Bella Angela Camonte
Bumaba ako mula sa kwarto. Nakita ko si mama, na naghahanda ng umagahan.
"Goodmorning ma!" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi pero di man lang ngumiti.
"Umupo kana, at kumain dyan. Malelate kananaman sa klase." cold niyang sabi. Siguro, dahil pa rin ito sa nangyari kagabi.
Nang matapos kong kumain eh pumasok na ako sa skwela.
Pero habang nasa daan ako may nakabunggo ako. Isang lalaki na nakasuot ng uniform na kapareho ng school namin.Gwapo siya, pero di ko siya type. Siguro schoolmate ko siya, di ko lang siya makita. Nakatitig lang siya sa akin. Kaya inirapan ko siya. "Excuse me kuya, Malelate na ako. Sige punta ka nalang ng mall at makipagtitigan ka sa mga mannequin don" tumawa lang siya kaya hindi ko na siya pinansin at tumakbo na papunta sa school.
Mabuti nalang at nakaabot pa ako bago ako masarhan ng gate. Kaibigan ko na kasi ang guard sa school, sa araw araw ko ba namang mahuli sa klase.
"Oh! Beian! Mabuti at nakaabot ka pa! Hala sige pumasok ka na sa klase mo at mag aral ng mabuti!" Beian ang tawag nila sa akin. Pinaikling Bella Angela. Beian, is pronounce as Biyan.
"Sige po! Kuya Ven!" Nakangiti kong iwinawagayway ang kamay ko.
Mabilis akong umakyat ng hagdan. Kung bakit ba naman nasa 3rd floor ang classroom ko.
Walang pag aalinlangang binuksan ko ang pinto ng classroom namin, at sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nagmula sa aircon.
"Ms. Camonte, you're late AGAIN!" napatingin naman ako sa teacher kong naudlot sa pagsasalita dahil sa pagpasok ko.
Ewan ko kung bakit napakainit ng ulo niya sa mga late, hindi naman siya inaano nito. Pero may balibalita na, mainit ang ulo niya dahil, akala daw niya late ang mapapangasawa niya sa kasal, yun pala tinakbuhan siya. Tsk. tsk.
Umupo ako sa tabi ng kaibigan kong si Violet, na nakataas ang kilay, ba't ba ang susungit nga mga tao ngayon?!
"Bes, may transferee daw ngayon, Gwapo raw bes. May fafable nanaman ang madadagdag sa klase natin. Na tanggal na kasi ang isa eh. Walang taste sa pagpili no? Pipili nalang, yung mukhang suso pa!" Natawa naman ako sinabi ng kaibigan ko. Si Bryann ang tinutukoy niya, yung EX boyfriend ko na boyfriend na ngayon ng kapatid ko raw! Yuck! Big yuck! Hinding hindi ako magkakaroon ng kapatid na mukhang suso! According to Queen Violet Romualdez.
"Baby, yung Ex mo ang panget no?" napataas ang kilay ko nang marinig ko ang suso na magsalita. Ampanget niya!
At ano? Ako ba ang tinutukoy niya?
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang suso at tilapia.
Tutal, tapos na ang una naming klase, at wala pa ang sunod naming guro. Kaya nilapitan ko ang dalawa pero may dala akong pulbo na hiniram ko pa kay Violet.
Tinaasan pa ako ng kilay ng qaqa! At napayuko naman sa kanyang kinauupuan si Bryann. Tama! Mahiya kang qaqo ka!
"Uy! Masaya ka na? NAAGAW NA NG ESPASOL MONG NANAY ANG TATAY KO!" ngumiti lang siya na parang nang aasar.
"Magkatulad kayo ng nanay mo! Ininiiwan kayo dahil ang papanget niyo! Loser!" Napalabi ako ng 'WOW'
Nakita ko rin na, nasaamin na ang atensyon ng lahat. At todo suporta naman sa akin ang matalik kong kaibigan na si Violet, At sumisigaw pa siya ng "fight fight fight!" kaya napangiti ako.
"Siguro, mga angkan kayo ng mang aagaw no? Pati boyfriend ko, I mean Ex Boyfriend, Eh naagaw mo!" natawa siya na parang nagtagumpay.
"That's it! Inamin mo rin! Na you still love my boyfriend, well, sorry Bella but your Ex boyfriend is now MINE! And I don't share!" sigaw niya sa akin. Ngumiti ako ng nakakaasar.
"Of course! He's all yours! Kahit isaksak mo pa yan sa baga mo! Wala na akong pake! Infact, I love donating my old toys to poor kids, you should be grateful that your one of them!" ngumisi ako at namula naman siya dahil sa galit.
"At eto pa, para naman pumutiputi yang mabaho at maitim mong budhi!" sabi ko at ibinuhos sa kanya yung pulbo. Napasinghap naman lahat ng mga kaklase ko. At napa "booooooo" sila kay Wendy.
"What the hell?!" at pinalakihan niya ako ng mata at sinabutan niya ako.
Angela pangalan ko, pero di ako anghel. Aminado ako na matalas ang tabas ng dila ko at kung minsan nakakasakit na ako. Pero atleast ako nagpapakatotoo.
Hindi katulad ng iba dyan, Kung makakilis parang santa pero santasanita pala.
Langya talaga, yung anit ko matatanggal na.
Nakita ko rin na hinawakan yung kamay ko ng pamilyar na tao. At pinipigilan ako sa ginagawa ko.
"Who give you the permission to touch my girl?" napabitiw ng wala sa oras si Wendy sa nagsalita.
"Oh my gosh! Ang gwaaapooo!"
"Hala?? Girl daw? Si Beian ba tinutukoy niya?"
"Malamang!"
"Hala girl!"
Potek! Sino ba kasi to?!
Napatingin ako dito. Si Kuya Mahilig Manitig! Anong ginagawa niya dito?!
"Again! Bakit niyo sinaktan ang girlfriend ko?!" sino ba gf nito?! At bakit dito niya hinahanap. Aishh. Panira ng moment rin to eh no?
Yun na ang pagkakataon na makalbo ko yung Wendy na yun!
Kinalabit ko siya at napatingin naman siya sa akin kaya inirapan ko siya. "Sino ba gf mo kuya? Alam mo bang nag momoment ako para kalbuhin yang suso na yan?! Dapat na kalbo ko na yan ngayon eh ku- *Tsup*"
"Ang ingay naman ng girlfriend ko." Nanlaki naman yung mga mata ko at nanatiling nakasarado yung bibig ko. Hindi ko alam pero nag init ang pisngi ko at alam kong mahihiya ang kamatis sa sobrang pula ng mukha ko ngayon! Promise!
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!
Ang langyaaaaa ninakaw ang first kiss ko!!!!!!
Wala na hindi na virgin ang ang lips ko!
Ipapakulong ko talaga tong maniac na KMM na to! KMM for Kuyang mahilig manitig!
AAAAAAAHHH!!
Yung first kiss ko!!
Baka isunod na niya yung first holding hands ko!
At baka isunod na niya ang V-Card ko!
Hindi! Hindi ko hahayaang mangyari yun!
Bago niya magalaw ang V-Card ko sisiguraduhin kong nasa kulungan na siya!
Walangya pala tong si MM, Maniac pala!
--
RielKaylie♡
YOU ARE READING
Unexpectedly yours.
Teen FictionSi Bella Angela Camonte, ay isang estudyante na walang pakialam sa mga lalaki! Dahil para sa kanya ang mga lalaki ay mga manloloko! Or should I say, isa siyang manhater. Well, may explanation kung bakit siya ganyan. Pero dahil sa isang UNEXPECTED S...
