"Bakit nanaman?" Tanong ko.

"Wala. Bakit? Masamang tumabi?" Tumawa siya at relax na umupo sa katabi kong sun bed.

"Bakit di ka nag si swimming?" Tanong niya sakin.

"Wala pa ako sa mood." Sabi ko habang naka tanaw sa mga babaeng nag si swimming.

Naka bikini din sila pero dikit na dikit naman sa kanila ang mga boyfriend nila. Dumaan ang kaunting inggit sa aking sistema. How I wish he was like that to me.

Nakita kong nag hahabulan sa dalampasigan si Scor at iyong babae. Akala mo nasa teleseryo. Madapa sana siya.

"Selos ka?" Tanong ulit ni Eli.

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin tumahimik ka nalang!" Untag ko sa kanya sabay tanaw ulit sa dalampasigan.

Hindi na magkasama si Scor at iyong babae. Nakita kong palapit si Scor kay Clint na kakaahon lang sa dagat. May pinag uusapan sila at halos magtago ako nang bigla silang lumingon sa akin. Blangko lang naman ang mukha ni Scor. Ako naman ay nagpanggap na sa iba nakatingin, naka shades naman ako kaya di niya malalaman na nakatingin ako sa kanya.

Kinalabit ko si Eli na nakapikit. Dumilat siya bago nagtanong.

"What?"

"Lagyan mo ko. Bilis." Inabot ko sa kanya ang sunblock.

"What? Ano? May pag nanasa ka ba sakin?" Tatawa tawang tanong ng lalaki.

"Hinde! Ano ka ba? Kadiri ah! Bilisan mo na." Ang sabi ko naman.

"Baka sapakin ako ni Scor." Sabi niya pa.

"Iyon nga ang plano." Sagot ko bago tinaas ang mesh shiry at dumapa.

Wala namang malisya sa akin itong si Eli. Halos kuya ko na 'to eh. At saka, ex niya si Tequila kaya off limits ako sa kanya. Haha!

"Tatanggalin ko 'yung string ah." Sabi niya na parang nagpipigil ng tawa.

"Umayos ka!" Impit na sigaw ko.

Nakita ko ang pag dilim ng mukha ni Scor nang magawi sa amin ni Eli ang paningin niya. Nang tumalikod si Scor ay pinatigil ko na si Eli sa paglalagay ng lotion sa likod ko.

"Okay na! Tuwang tuwa ka ah! Susumbong kita kay Teq."

"Di na uy. Gaspang gaspang ng likod mo eh." Bumalik na siya sa inuupuan niyang sun bed.

Sakto namang umahon na ang mga nag si swimming.

"Volleyball tayo? Tara?" Sigaw ni Scarlette sa amin.

"Ito! Player 'to." Turo sa akin ni Eli.

"Ano, Tos? Sali ka?" Tanong ni Scarlette.

"Alright." Tumayo ako ay sumunod sa kanila sa parte ng beach na may volleyball net.

"Guys, okay lang ba sumali ako?" Matalim kong tiningnan si Mary na kanina lang ay daig pa ang higad kung maka yapos kay Scor.

"Uhm." Nahirapan sumagot si Scarlette at makabuluhan akong tiningnan.

"Sure!" Ako na ang sumagot.

Nagtinginan sina Scarlette at Brooke pero pinasali pa din naman si Mary. Bali kaming apat lang ang naglalaro. Two on two at kakampi ko si Brooke.

Ako na ang tumira. Palagi akong pinapatama kay Mary ang serving ko pero na re receive niya iyon. Nang masanay ako at makapa ko ang bola ay tuloy tuloy na ang laro. Sa huli at nagpasya akong i spike patungo kay Mary ang bola at saktong sakto iyon sa mukha niya! Hindi siya nakaiwas!

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now