FALL FOR YOU

70 4 0
                                    

Jinhwan's Point Of View

9:15 AM

[ Jinan, otw na ako. Wait lang. ^^'' ]

10:30 AM

[ Uy, malapit na talaga. >< ]

Yan ang huling message na natanggap ko mula sa kanya.

Time check, 12:30 PM.

Hindi naman halata na ilang oras na akong nag iintay pero kahit anino nya, wala pa din.

Bakit ba kasi napakabagal kumilos ng mga babae? Ilang ritual ba ang kailangan nila isagawa?

Saglit akong napapikit at huminga ng malalim.

*inhale,exhale*

Napadilat ako nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto ng café na kinaroroonan ko.

"Omayghad Jinhwan, I'm so sorry. Na stuck ako sa traffic tapos ang bagal pa mag drive nung driver ng taxi na nasakyan ko, jusko I'm so stressed. Tapos ang mahal mahal pa ng singil nya sakin. Sana pala ng jeep nalang ako diba? Mas mabilis pa ata yung kalesa kesa sa---."

Napatigil sya sa pagsasalita nang iharap ko ang isang baso ng tubig sa mukha nya.

"Kumalma ka. Baka makalimutan mong huminga." sambit ko.

Hindi ko maiwasan ang bahagyang matawa dahil sa dali-dali nyang pag inom ng tubig.

How cute.

"Whooo! Okay. Kalmado na---bakit ka tumatawa? aber?!" sambit nya kasabay ng pagtaas ng kanang kilay nya.

Natigilan ako saglit at napatingin sa kanya. Ang hirap magpigil ng tawa, lintek na yan.

"Hoy Kim Jinhwan! Sasagot ka o sasagot ka?"

Napakaswerte ng babaeng to dahil sa dinadami ng babae sa mundo sya lang ang nakakaganito sa'kin.

"Wala...natatawa lang ako sa reaksyon mo. I find it cute." sagot ko sabay kindat.

"Oh wag ka naman masyadong kiligin dyan." dagdag ko pa.

"Asa ka namang kiligin ako don noh! Duh!" sambit nya.

Paano ko nga ba nakilala 'tong baliw na babae na 'to 2 years ago?

FLASHBACK

Wala na bang mas papangit pa sa nangyayari ngayon? *sigh*

"Hyung?" napatingin ako dun sa taong tumawag saakin.

"What?" iritable kong sabi.

Parang nag alangan pa si Donghyuk kung itutuloy nya pa yung sasabihin nya.

"Eh...ano...ano kasi hyung.. kanina pa kasi kita nakikitang bumubuntong hininga dyan. Is everything okay? Are you ok? " sambit nya.

"Yeah, I'm Okay."

"Hyung alam mo naman na... you can always talk to us right?" sabat naman ni Chanwoo.

Medyo naiirita na ako sa kanila. Sinabi na ngang ok lang ako eh.

"Alright. Leave me alone. I'm ok." sabi ko sabay pasok sa kwarto.

Ilang minuto pa lang ako dito sa loob may kumatok nanaman. Bwiset.

"WHAT?!" sigaw ko kung sino man yung nasa pinto.

"It's me Hyung " si Hanbin pala.

Binuksan nya yung pinto tapos sinarado din.

"What do you want? Kung itatanong mo lang din kung okay lang ako, mas mabuti pang umalis ka na muna. Kanina ko pa sinasabi na okay lang ako." seryoso kong sabi sa kanya.

Love Me (Part 2)Where stories live. Discover now