Chapter 1 Fire on a Rainy Day

709 30 26
                                    

Chapter 1 Fire on a Rainy Day

Saturday, August 5,2000 10:00 pm

Umuulan, malakas, sobrang lakas. Pero okay lang, masaya ako kasi kakagaling lang namin sa Bagiuo.

Pauwi na kami sa Manila, mabagal lang ang pagda-drive ni Dad... Unting pagkakamali lang kasi pwede kaming mahulog sa bangin.

Kaya habang nasa biyahe kami ay magkukuwento na lang ako sa inyo...

Sa tingin ko kasi inlove ako, pero puppy love lang naman.

Bata-bata ko pa kaya >.<

Ganito kasi yan.

Nung unang araw namin sa Bagiuo, binilhan ako ni Daddy nung dirty ice cream na nasa cone.

Tuwang-tuwa ako at masarap na kinakain ang ice cream nang biglang...

BOOGSHH!

Nabunggo ako nung batang tumatakbo papunta sa bilihan ng ice-cream

Kaya nahulog yung ice cream ko :'(

Wala na akong kakainin... Umalis pa naman saglit si Dad

"Waaahhhh... Waaaahhhh..."

"Oh bata bakit ka umiiyak??"

tok

"Aray? Bat mo ako binatukan.. Tinatanong ko lang naman kung bakit ka umiiyak ah?"

"Eh kasi ikaw... Waaaaahh.. Dahil sayo kaya nahulog yung ice-cream ko... Waahhhh.."

"Shhh.. wag ka nang umiyak, baka isipin nila inaway kita..."

"Waaaahhh.. Eh totoo naman eh.. Inaaway mo ako... waaahhh.."

"Aissshhh... oh eto na ice cream ko..." 

Hindi ko siya pinapansin kahit inaabot na niya yung ice cream niya...

Ayoko nga tanggapin... dinilaan niya na yun eh... Eeeew! Kaya patuloy pa din akong umiyak..

*napatigil sa pag-iyak..

"Ay sorry.. napalakas ata ang pagsubo ko sayo... Kaw kasi eh di ka natigil...

Tingnan mo ang dumi na nang mukha mo... Oh eto panyo." Tas pinunasan niya yung bibig ko...

"Sayo na yang panyo ko... Madumi na eh... Buti naman tumigil ka na kakaiyak.. Sige paano aalis na ako. Babye ^_^"

Hahahahaha...

Diba?? Ang sweet sweet niya sakin.. :)

Nung mga sumunod na araw nga eh pumunta pa din ako.. Hinahanap siya, pero wala na siya :/

Tanging alaala niya na lang tong panyo na lagi kong hawak...

"Hon! Kristine... yuko!!!" Sabi ni Dad habang nakikipagbuno sa manibela..

"Aaaaahhh!" Sigaw ko kasi may dalawang sasakyan na humarurot mula sa likod namin...

Sinundan ni Dad yung dalawang sasakyan, pero something bad happen..

Nasaksihan namin kung paano tinulak nung isang sasakyan yung kasabay niya..

Kaya nahulog yung isang sasakyan sa bangin at biglang sumabog...

"Hon, stop the car..."

"What? No... Baka madamay pa tayo sa away nila..."

"I said stop! Baka may buhay pa dun sa sasakyan..."

"OK sasamahan kita... Kristine anak.. Stay here ok?? Titingnan lang namin yung sasakyan.."

Naiwan akong mag-isa sa sasakyan..

Dahan-dahan nilang binaba yung bangin para tingnan ang sasakyang nasusunog kahit umuulan ng malakas...

At pag-balik nila... May kasama na sila..

"Waaahhh.. Daddy, Mommy... Waaahhh"

Isang batang babaen umiiyak..

"Ui bata bat ka umiiyak?"

"Si daddy, si mommy Waaahhh.."

"Anak, anong pangalan mo?" Tanong sa kanya ni Mommy habang inaalo siya...

"Aubrey po... Waaahhh.."

"Hi Aubrey, Ako si Kristine... :)"

"Aubrey... Sila daddy at mommy mo... wala na sila anak... Kami na ang bagong pamilya mo..."

"At ako ang magiging bagong kalaro mo ^_^" Sabi ko sa kanya..

Mukhang tumigil na siya kakaiyak...

Pero mali pala ako...

Nakatulog daw siya sa sobrang sama ng loob sabi ni Mama..

Sana maging ok din si Aubrey...

Ang bago kong kapatid :)

Stolen Identity [SI]Where stories live. Discover now