Hey, Stephen.

262 0 0
                                    

"STEPHEN!"

Nagulat ako ng biglang may humablot ng earphones ko at hinampas pa ang likod ko. Nilingon ko naman kung sinong bwisit na gumawa sa'kin nu'n.

Eh, sino pa nga ba?

Nag-uusok na ang butas ng ilong niya ng balingan ko siya.

"Bakit ba?!" hiyaw ko.

Eh, sa nakakainis naman talaga. Parati na lang gano'n ang ginagawa niya sa'kin. Mala-Iron Fist pa naman ang kamay niya. Saka bwisit ako sa kanya ngayon. 'Wag niya ng dagdagan.

Padabog siyang umupo sa tabi ko sa bermuda grass. Bitbit niya na naman 'yung sobrang laking bag niya. 'Yung pang varsity.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo! Ni-hindi ka man lang lumilingon! Tapos malalaman ko naka-earphones ka na naman pala! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na 'wag kang mag-e-earphones sa public places? Nagmumukhang timang ang—"

"Ilang beses ko rin ba sinabi sa'yong layuan mo 'yung gagong basketball player na 'yun,ha?!" asik ko.

Napanganga naman siyang napatingin sa'kin. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pero hindi ko rin kinaya, kaya ako ang unang bumawi ng tingin.

Taena naman kasi, bakit ang pula ng lips niya?

"Ano na naman ba 'to ha, Stephen?" naiinis na niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Akmang ibabalik ko 'yung earphones ko tainga pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Tungkol na naman 'to kay Jayson?" tanong niya uli pero hindi ako ulit sumagot.

"Stephen, nakakapagod na. Paulit-ulit na lang 'yan. Sinabi ko naman sa'yo, kaibi—"

Tumayo ako bigla kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin niya.

"Kaibigan mo siya mula pre-school hanggang ngayon. Mag-katapat ang bahay niyo kaya sobrang close niyong dalawa. Oo, Shane. Paulit-ulit na. Paulit-ulit na lang ako. At paulit-ulit ko na ring sinasabi sa'yo na layuan mo siya kasi nagseselos ako kapag magkasama kayong dalawa. Mahirap ba 'yun ha, Shane?" nag-iinit na ang ulo ko.

"Stephen naman, hindi naman pwedeng layuan ko na lang siya basta. Magtataka siya at ibang taong nakakakilala sa'min. Saka marami na  kaming memories na—"

"Mas mahalaga pa sa memories na meron tayo?"

Nanlaki ang dalawa niyang mata.

"Stephen, ano ba?!"sigaw na niya. "Intindihin mo naman ako. Hindi naman pwedeng 'yang pagseselos mo kay Jayson ang laging pinapairal mo. Nakakapagod na rin, alam mo ba 'yun?!"

"Ah, pagod ka na?" sarkastiko kong sabi.

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako. Namamasa na rin ang mata niya.

"Pagod ka na pala e. Sabagay, mapapagod ka naman talaga kapag
boring ang boyfriend mo diba?" tinaas ko ng konti ang eyeglasses kong pahulog na sa ilong ko.

Ngumisi ako. "Mas masaya kasama 'yung basketball players diba? Bagay ang basketball player na kagaya ni Jayson sa katulad mong cheerleader. Keysa sa tulad ko. Ano nga ba ako?"

"Stephen, tama na." mariin niyang sabi. Nakikita ko sa mata niya ang pakiki-usap na tumigil na ako.

"Pagod ka na?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Para lang siyang statwang hindi gumagalaw. Wala akong panahon para maawa ngayon sa kanya. Masakit rin sa'kin na parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

"Kung pagod ka na..." hinablot ko ang bag ko sa damuhan. Isinukbit ko ang bag ko at tumalikod sa kanya. "...tapusin na natin 'to."

Mabagal akong naglakad paalis.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now