Chapter 1: Fresh Start

5 1 0
                                        

Woah! Can't believe na natipuhan niyong subukan yung kwento hehehe. I'll try my best not to dissappoint. First shot ko palang kase sa pagsulat, Salamat poo 🙂

"Ahhh!!! Hmm!! Ahh!!"

Shit! Gabing-gabi na, may nag-e-exercise pa, sino ba yun, ang ingay. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto na pinagmumulan ng mga ungol. Napatigil ako ng napansin kong galing ito sa dorm room ng kasintaham ko.

   Binuksan ko ang pinto at nakita si Jon (Boyfriend ko) at si Lyka (Bestfriend ko) sa posisyong halata naman sa narinig ko kanina.

   Napako ang tingin ko sa kanila, ang sakit ng dibdib ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, yung taong mahal ko ay niroromansa ang babaeng pinagkakatiwalaan ko. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong tumulo mula sa gilid ng aking mga mata.

   Hindi naman nagtagal at nakita ako ni Jon sa pintuan, napatigil ito sa kanyang ginagawa at napababa ng kama papunta sakin, habang si Lyka naman ay nakahiga pa din habang nakatingin samin dalawa ni Jon ng puro libog ng nilalaman ng mata.

   "Ken I can explain-" Pagsisimula niya na pinutol ko.

   "Explain?! Anong i-e-explain mo dito? Bigla na lang lumitaw si Lyka sa kuwarto mo hubot-hubad habang nakasaksak yang burat mo sa kanya?!" Galit na pagputol ko sa kanya.

   Natahimik si Jon at tumingin na lamang sa sahig. Tumayo naman si Lyka at yumakap sa likod ni Jon habang nakatingin sakin, "Samahan mo na lang kami Ken, mas magiging masaya tayo." Sabi ni Lyka habang kinakagat-kagat ang tenga ni Jon.

   Umungol naman si Jon na lalong nagpakirot ng dibdib ko. Tumakbo ako patungo sa kuwarto ko, kailangan kong umalis, kinuha ko ang susi ng motor ko at umalis ng dorm papunta sa motor ko.

Bumaba ako tungo sa groud floor habang maluha-luha ang mga mata ko. Agad-agad ko namang nahanap ang motor ko dahil sa iisang sulok ko ito madalas igarahe.

Mabilis akong nagtungo dito at sinusian ito.

   "Ken saglit lang! Pag-usapan natin to. Please." Ang paghahabol ni Jon sakin habang paangkas na ako sa motor.

   "There's nothing to talk about Jon, just...leave me alone. This is the last time, ayoko na! Magpakasasa ka sa mga babae mo!" Maluha-luha kong sambit bago pinaandar ang motor ko.

   "Ken wait please!" Sigaw nito at tuluyang umiyak sa parking lot ng dorm namin.

   Gusto kong bumalik, gusto ko, pero hindi, ayokong nasasaktan ng paulit-ulit hindi ito ang unang beses na ginawa niya iyon, at sa lahat ng pagkakataong yon, ako yung tangang pinagbigyan siya ng paulit-ulit. Tanga at nagpaalipin sa putanginang pag-ibig na to.

   Nagmaneho ako patungo sa gubat. Gusto ko ng katahimikan, ang tanging nasa isip ko habang patungo sa lugar na tinutukoy ko.

   Maya-maya ay dumating na ako sa mahabang cliff na daan patungo sa gubat. Kalagitnaan ng mahabang daan na ito ay napansin ko ang pag-kulog ng langit, uulan pa tangina ang bait talaga ng buhay sakin!

   Nagpatuloy ako sa pagmamaneho, hindi alintana ang palakas ng palakas ng buhos ng ulan. Nagsisimulang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Shit! Hindi ako pwedeng makatulog ngayon.

   Sinubukan kong labanan ang antok ngunit nagtraydor ang aking katawan. Napansin ko na lang ang malakas na liwanag at busina ng truck sa aking harapan. Namulat ang mga mata ko at sinubukan kong umiwas ngunit naging madulas ang daan dahil na rin sa ulan.

   Nakaiwas ako sa huling segundo ngunit hindi ko namalayan kung saang direksyon patungo ang aking motor.

    Huli na ng mapansin ko ang banging sasalo sa akin tungo sa aking kamatayan. Sa sandaling iyon ay bumagal ng sobra ang isang segundo.

   Totoo pala yung sinasabi nilang 'Your whole life flashing before your very eyes'. Naalala ko yung paulit-ulit kong pag papatawad kay Jon sa mga kahayupan niyang ginawa kasama ang ibang babae. Sana hindi ako naging masyadong nagpapatawad, ilang beses na nilang pinagsamantalahan iyon ngunit heto ako, hindi pa rin natuto sa milyon-milyon kong pagkakamali.

   Mas maraming 'sana' pa ang sumagi sa isip ko sa sandaling nahuhulog ako sa bisig ni kamatayan ngunit ang panghuling sana ang tuluyang nagpaluha sakin.

   Sana...hindi ko tinalikuran ang mga magulang ko.

   Mamamatay ako ng puno ng sana, unti-unti ng nagdilim ang paningin ko, inaantay ang paglagapak ng aking katawan.

   Ngunit habang papalapit ako sa lupa'y isang liwanang ang nakita ko mula sa langit.

Andiyan na pala ang susundo sakin patungo sa kung saan. Nasabi ko sa aking isipan, at tuluyang napapikit at naglaho ang aking diwa.

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second ChanceWhere stories live. Discover now