Have you ever realized?

753 15 9
                                    

Kung iisipin nga naman, kahapon lang pinapangarap mo siya ngayon sayo na. Sayong sayo na.. pero yung hinangaan mo noon, ngayong kilala mo na hinahangaan mo pa din ba? 

Ngayong sayo na siya, Pwede ka nang magdesisyon para sa kanya, Bakit? kasi may karapatan ka na! Kung tatanungin mo, Bakit nga ba kailangang magdesisyon ang isa para sa isa? kung pareho namang may sariling isip para sa sarili nila di ba? Hindi ba pinapalalim lang natin. Halimbawa, ako ang magdedesisyon kung kelan ka pwedeng umalis, kung kelan ka pwede makipagtext tapos limited pa, kailangan relatives lang and no ex or suitors allowed, friends na makulit pa sa dakilang makulit at kung ano-ano pang dahilan. Pero bakit nga ba kailangang ikaw ang magdesisyon para sa kanya? dahil hawak mo ang puso niya? hindi porket ganun, hawak mo na din ang utak niya. PUSO lang dre, puso.. Isa pa, nasaan na ang TIWALA na pinangako niyo para sa isa't isa? para kontrolin pa ang mga bagay na akala mo naman may ginagawang hindi tama.  Dahil takot kang mawala siya? E nasaan na nga ang tiwala? tiwala na IKAW LANG mahal niya kaya hindi ka dapat matakot kasi nga IKAW LANG. Uulitin ko pa ba ? IKAW LANG! IKAW LANG!

Sa mundong ibabaw ngayon,may masasabi pa ba tayong loyal para sa iniibig niya? Isama mo na yung pagiging honest niya sa bawat galaw niya as in no lies.. E kung sabihin ko kaya sayong WALA? aangal ka pa?Kung isa isahin ko kaya kung bakit ko nasabing wala? Aangal ka pa din ba? hhmm.. lemme figure it out.

Tinanong ka, Kumusta naman kayo? Okay lang naman ang sagot mo.

Ang guapo o!? Ang ganda o!? kung lalaki ka.. mapapatingin ka sa sinasabihan nun, Wow! maganda/guapo nga!

Pinansin ka niya,  Aaminin mo ba sakin ngayon na hindi mo siya papansinin? Malamang hindi, e kung pakitaan ka niya ng motibo? sasabihin mo pa din ba sakin na di ka papadala? dahil loyal ka. Oh c'mon! I know from the back of your mind, papansinin mo yun at kahit konti matutuwa ka at masasabi mo nalang sa sarili mo, pagkakataon ko na to! Usap usap lang naman, wala namang malisya e diba?

How about from other scene kaya?

Oh tagaaay!inom pa! Kj naman! sige na! para namang di marunong makisama! isa lang naman e!wala naman siya dito! ok lang yan! at kung ano-ano pang kantyaw ng barkada. Sasabihin mo ba sakin na kahit isang lagok hindi ka nagpadala? o pwede din sabihin mong nakadalawang baso ka lang kahit nakalima kana? binawasan mo pa para di halata.

Ibahin naman natin ngayon ang topic,baka naboboring ka na.

Ni minsan ba natanong mo sa sarili mo, bakit ko pa ba siya minaha? ang sakit sakit na! (magkaaway kayo).. Well,it explains already WHY natanong mo yun.. kasi nga magkaaway kayo. Natatanong mo sa sarili mo kung hindi mo sana siya minahal hindi ka nasasaktan ngayon. Hindi mo titiisin ang masasakit na salita na naririnig mo galing sa kanya, hindi mo rin hahayaang sabihan ka niya ng ganun. Kung hindi mo sana siya minahal hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na pinapahirapan ka lang nito. Hindi ka sana umiiyak na parang tanga para lang sa walang kwentang iringan at bangayan niyo. 

Paano kung okay naman kayo? ganito ang drama mo. 

God gave me you.

Thanks for coming into my life.

You're one in a million.

Di ba parang tanga lang? Una ayaw mo sa kanya ngayon gusto mo na ulit and vice versa. Tsk! Paikot ikot nalang tayo. Ang pinopoint ko lang naman, wala namang matinong relasyon sa planetang earth. If you have many questions about LOVE, sarili mo mismo ang makakasagot nito. Kung hindi mo pa din alam ang sagot, maaring nasa stage ka na masasaktan ka palang at saka mo marerealize na nagmamahal ka na. 

Kung nasobrahan ka naman na sa pagmamahal, wala ng gamot sa pagiging TANGA. Let me guess? ang kaso mo ay niloko ka ng mahal mo? O pwedeng bestfriend mo ang mahal ng mahal mo? Pwede ding mahal ka niya dati ngayon naglahong parang bula ang pagibig niya sayo, maaring kabi kabila ang syota niya at laging sinasabing nagbago na pero hindi naman talaga? Meron ding mahal ka niya pero mas mahal daw yung isa? Merong, ginawa ka lang panakip butas kasi ikaw yung nandiyan? anu pa ba, Nakipagsex ang mahal mo at ang katwiran nalasing lang daw? o kaya nalaman mong bakla/tomboy ang mahal mo? Pwede ding may iba ng mahal ang mahal mo at nahuli mo pa siyang may kalantari? o nagmamahal kayo pero ang pagitan niyo ay milya milyang dagat? O sige na nga tama na nga! alam kong isa ka sa nabanggit ko.

One and only lang ang sagot diyan, ACCEPTANCE.  Pagtanggap sa bagay na hindi kailanman magiging iyo o hindi pwedeng maging iyo. Pagtanggap na hindilahat ng gusto mong naisin ay aayon sa gusto mo at sa gustong maramdaman ng puso mo. Tao lang tayo, nagkakamali, nasasaktan. Kung nasasaktan ka okay bibigyan kita ng chance para masaktan pa pero kung paulit ulit na? aba! hindi ba nakakapagod yan? Nagmamahal ka nga, pero hindi naman kayang suklian ng taong pinaglalaanan ng puso mo. Talo kana, nasasayang pa ang oras mo sa kapapangarap lang sa kanya. Hands down na at tangap tanggap din.

Nabored ka na ata ulit, iba naman. About patience and accepting for what/who he/she really is. Have you ever tried having patience to someone who really pisses you off cause you really love him/her that much? Yun bang nakakainis yung ugali , selos dun selos diyan. Yung possesive? Yun bang oa na? Yung nakakasakal? pag may nasabi ka iisipin niya mali na agad pero wala naman yung kahulugang iba sayo. Yung nagpapaliwanag ka na hindi ganun para hindi niya mamisinterpret pero in the end magtatampo lang siya? tapos sasabihin niya pang hindi mo siya naiintindihan? But you still keep on calming until magets na niya ang pinupunto mo pero lumala lang? tapos maiinis ka na at kapag napasigaw ka ng kaunti sasabihin niya rude ka na? Minsan pa kahit punung puno ka na, lalo pa niyang dadagdagan ng kung ano anong paratang. 'Hindi mo na ko mahal! 'Nagbago kana!dati hindi mo ko sinisigawan' 'Akala ko naiintindihan mo ko tapos aamuin kapag ganito ko' etc etc...   Nakakarindi di ba? nakakabingi! Ang dami agad sinabi? pero alam mo sa sarili mong walang nagbago at oa nalang siya. Masyado mo siyang naispoiled at nasanay sayong lagi kang nauuna kahit ang totoo nahihirapan ka na ding gawin yun lagi.

Paano nga ba tanggapin ang isang tao pero ayaw mo talaga yung SIYA? Paano ka pipili sa kasabihang 'Love me for who i am and accept me for what i am' or 'If you really love you change for better' Ano ba talaga? Mahalin ka sa pagiging ikaw kahit na may mali naman talaga? Paano kung sabihin kong kung mahal mo ko bakit di mo kayang magbago? Kung mahal mo kong talaga kaya mo kong tanggapin kahit sino at ako pa ko.. Ang gulo di ba!

 Halimbawa nalang, monster ka at pumapatay ka ng maraming tao pero dahil gusto mo tanggapin kita kung sino at ano ka hahayaan kita? Paano kung sabihin ko sayong kung mahal mo ko hindi mo na gagawin ang pumatay ng tao for the better of others at para na rin para sakin. Gagawin mo ba? yun lang ang essence nun. Kaya nga sinasabi nilang 'Minsan hindi dapat sisihin ang nangiiwan, ikaw din kasi ang nagiging dahilan bakit sila umaalis.'

Love is about taking risk din talaga. Give and Take. Ang pinakamasakit dun ikaw yung give ng give at siya yung take ng take. Pwede mo bang hilingin sa kanyang, ako naman oh? ako naman ang bigyan mo ng gusto kong maramdaman. E paano kung hindi niya ibigay? UNFAIR! yun nalang ang masasabi mo. Mahal mo e, magdusa ka!? 'Love is giving someone the power to destroy you, but trusting them not to'. Yun yon e diba? Don't let love ruin you. If he/she doesn't give a damn and doesn't appreciate not even a single thing from you, maybe it's time for you to realize that you're only a human not a robot who being controlled by batteries or whatever it might be. You have to realize that things might be over. If that someone really loves you, he/she won't make you cry , hindi ka niya hahayaang magisip, magalala o di kaya'y pahirapan kang alalahanin ang bagay bagay na di dapat pang isipin pa. He/she will never hurt you instead has the power to make you happy every single day of your life. Yung pinapagaan ang loob mo. Yung inaalalayan ka hindi yung mas lalo kang binababa. Love is never enough if there isn't cooperation  from the one  you love.  Ang mahalagang pundasyon sa pag-ibig ay determinasyon at understanding between you & your partner. Dadating at dadating ang panahon na mapapagod ka din. May limitasyon ang pagmamahal kahit gaano kapa katatag. Huwag mong hayaang maubos ka ng pagmamahal mo at wala ng matira sayo. Maigi pa,

'Love youself first, that matters the most'.

                                                                                                                         >mhsty< "The doubtful heart"

Have you ever realized?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon