Oo nga no? Di ko pala siya friend

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oo nga no? Di ko pala siya friend. Naalala ko nung new transfer pa lang ako, ang dami nag-add sa akin, most hindi ko pa nga nakakausap. Pero in-add ko na rin lang.

Etong si Mark obvious naman na friendly din siya, yun lang may sarili talaga silang grupo. So sa ibang tao tahimik siya. Napangiti naman ako kasi ang comfortable na ko kausapin siya. Parang kahit ano pwede kong sabihin. Masarap din naman siyang kausap kasi madaldal siya. Nakakatawa kasi before ako magtanong sa kanya sa Tele, di naman kami nag-uusap.

Nagtingin tingin naman ako sa feed ko and ayun, medyo gets ko na yung comment ni Kriz kay Ate Ericka na pa-image.

Nagtingin tingin naman ako sa feed ko and ayun, medyo gets ko na yung comment ni Kriz kay Ate Ericka na pa-image

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

--

Okay, duty kami ngayon so kinakabahan nanaman ako. Sa DR muna kaming lahat today para daw maturuan kami magpaanak kasi pag sobrang dami daw ng patients at sabay-sabay manganak, hinahayaan na na clerks na lang ang magpaanak. Sa next duty namin dun na kami sa assigned posts namin.

Mukhang okay naman ang mga residents namin. Mabait yung 1st year namin tapos yung 2nd year medyo mataray, pero lagi nagtuturo. Di pa namin masyado nakakasama yung senior namin at yung 3rd year naman namin off duty ngayon kasi may inaasikaso na research. Sabi nila yung third year daw ang pinakastrict, though.

Sa unang nanganak, hinayaan muna kami manood. Tapos tinuruan kami pano yung tamang pag-ire para alam namin pano turuan ang patients lalo na pag G1--meaning Gravida 1 or unang pag-anak pa lang. Tinuruan kami pano hawakan yung pwerta, pano hawakan yung baby and pano hilahin. Sinabi din pano namin iinstruct yung patient paglabas ni baby.

Tapos tinuruan din kami pano putulin yung umbilical cord, at kung pano idedeliver yung placenta hanggang sa kung pano tahiin yung pwerta. Medyo nalilito pa ko sa pagtahi pero sabi naman ni Doc Rose--yung 1st year namin, mas matatandaan namin if ginagawa na namin talaga.

Nung unang pagpapaanak ko na ako lang, sobrang kabado ako. I did my best sa pagtahi pero di ko talaga alam if tama. Nagpacheck ako kay Doc Rose and medyo panget daw pero tama naman. Meaning hindi siya ganun kasmooth pero di naman duduguin yung pasyente. Sabi naman niya okay na yun kasi practice at style na lang kaylangan ko. Yung iba daw kasi need pa ulitin ng resident yung tahi.

Oxytocin (JaDine AU)Where stories live. Discover now