What She Sees

5 1 0
                                        

AIRA's POV

August 10, 2018

Tanghali na nang magising ako, napuyat kasi ako kagabi dahil sa mga tinapos kong paper works.

When I look at the other side of the bed, it was empty. Again.

Palagi na lang basta nagigising ako ay hindi ko na katabi ang asawa ko. But it's okay. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagkaganon.

Bumangon na ako at naligo. Saturday naman ngayon, tinapos ko lang talaga ang trabaho ko kagabi para wala na akong aatupagin ngayong weekend. Dahil ang Saturdays at Sundays ko ay nakalaan lamang para sa pamilya ko.

Pagkababa ko, nadatnan ko si Mama at Mike- my husband- sa sala. Nakatingin lang si Mama sa labas ng bintana. While Mike on the other hand, was busy reading the newspaper.

"Goodmorning!" I greeted. But got no response. Tinignan lang nila ako.

Dumeretso na lang ako sa kusina and prepared my brunch.

Namalayan ko na lang na nakaupo na si Mike sa harapan ko. This is one of the things I like about him, kahit anlaki ng kasalanan ko sa kaniya eh sinasamahan pa rin niya ako kapag kumakain. Though I am the only one eating.

"Love, want some?" I asked. But he just shook his head. "Okay" I smiled at him and he did the same.

I finished my brunch and went upstairs. Sumunod si Mike sa akin, nahiga lang kami sa kama at nanood ng tv.

"Love..." tawag ko sa kaniya. Tinignan niyo ako at tinaasan ng kilay.

"Labas tayo, magMall tayo ni Mama. Antagal na kasi natin di namamasyal eh. Please..." I pleaded

He nodded and got up. Dumeretso na  siya sa CR. Magbibihis na siguro.

Tinext ko na si Mama dahil tinatamad na akong pumunta pa ng room niya. Nagreply siya ng sige. Pagkalabas ni Mike ng banyo ay tumayo na ako at nagpunta na ng CR para magpalit.

Pagkalabas ko ay wala na si Mike sa kuwarto namin. Malamang nasa kotse na sila ni Mama. Doon nila ako laging hinihintay.

Umupo na ako sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan. Nagpatugtog din ako dahil masiyadong tahimik.

Pagkarating namin ng mall ay pumasok kami sa isang boutique. Pumili ako ng mga damit at nagsukat. Lumabas ako ng fitting room at nakita ko ang sales lady kasama nila Mike.

"Bagay po sa inyo Ma'am. Ang ganda-ganda niyo po sa damit na yan." Puri ng sales lady.

I smiled at her and looked towards Mike. "Bagay ba?" He smiled and nodded.

Tumingin ulit ako sa sales lady at nakitang parangnalilito ito. "Sige kukunin ko na to at yong iba pang mga napili ko. Tinatamad na ako magsukat eh" I told her.

She smiled at me and said, "Sige po Ma'am."

Bumalik na ko sa fitting room at nagbihis. Pagkalabas ko nakita kong nakatayo si Mike sa section ng panlalake.

Lumapit ako.

"Love, gusto mo bang pilian kita?" I asked. And he nodded.

Nakita kong nakatingin na naman sa akin ang sales lady habang may binubulong sa kapwa niya sales lady. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin na parang naiilang. I smiled back at her and looked at Mike again.

"Ito, try this Love" abot ko ng isang polo sa kaniya pera umiling lang siya. Ay oo nga pala di siya mahilig magsukat ng damit.

Namili pa ko ng apat pang polo na alam kong babagay sa kaniya. Lumapit sa akin ang sales lady at tinanong kung kukunin ko ba raw ang mga polo. Nag-oo ako at ibinigay na sa kaniya ang mga damit.

What She SeesHistórias para pegar e não largar. Descubra agora