Chapter 1

6.1K 77 0
                                    

Summer Affair With Calla

By:Tink

Tink: Sabi ni mentor puro brutal daw mga stories ko, pde daw ba yung nakakakilig naman? Hahaha love u ate krystal! (wag maingay ha di pa kasi ako kinilig sa tanang buhay ko except when I micturate hohoho)

◦°˚◦°˚Chapter 1◦°˚◦°˚

" No!" umiiling na umatras si Calla mula sa pagkakaupo sa malambot na sofa.

Nagsitayuan ang kanyang mga buhok ng marinig ang mga sinabi ng animnaput limang taong abuelo.

" Calla you need to meet your dad, this is the right

time. Its been twelve years Calla forgive your dad" mahinahong wika ng matanda.

Kaharap niya ito sa salas at sa gitna ng pagkukuwentuhan nila bigla nitong isiningit iyon.

Forgive?

" Lolo?How could you say that?" she crinkled her nose namumuo man ang kanyang mga luha ngunit pilit siyang ngumiti.

Siya si Yhani Calla Iglesias Morja, dalawamput tatlong taong gulang, plain ang ganda,walang kiyeme sa katawan, laging on sa tambayan at galahan, makulit, adventurous at higit sa lahat pilya. Nasa korte din ang katawan at Five four ang height. Kakatapos lang siya sa kursong Business Administration at kasalukuyang kumukuha ng MBA, dahil isa sa mga pangarap niya ang makapagpatayo ng sariling negosyo at Empire State Building. And she's living with her one and only Grandpa here at Melbourne,Aus.

Sabi ng kanyang lolo wala siyang namana sa katangian ng ina, her mom?isang buong kabaligtaran niya.

Napakaganda niyon. She vividly remember how she looks like at hanggang ngayon nasa kanya pa din ang mga larawan nito.

Mahal na mahal niya ang kanyang ina. And she saw everything dahilan kaya ayaw niyang makita ang ama.

Bago pa man bumagsak ang kanyang luha mabilis niyang kinuha ang remote at inilipat ng channel ng TV.

" Look Lolo Hannah is so naughty she's bullying Butler Seo!" tumatawang saad niya kahit paulit ulit na niyang napanood ang Korean movie na iyon.

" Calla!" untag ng matanda na naiiling sa pagbabawalang bahala niya.

" Oh my!why why why?Hannah is mad! Lolo she's gonna find out that Yohan is a club dancer!" tumutok siya sa TV.

Isa siya sa mga naadict sa mga Koreans kahit pa nasa Australia sila, she always turned to TFC at doon nakakasagap siya ng mga balita mula sa Pinas.

Kahit pa ayaw na niyang bumalik doon.

" Calla!the day after tommorow will be our flight sa ayaw mo at sa hindi!" medyo lumakas ang boses ng lolo niya.

Nilingon niya ito ngunit saglit lang ipinagpatuloy niya ang panonood.

" Calla?" tawag ulit ng

matanda.

" Lolo naman eh!eshtobro ka" namilipit ang kanyang dila sa pananagalog, kahit kadalasan iyon ang lengguwahe nila ng kanyang lolo.

Tumingin siya sa mukha ng matanda halatang stress ito sa kanyang kapasawayan.

" Matutulog na ako" tumayo na ito.

Tumango siya.

" Kahit di pa ako kumakain" dagdag nito.

Tumango ulit siya.

" Kahit hindi mo na ako kausapin" may hinampong saad ulit nito.

Napangiti siya.

Summer Affair With Calla by: kimlantiontobiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon