10

24.2K 407 15
                                    

"Andito kame sa hapag kainan mag uumagahan si rosa.. Maganda ang sikat ng araw sa labas.. Napapangiti tuloy ako lalo na pag naalala ko si........

"aliyah kahapon pag kauwe ko hindi ka agad sumunod saan ka pa pumunta at natgalan ka..?"siyasat ni rosa habang inaabot ko ang keso sa kanya..

Napatingin ako sa kanya diretcho lang ang tingin nya sakin.. Alam nya naba? Hindi ako pwede sumugal kaya gumawa ko ng dahilan

"tinulungan ko po kasi si fidel ipagpaumanhin nyo po kamahalan"

napangiti si rosa..

"ikaw ha. Sabagay bagay naman kayo..parang kami ni shaun bagay..."

napailing nalang ako,.. Nasa kalagitnaan ng pag kain si rosa ng dumating si shaun..

"Ang pag dating ng prinsipe shaun magbigay galang!!!"sigaw ng tagasalubong

napalingon ako sa may pinto tumambad sakin ang gwapo nyang mukha.. Napangiti ako ng palihim..

"maganda pa kayo sa umaga mga binibini"shaun sabay tingin sakin at bumaling kay rosa..

"magandang umaga din prinsipe shaun"rosa..

Umupo si shaun.. Puno ng awtoridad ang bawat kilos nya.. Malayong malayo pag....pag nagseselos sya..lumapad ang ngiti ko..

"aliyah anong nakakatawa"tanong ni rosa..

"wala po kamahalan"

napatingin ako kay shaun nakatingin sya sakin na parang may sinasabe..

Tinaasan ko lang sya ng kilay napailing sya..

*------

katanghalian... Ang kapalitan ko ang nag asikaso kay rosa..

Dalan ko kya ng tsaa si shaun napag alaman ko kasi na marami syang inaasikaso ayaw nga mag paistorbo e siguro pag ako naman pwede??

Naglalakad ako sa pasilio ng marating ko ang harap ng pinto ng kakatok na ko ay narinig ko...

"pangahas! Sinong nag utos sayo na suwayin ako!! Ang sabi koy walang sasaktan sa mga nadakip pero anong ginwa ng hukbo mo..!"sigaw nya halata na puno ng galit ang boses nya..

"pero kamahalan.. "

"napaka linaw ng pinasabi ko kay hulyo sinasaklawan mo ba ako pag iisip ko?!"shaun

patuloy ang pag sigaw nya nakakatakot sya para akong napako sa kinatatayuan ko..

"umaliska sa harapan ko kawal bago ko pa tapusin ang buhay mo gamit ang aking kamay!"

bumukas ang pinto..

Nilagpasan lang ako ng kawal.. Nakita naman ako ni shaun pero tumalikod lang sya ni hindi ako binati..

Huminga ako ng malalim napagpayahan kong pumasok ng silid..

"anong kailangan mo"malamig nyang sabi..

"nag..nag dala ako ng mainit na tsaa para sana...."

"aanhin ko ang tsaa aliyah!"sigaw nya nabitawan ko bandehado na pinagpapatungan ng babasaging baso dahil sa gulat..

Nabasag iyon kaya agad kong pinulot.. Nasugatan ang daliri ko..

"aray!"daing ko may tumarak na bubog sa kamay ko mabilis na tumutulo ang dugo mula dito..

Agad lumapit si shaun..

"wag mokong hawakan.."sabi ko

"akin na gagamutin ko ang daliri mo"shaun

"kaya ko ang sarile ko!"hinawi ko ang kamay nya..

"aliyah..hindi ko sinasadya ang sigawan ka nadala lang ako ng emosyon.."nakayukong sabi nya..

"ano ba kasing nangyari"

"tatlo sa mga magnanakaw ang pinatay ng mga kawal ko hindi ko gusto ang ganoong gawain dito sa aking kaharian"nagngingit na sabi nya..

Napatitig ako.. Sa pagkakataon na to lalong tumindi ang paghanga ko sa kanya....

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod... Ganoon din sya puno ng pagsusumamo ang mga tingin nya..

"maayos din yan sa tingin ko kailangan mo na magpahinga aalis na ko"

"wag dito ka muna"

"baka may makaalam ng tungkol sakin...satin..."

"eh ano? Kaharian ko to gagawin ko ang gusto ko"

napayuko ako

"wag sana muna...."

"bakit? Ikanahihiya mo ba ang mapalapit sakin?"

"hindi sa ganon pero shaun..

"oh sige sige... Sige...pumapayag ako"

"sa...salmat..."

"aliyah...."tawag nya sakin

"po??"

nagulat ako ng lumapit sya at bigla akong yakapin..

"dito ka lang muna.. Hanggang sa kumalma ako maari ba?"

tumango ako..

"pasensya kana sakin kanina natakot ba kita..?"

tumango ako ulit

"wag kang matatkot sakin.. Baka naman layuan mo ko.."

bumitiw ako sa pagkakayakap nya..

Hinawakan ko ang noo nya at inunat ang nakasimangot nyang noo

"hindi po kamahalan.."

napangiti sya..

"buti naman prinsesa..."

nagulat ako..alam nya ba?"

"ha?.."

"prinsesa ng buhay ko...prinsesa ko"

-----------o-

Seduce the princeKde žijí příběhy. Začni objevovat