Chapter I

4 5 2
                                        

Wazzup mga kaegan,panibagong-- ay nako naadik na ata ang kapatid ko sa vlogger na JaMill,paano ba naman hindi maadik yung batang yun e halos araw araw ayun ang pinapanuod? Brr. Pero kahit ganun hindi ako magiging fan nun.
Ay btw,ako nga pala si Althena. Weird ng name ko no? Ewan ko ba sa parents ko kung bakit ganyan,very unique. Nandito ako sa sala ngayon kasama yung kapatid ko na busy sa panunuod. At ito naman ako nagiiscroll sa facebook at nag aantay ng kachat. Inaantay ko yung bestfriend ko na magchat,si Kern nagiisang kaibigan kong lalaki. Oo lalaki wag niyo ko ijudge naging close lang naman kami nung elementary dahil naging magkaklase kami. At hanggang ngayong Grade 9.
Inopen ko ang aking messenger dahil may nagchat. Well si Kern ito
Chat :
Kern : hoy tena gala tayo
: Ayoko wala akong pera 
Kern : libre kita?
: ay sige saan ba? Nakabihis nako
Kern : pag libre talaga ang bilis mo. Sige pupunta ako dyan wait for me.
Ganyan ako magchat pag libre,sino ba namang hindi matutuwa sa libre diba? Haha.
Chinarge ko muna ang cellphone ko atsaka nagready na. Dapat maganda ako kasi gala to hahaha.
Natapos na akong maligo at magbihis,nakasuot ako ngayon ng kulay pink na dress. Oo dress mahilig kasi ako sa dress lalo na pag pink hehe. Nagmake up (yung makeup ko simple lang syempre) inaantay ko lang siya na dumating.
*tok tok tok
Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya agad akong tumayo at binuksan ito. Bumugad sakin ang isang napakagwapong binata,si Kern sobrang gwapo niya sa suot niya. Nakangiti siya at nginitian ko din siya. Bago ako lumandi este gumala nagpaalam muna ako kay Mama.
"So saan mo gustong gumala?" Tanong ni Kern sa akin.
"Kahit saan basta may pagkain hahaha" nakakaloka kong sagot.
"Punta nalang tayo sa MOA,malayo diba? Wag kang susuka pag sumuka ka iiwan kita" natatawang sabi ni Kern sa akin."
" MOAAAA? kita mong hindi ako sanay sa biyahe tapos dadalhin mo pa ako sa MOA? Lintek kang lalaki ka" medyo naiinis kong sabi sa kanya.
"Kaya nga sasanayin ka diba? Tara na sakay na" pag aaya ni Kern sa akin papasok sa loob ng bus
Sa dulong bahagi kami ng bus at ako ay nasatabi ng bintana. Feeling ko anytime masusuka ako. Basta bahala din siya.
"Sabihin mo sa akin pag nasusuka ka ha? Para maiready ko yung plastic" natatawang sabi ni Kern,talagang nangiinis tong hinayupak nato e
"Bahala ka,matutulog nalang ako para hindi ako masuka. Gising mo nalang ako pag malapit na." Sabi ko sakanya at saka sumandal sa balikat niya para matulog.
"Hoy babae gising na nasa MOA na tayo" habang inaalog alog niya ang balikat ko.
"MOA na? Wao hindi ako nasuka omaygad Im proud" natatawa kong sagot 
" hahaha tara na bumaba na tayo at humanap ng makakainan " sagot ni Kern na agad kong ikinatuwa.
Nasa Mcdo kami ngayon. Well ito yung favorite namin na kainan since elem. Favorite namin yung fries at float dito. Dumating na si Kern mula sa counter at dala dala ang pagkain.
"Ayan na,wag ka ng hihingi sa akin pag naubos mo na yung iyo ah. Takaw takaw mo" seryosong sabi ni Kern
"Opo,hehe thank u"sagot ko sa kanya
Kumain kami at nagkwentuhan. After namin kumain ay nag gala gala kami. Pumunta sa mga palaruan at naglaro. Nakakamiss pala maglaro lalo na pagkasama mo yung bestfriend mo.
Selfie dito,selfie doon. Yaan din ang ganap sa gala namin. Mamaya ay puno nanaman ng picture namin ni Kern ang Facebook.
Inaya ako ni Kern na kumain sa Inasal at pagkatapos ay umuwi na. Nakatulog ako sa biyahe dahil sa sobrang pagod. Nagising ako at nakita kong malapit na kami sa bahay. Si Kern ay tulog halatang pagod na pagod. Ginising ko siya at sinabi kong bababa na kami. Pag kababa namin ay nagsalita siya.
"Hatid na kita,gabi na baka mapahamak ka pa" 
"Wag na,kaya ko na to tsaka pagod ka na oh"
"Wag kang makulit,pag sinabi kong ihahatid,ihahatid kita." seryoso niyang sagot
"Fine,btw thank u nga pala sa mga libre mo ang saya saya ko. Send mo mga picture sakin ha?" Masaya kong tugon sa kanya
"Wala yun basta ikaw,abangan mo nalang mamaya yung pictures pag nakauwi nako" sagot niya
Nandito na ako sa bahay at inaantay kong makalayo si Kern sa bahay bago pumasok.
"Kern sent a photo"
Andami pala naming pictures? Haha akala ko onti lang pero keri na yan para may memories. Nagprint ako ng dalawa naming picture. Para ito sa notebook na naglalaman ng mga pictures namin at mga memories ko kasama siya. May mga mahahabang sulat din ang mga larawan. Hindi ito alam ni Kern dahil ayokong sabihin sa kanya.
"Kern tagged you in a post" lumabas sa notificafion ko yan. Pinindot ko at hindi na ako magugulat na puro mukha namin iyon. Kakapost lang pero 20 likes na,ang famous talaga ni Kern.
Dinikit ko at nagsulat ako sa notebook bago bumaba at kumain. Habang kumakain ako ay nakita ko ang kapatid ko nakatulog na sa sala. Pagkatapos kong kumain ay inilipat ko ang kapatid ko sa kwarto niya. At ako naman? Magpupuyat nanaman kakabasa ng wattpad. Adik kasi ako sa wattpad Hahaha
Lalo na yung mga story ni Sic, hehe Sic baka naman.

Sa sobrang boring at tinamad na ako magbasa ay natulog na ako.

Comment down para sipagin ako magupdate!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NotebookWhere stories live. Discover now