Chapter 1

27 0 0
                                        

Maxx P.O.V

"KALBO SI PAPA MO!"

Sigaw ko kay Jerry, gago kase e, itinapon yung bag ko sa quadrangle.

"Galit na galit ka ay! Pag ikaw ang nakaka trip, galing na galing mo."

Sigaw ni kalbo habang papalapit saken.

"May laptop kase dito!"

"Laptop? Laptopin mo si lolo mo! Yung cellphone mo nga myphone na basag basag ang screen tapos, may laptop ka?! Eto ka oh🌵."

"HAHAHAHA eto ka rin oh 🌵."

Tanga lang ang maniwalang may laptop ako sa bag, hindi kase laptop yun, watta topz talaga yun😂. Ako nga pala si Maxx, sabi ni mama ang gwapo ko daw, sabi ko naman, "Please mama! Kung pwede lang walang bansagan." At yung kaaway ko na mukang tubol, sya si Jerry bespren ko.

Napahinto kaming dalawa ni Jerry ng dumaan ang mahalimuyak, amoy fresh nabulaklak hmmmmm yummy.

"Ganda mo talaga Jen, sana akin ka na lang."

Ngumiti sya saken, sabay hawi ng maganda nyang buhok. Yan si Jen ang pinakamagandang babae sa campus, wala kaming time mag kasama kase lagi nyang kasama ang mga kaibigan nyang si Alexa at Jhon. Si Jhon, oo si Jhon, sakto kinuha ko nga pala yung watta topz nya sa bag nya.

"Uy Jhon, kinuha ko nga pala yung watta topz sa bag mo, tsaka nakiinom na rin ako ng tubig."

"Akin na!"

"Nakain ko na e. Libre mo na lang yun saken, tsaka mag bibirthday nako, pumunta ka ha."

"Papansin ka talaga"

Sya si Jhon, kaibigan sya ng pinaka magagandang babae sa School, Si Jhon ay isang babaeng hindi na nanunuklay, walang pake alam sa sarili, hindi ko rin sigurado kung nag shashampoo sya, palagay ko naman ay oo. Ewan ko kung anong meron sya, pero na sa tabi nya ang mga babaeng pinakaaasam ng mga lalake ng buong campus. Kahit Grade 7 titigasan sa kanila e. Sorry for the bad words.

"Uy Jhon, send mo nga pala saken yung copy nung thesis ha, salamat, huwag mong kakalimutan." Paala ni Jerry kay Jhon

"Ay oo nga pala Jerry buti pinaalala mo, sige mamaya sesend ko na sayo."

"Jhon!"

Sigaw ni Derick habang papalapit sa kanya.

"O bakit par?"

"Yung pinapagawang project okay na ba?"

"Ay oo naman."

Sa tuwing papasok si Jhon, sinasalubong sya ng mga classmate namin, kapag nga chinachat ko yan, halos hindi na sya nag rereplay malamang sa malamang, marami na naman syang ginagawa. By the way balik tayo kay Jen.

Umupo ako sa tabi nya.

"Hi Jen."

Humarap sya at binanatan ako ng malupet na ngiti.

"Jen, Anghel kaba?"

"Bakit?"

"Huwag ka ng mag tanong, tunay kang hulog ng langit, ayieeeeeeee."

"Oy gago! Tigil tigilan mo nga yang girlfriend ko."sigaw saken ni Franco

Girlfriend?

"Oy Pugo! Malapit ka ng mabulok, lakas mong mag pantasya ahhh."

"Ahem, actually it's true." Mahinhing sinabi ni Jen ang mga salitang nakakadiri

"Jen, huwag kang ma oofend ha."

Humagilap ako ng pwersa mula sa hangin, para lang masabi ito ng mahinahon kay Jen, ayoko ko kaseng ma offend sya e.

"Okay?

"Grabe ka naman saken Jen, pipili ka na lang rin dun pa sa mabubulok na, gurang na yan e. Tingnan mo oh, saan ba yan galing? Igit ko ba yan? King kong ikaw ba yan?"

Tanong ko kay Franco, pero binagwasan nya agad ako, natahimik ang buong klase, nakatutuk ang atensyon ng lahat sa aming dalawa ni Franco. Sa sobrang gigil ko na pa smirk na lang ako.

"Kingina mo Franco!"

Nahawakan ko ang bangko sa likod ko at sya kong hinampas kay Franco na syang naging dahilan ng pag tumba nya. Saka ko sya pinag tatadyakan, at pinag susuntok sa muka.

"Hype kang Kingkong ka ang tigas ng muka mo, sa susunod kapag susuntukin mo ako siguraduhin mong hindi nako makakaganti."

"Tama na!"

Napalingon ako sa sigaw ni Jen, at tsaka ko lang na realize na sobrang dami na palang na nonood.

"Mr. Maxx Sanchez to the my office now!"

Dean's P.O.V

"Maxx, ikaw na naman? Talaga bang lumalakas ang loob mo dahil sa hindi kita pwedeng patalsikin sa School na ito, alam na alam mo namang sobrang laki ng utang na loob ko sa mga magulang mo, pero kailangan mong mag stay ditong ilang oras para walang masabi yung mga teacher. Kung inaakala mong to-tolerate kita nag kakamali ka, bumalik ka sa Varsity mag basketball ka, kapag hindi mo yun ginawa, I'm sorry pero I will not cover you anymore."

Nakatingin sya saken, na para bang kasalan ko pa. Kailangan nyang maglaro ng basketball para sa School, ang lake ng naipusta ko, kailangang ma sure win itong laban na ito, at mangyayari lang yun kapag kasama na sya sa mag lalaro.

"Excuse me Sir, andito na po si Mr. Kiel Sarmiento." Magalang na sinabi ni Ma'am Geromo

"Sir? Please lang paki bilisan yung discussion, kase ang dami ko pang gagawin.'

"Maupo ka muna Mr. Kiel, pinatawag ko kayong dalawa, kase gusto kong mag join kayo sa team."

"It's a no for me, excuse me."

Umalis na agad sa harap ko si Mr. Sarmiento, mas lalong lumalabo ang pag kapanalo ko sa pustahan. Malaki laki na ang nauubos kong pera. Pinagtatawanan na rin ako ng ibang School. Kung hindi papayag si Kiel, ayus lang kase, Plan B lang sya, ilalaban ko na lang sya sa Mythos, sisiw lang yun sa kanya kase matalino sya. Pero itong gago na nangungulangot sa harapan ko, kailangan ko sya sa Basketball team.

"Lalabas nako."

Binuksan ni Maxx ang pinto.

"Maxx! Binabalaan kita!"

Lumingon sya saken, at pinitik ang kulangot papunta sa Desk ko. Ngumiti sya na para bang sira ulo, pero alam ko yung ngiti na yun. Nag iisip na sya kung sasali na sya ng team.

"Tsk... Pag iisipan ko sir, una nako may klase pa ako e."

MythosWhere stories live. Discover now