dorshylover - 10 Likes & Dislikes !

584 14 17
                                    

Eto na Master @ReineKumagai14 ang 10 Likes and Dislikes ng isang Monarch na katulad ko. Hahaha joke :P mga pakulo mo talaga... Pero naaaliw ako dito xD

Muli kong tina-tag ang aking kaibigan at kabaliwan at kaadikan at kapanalig na si @KumikoSensei ! Aabangan ko ang sayo. Good luck! Haha xD

Eto na ang 10 Likes & Dislikes ni Dorshylover ;)

====== LIKES ======

1 ) Mga pagkain na strawberry flavor! Lalo na ang doughnut!! Kahit ano pang tatak niyan basta strawberry na doughnut gusto ko!! Ang bango kasi ng amoy ng mga strawberry flavored na pagkain tska ang sarap lang talaga ^___^

2 ) Mga classic songs! Lalo na yung mga love songs noon. Bet ko yan! Lalo pag songs nila Barry Manilow, Air supply, The Carpenters at Whitney Houston! XD 4 palang kasi ako napapakinggan ko na mga yan. Tatay ko kasi mahilig sa music. Naalala ko nun basta off niya tuwing sunday. Magigising nalang ako sa mga lumang kanta lalo na mga songs ni Whitney Houston. XD

3 ) Magkulong sa kwarto maghapon, magdamag na walang nang-iistorbo. Yung andun ka lang at hayahay lang. Walang maingay at mang-pepeste sa akin. May pagka-loner kasi talaga ako. Mas gusto ko ang nasa kwarto kesa mag-gala. Hehe

4 ) Manood ng TV!! Alam ko ang sched ng Abs-cbn mula umaga hanggang sa mag sign-off ito. Pati na rin ang pagpapalit ng mga sekyu sa building nila. Hahaha! Bata palang ako yan na ang kinahiligan ko. Ang manood ng tv lalo na ng mga teleserye XD

5 ) Yung mga taong masayahin :D Yun eksenang may nagaganap ng giyera nakukuha pang magpatawa. Yung pagunaw na ang mundo handa pang mag cartwheel sabay split. Basta yung mga taong masayahin at positibo sa buhay. Na mas nauunang makita ang magagandang bagay kesa sa mga negatibong bagay. :)

6 ) Keso/Cheese. Ginagawa kong chichirya yan! Hahaha! Pag may bagong biling keso sa bahay naku masaya na ako niyan. Pinapapak ko talaga! Nagpapanggap akong daga tapos kinakain ko siya! Mas gusto ko siyang pinapapak kesa pinapalaman sa tinapay :D

7 ) Chinito o Chinita. Pero mas gusto ko Chinito. Hahaha! Sobra akong nacucute-tan sakanila!! Lalo sa mga koreans! Ang sarap pag masdan at titigan buong araw :3 tska pangarap kong maging singkit talaga! Siguro sa next life ko. Singkit na ako. Ngayon kasi hindi eh. Pero cute padin naman ako. Hahaha xD

8 ) Magandang ngipin. Yung pag smile lalabas ang pang close-up na ngiti. Shit may naalala ako! Kinilig akong bigla! Walangya! >____< basta gusto ko yung pang commercial ang smile. Hindi lang pang selfie!

9 ) Mga action films na ang bida ay babae. Ewan ko mas nag-eenjoy akong nakikitang nakikipag buntalan at nakikipag barilan ang mga babae. Haha xD fav kong movies ang So Close, Charlie's Angels, Elektra at lalo na ang Kill Bill! Lalo na ang Kill Bill Vol. 1 ! Kahit madugo siya, nag-enjoy ako. Astig kasi dun ni Uma Thurman eh! XD

10 ) Favorite ko ang ITLOG ! Kahit anong luto. Prito, Nilaga, Scrambled, Torta. Basta kahit na anong luto sa itlog. Favorite ko din ang tokneneng at penoy :D Pero ang balut at century egg. Ayaw! Hindi ko bet! >___<

====== DISLIKES ======

1 ) Pangit na Masama ang ugali. Chong, panget ka na nga, magpaka-buti ka na. Wag mong hayaang manuot hanggang sa loob mo ang kapangitan mo. Balanse lang ok?

2 ) Yung maingay!!! Mapa-lugar man o Tao. Kaya nga mas gusto ko ang gabi kesa araw eh. Kasi pag gabi, ramdam ko yung kapayaan na gusto ko. Kaya kadalasan gising ako sa madaling araw. Hehe

3 ) Ayaw na ayaw kong pinapakialaman ang gamit ko. Lalong-lalo na ang cellphone ko! Gamit ko yan eh, wag mong pakialaman! Pero kung gusto mong ma-coma ng 36 days pwes pakialaman mo gamit ko. Malugod kitang ico-coma!

4 ) Baby oil, Cooking oil, o kahit na anong oil na madidikit sa balat ko. Kinikilabutan ako pag may nararamdaman akong mantika. Kaya hindi ako nagkakamay sa pagkain eh. Ayaw! Maarte ako. Monarch eh :3

5 ) FAMEWHORES !! Hindi na ako magbibigay ng dahilan, basta ayoko sa mga ganyan. Ibinabala ko sa kanyon ang mga ganyan. Naku!!

6 ) Yung mga makikitid ang utak. Yung hindi marunong makaintindi. Na sakanila kung ano pinapaniwalaan nila yun na agad. Sarado na ang utak. Sarap icoma ng mga ganyan. Promise!

7 ) Mga taong NEGA ! Naku ayoko talaga sa mga ganyan. Malas ang mga ganyan. Dapat pinagsasama-sama yan sa isang bote tapos itapon sa dagat. Walang lugar ang taong nega sa buhay ko. Gusto ko mabuhay ng positibo at mapayapa.

8 ) Yung tinitingnan ako habang kumakain. Nakakairita susko! Hindi nalang sabihin na gusto din niya ang kinakain ko eh, mapagbigay naman ako. Yun lang. Baka ako ang gustong kainin kaya tumitingin. Well well... Hahaha. Basta ayokong pinapanood akong kumain. Period.

9 ) Yung mga Gory movies! Yung mga madugo, putulan ng parte ng katawan, sugatan. Ayaw na ayaw ko niyan. Hindi ko kaya. Nasasaktan kasi akong panoorin =____=

10 ) Yung nakikialam sa mga trip ko. Ika-nga walang basagan ng trip! Kung hindi mo trip ang trip ko. Wag kang makialam. Hindi ko kailangan ng say mo sa gusto ko. Kung ayaw mo sa trip ko. Wag ka na mag-abala mangialam kung ayaw mong mapektusan!

==============================

Yan ang 10 Likes & Dislikes ko. Sana ay nakapulot kayong aral at kaalaman sa akin pagbabahagi. Hahaha joke xP yun na. Tapos na. Bye! xD IKAW na next @KumikoSensei !!!

TAG! You're It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon