Running After A Turtle (one-shot)

53.7K 2.8K 571
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng taong mabagal?

 

Yung literal na mabagal. Mabagal maka-gets ng mga bagay-bagay sa paligid nya. Mabagal syang kumilos. Mabagal syang maglakad. Mabagal syang magsalita.

Yang kabagalan nyang taglay... yan ang bagay na ayaw ko sa kanya. Halos araw-araw ko syang kinakagalitan dahil sa kabagalan nya. Palagi kaming nali-late sa klase dahil mabagal syang kumilos. Palagi akong nahuhuli sa mga subjects ko dahil palagi ko syang inaantay maglakad.

Tuwing lunch break, inaabot kami ng mahigit isang oras dahil mabagal syang pumili ng pagkain... saka mabagal din syang kumain.

Hindi ko nga alam kung ano bang nagustuhan ko sa kanya. Hindi naman sya katalinuhan. Simple lang yung itsura nya na kung tutuusin ay wala sa linya ng mga tipo kong babae. Pero siguro nga, totoo yung kasabihan na opposites attract.

Dahil kahit anong pigil ko... hindi ko nagawang pigilan ang sarili kong mahulog sa kanya.

I have high standards when it comes to girls... pero sa lahat ng standards na yun, pinalampas ko sya. Sya yung nag-iisang exception sa lahat ng rules ko.

Hindi ko maiiwasan yun. Hindi ko magawang iwasan ang bagay na unti-unting nagiging mundo ko. Siya yung kaligayahan ng buhay ko. Sa mga simpleng bagay na ginagawa nya, nagagawa nya akong pangitiin. Isang yakap lang mula sa kanya, nawawala na ang sama ng mood ko.

Isang ngiti nya lang... nahuhulog na ang puso ko.

Kaya kahit napakabagal nya, mahal na mahal ko sya. Dumating yung time na ramdam kong ikakamatay ko kapag nawala sya. Kaya naman ingat na ingat ko ang relasyon naming dalawa. Hindi ko pinapalampas ang isang araw na magkagalit kami.

Ako na yung gumagawa ng paraan para magkaayos kami.

Siguro nga, tama ang barkada... tanga ako pagdating sa kanya. Minsan, naaawa na sila sa 'kin kapag nagkikwento ako. Kasi... palagi syang late sa date namin. Madalas sa hindi na nag-iintay ako sa kanya ng mahigit dalwang oras bago sya dumating.

Gustuhin ko mang umalis na lang at magalit... sa tuwing naiisip ko sya, napapako ako sa kinatatayuan ko. Naiinis ako pero... mahal ko sya eh. Handa akong maghintay para sa kanya. And I'll always be rewarded by her apologetic smile.

Kaya naman pala palagi syang nahuhuli... kasi nagpapaganda talaga sya para sa 'kin.

At lalo akong nahuhulog sa kanya...

Pero totoo rin yung sinasabi ng ibang tao na hindi sapat ang pagmamahal para tumagal ang isang relasyon. It needs work. It needs effort. At dapat two-way. Hindi dapat palaging ako.

Pero sa tingin ko, yun ang nangyayari.

Nakakapagod maghintay...

 

Lalo na nitong minsan. Bumili ako ng dalawang ticket para sa concert ng Maroon 5. Nataon pa kasing first anniversary namin tapos birthday ko pa. Lahat ng ipon ko na pang-thesis ko sana... napunta sa dalawang ticket na yun na ubod ng mahal.

May nakaaway pa ako dahil last pair na yun sa binilhan ko... pero para lang talaga mabigyan ko sya ng memorable na anniversary, ginawa ko lahat ng paraan para makakuha ng tickets.

Tapos ano'ng ginawa nya?

She showed up... pagkatapos ng concert. Nandun lang ako sa labas ng Araneta, naghihintay sa pagdating nya. Ang dami nyang dahilan. Kesyo hindi daw sya makapili ng damit. Nakatulog pa daw sya. Nakalimutan daw nya.

Sabi ko, "Belle, putangina! Inaksaya mo yung concert tickets! Ilang libo din ang ginugol ko para dyan!"

Tungong-tungo sya, umiiyak habang kapit-kapit yung sling ng bag nya. Ang cute nya pa naman sana nung araw na yun. First time ko syang nakitang naka-skirt.

Running After A TurtleWhere stories live. Discover now