grupo na umaaway sa akin. Sinugod ko ito at inambahan ng suntok sa mukha ang lalaki at sabay humaripas ako ng takbo.

Napahiyaw ako ng malakas habang tumatakbo. Sobrang saya ko dahil ni minsan hindi man lang ako nakaganti sa mga pang kukutyat panlalait nila sa akin. Kaso dahil mataba nga ako hingal na hingal din ako kaya napaupo ako pero nakangiti akong pagod.

Kinabukasan ..

Kaso bigla kong naalala na  nagkamali ako ng taong sinapak, kaya nung araw na papasok na ako may mga grupo ng kababaihan na nagabang sa akin.

Hinila nila ang bag ko at hinawakan sa parehong mga kamay ko. Nagpupumiglas ako kaso hindi ko kaya nawalan ako ng lakas, pinagbabato nila ako ng harina at itlog. Gustong gusto ko ng umiyak pero tinatagan ko ang loob ko.  Napaupo nalang ako habang pinagsisipa nila ako.

Hanggang sa madinig ko ang isang boses at tuluyan na tumahimik, hindi ko nadin naramdaman ang pagsipa at mga pangkutya ng mga babaeng bumubugbog sa akin.

Nang napasilip ako bigla nalang akong naluha at tuluyan na akong umiyak ng walang patid. Sa oras nadin iyon ay ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan.
Nakayuko akong umiiyak pero bigla may isang taong lumapit at pinayungan ako.

Napatingala ako at inaabot niya ang kanyang mga kamay. Napakalambot ng kanyang kamay ngunit dahil sa mga harina at itlog na nababalot sa mukha ko ni hindi ko maaninagan ang mukha nito at ng ako'y makatayo inabot nya sa akin ang kanyang payong at lumakad na siya patalikod paalis.

Pinagmasdan ko siyang maglakad paalis, gusto ko man siyang habulin para kausapin ay naduwag ako. Pumatak ulit ang mga luha sa mga mata ko.

Naisip ko na dapat baguhin ko ang sarili ko para hindi nila ako kinakaya-kaya lang.

• • •

Ako nga pala si Grechen. . . Grechicharon ang pinaka nakakawindang na naging palayaw ko! Kasumpa sumpa minsan yung mga taong matataba ang utak na ginagamit lang sa katatawanan.

Dito magsisimula ang makabuluhang at nakakabaliw na kwento ng buhay ko nung highschool ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Romantic Badboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon