dorshylover

1.6K 35 47
                                    

Hellooooo!! Hindi to UD o bagong story! Haha xD katuwaan lang to na na-suggest ng aking master/close friend na si @ReineKumagai14 ! Sakanya ko lang nalaman to at natuwa ako kaya go ako! XD

Tina-tag ko ang isa sa pang close friend kong si @KumikoSensei! Oy antayin ko yung sayo ah.

Eto na. 20 Facts abt me... Dorshylover :3

BABALA: ANG MGA SUSUNOD NA MABABASA AY PAWANG KATOTOHANAN LAMANG. KUNG NAWEIRDOHAN KAYO. WAG KAYONG MAG-ALALA. AKO DIN. TANGGAPIN NIYO NALANG KUNG AYAW MA-COMA.

====================================

01) Hindi ako mabubuhay na hindi umiinom ng coke sa isang araw. Parang hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ako nakakainom. Ika-nga Coke Happiness!! Kailangan ko ng happiness sa buhay. Haha xD

02) Ayaw ko ng peanut butter lalo kung nakapalaman sa bread >____< bukod sa ayaw ko ng kulay at itsura niya. Nauumay ako sa lasa niya.

03) Ayaw ko ng ISDA ... Naawa kasi ako pag kinakain sila :( joke. Ayaw ko lang. Malansa kasi eh, tapos ang tinik pa. Akala mo naman ang sarap nila para pahirapan kang kainin. Kaya ayaw ko. Haha

04) Ayoko ng kinakalabit ako at sinusutsutan ako. Hate na hate ko yung ganun. Naiirita ako. Kasi pwede naman ako tawagin ng maayos na hindi kailangan kalabitin o sutusutan :/ bilang monarch, hindi dapat ginagawa sa akin yun. Hahaha joke-joke xP

05) Ayokong-ayoko ng pinilipit akong gawin ang isang bagay. Hate ko yan eh. Yung kailangan pilitin ako. Kasi pag gusto ko naman. Push ako. Pero pag may pagpilit. Coma ang abot mo.

06) Favorite ko ang color purple! 2 years na ang nakalipas nung bigla kong marealize na maganda pala sa paningin ang purple at yun na nga. Nangyari na ang alamat. Favorite ko na siya. At balang araw. Gagawin kong purple ang buong kapaligiran. Maging ang mga tao ay purple. Magiging kamukha kayo ni Barney o mapagkakamalan kayong naglalakad na talong! Tandaan niyo yan! Hahaha :p

07) Favorite ko ang Hotdog (basta TJ Hotdog) pero pag nakahalo na sa spaghetti. Inaalis ko siya. Naweirduhan nga sa akin mga tropa ko. Pero ganun talaga eh, gusto ko hotdog pero pag nasa spag na. Ayaw! Walang basagan ng trip.

08) Para sa akin bagay na bagay sina Zayn Malik at Niall Horan ng One Direction #ZIALL >____< Pagdating sakanila lumalabas ang pagka-fanboy ko. At talagang may collection ako ng mga pics at videos nilang dalawa na sweet sa isa't-isa >__< at lahat gagawin ko para sila Zayn at Niall ang magkatuluyan balang-araw! <3 #KumontraComa

09) Natutuwa ako pag nagluluto ako. Kahit simpleng pag pipirito lang natutuwa talaga ako. Feeling ko ang galing-galing ko. Napinanganak ako bilang maging Master Chef! Hahaha. At sabi nila maganda daw akong magluto ng itlog. Hindi ko alam kung paanong maganda. Basta maganda. Pwede na ako mag-tayo ng tapsilogan. Hahaha

10) Sina Edward Cullen at Bella Swan ang pinaka fav kong couple sa balat ng earth. Hindi ko pa nababasa ang twilight book series. Pero napanood ang movie mula 1 hanggang 4 part 2. At meron akong copy sa akin para pwede ko paulit-ulitin ! ^___^v

11 ) Weird man. Pero umaasa ako na magiging vampire ako. Hahaha! Isa yan sa mga weird na dream ko. Gusto ko kasing mabuhay forever ehh.. Tska gusto ko maging forever fresh! Haha. Kaya kung sino man ang vampire dyan. Basta gwapo puntahan niyo ako at gawin niyo akong katulad niyo ;)

12) Ayoko ng mga tragic na ending sa mga love stories :( super affected talaga kasi ako sa mga ganyan. Hindi ako maka-move on. Nanunuot sa pagkatao ko ang lungkot at sakit. Haha. OA man. Pero ganun talaga nararamdaman ko. Kaya hanggang sa maaari ay iniiwasan ko magbasa o manood ng mga ganyan. At isa sa mga movie na nagparealize sa akin na malupit ang buhay ay ang TFIOS :'( hindi ko kaya....

13 ) Mahina ako sa kanin pero Halimaw ako sa Ulam!! Hindi ako pwede sa mang inasal. Sayang ang unli rice. Pero kung unli ulam ay go ako!

14 ) Takot na takot na takot na takot ako... Sa MANOK,IBON,SISIW, lahat ng may tuka! Kaya kong hawakan ang ipis o ahas pero ang manok. Wag na! Oorasyunan kita.

15 ) Iyakin po ako. #SOBRA Lahat ng bagay iniiyakan ko. Masaya naiiyak. Malungkot naiiyak. Kinikilig naiiyak. Kagaya ngayon naiiyak ako. Haha! Joke! XP Pwede na akong artista ng star magic. Hahaha

16 ) Mabubuhay ako na walang ice cream, chocolate o cake. Pero pag walang internet. Hindi! Mababaliw po ako. Nangyari na 2 days na wala akong net muntik na akong alisan ng katinuan. Hindi ko talaga kaya. Lalo na't sa net ang connection ko sa mon amour ko >___<

17 ) Ayoko ng ULAN ! Bukod sa maraming na peperwisyo pag bumabaha. Ayoko ng ulan kasi tamad na nga ako. Lalo akong tinatamad pag umuulan. Haha. Tska ayoko nung ingay ng patak. Nakakairita. :/

18 ) Parehas kami ng crush nung crush ko. Si Natalie Portman! Pero feeling ko parehas din namin crush si Liam Hemsworth. Hahaha xD yun lang...

19 ) Mahilig ako kumanta lalo sa videoke! Para sa akin kasi maganda ang boses ko eh. Haha. Tska gusto ko talaga ang pagkanta. Gusto ko nga mag-join noon sa mga glee club sa mga school chuchu pero hindi ako nagkaroon ng chance. XD

20 ) Ako ang author na walang hilig magbasa ng kahit na anong libro. Kahit isang beses sa buhay ko. Hindi ako nakatapos ng isang libro. Kaya humanga ako sa mga taong mahihilig bumili ng book at magbasa. Kasi wala talaga akong hilig. Ni isang book wala akong pag-aari. Hahaha. May isang book akong nabasa. Kaso ebook pa. Sa phone ko lang binasa. Hahaha! Naboboringan kasi ako magbasa lalo na kung yung sa book mo babasahin. Nakikita ko palang yung libro. Nawawalan na ako ng gana. Haha. Sa watty lang talaga ako kahit papaano nahilig sa pagbabasa. Pero hindi ko parin masasabing hilig ko ang pagbabasa. Basta pag nakuha ng isang story ang panlasa ko. Yun babasahin ko. :)

====================================

Yan na yun! Puro kabaliwan ano? Hahaha! Pero yan talaga ako :) yun lang... Thanks sa mga bumasa kung meron man. Hahaha! ;)

TAG! You're It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon