Prologue

45.2K 961 19
                                    

Prologue

"Ano ka ba naman, Angela! Kailangan mo ng pera, kailangan iyon ng kapatid mo sa pagpapa-opera sa kanya." Nakasinghal na sabi ni Mareng sa dalaga.

Napayuko na lang si Angela, nahihiya siya dahil ang lakas ng boses ng kanyang tiyahin. Hindi man lang nito alintana na nakakabulahaw sa mga kasama nila sa charity ward na iyon ang boses nito.

"Tiyang, hinaan niyo naman po ang boses niyo. May nagpapahinga na po kasi at—"

"Eh, ano naman? Hah! Hoy kayo..." baling nito sa mga kasama sa silid. "Huwag kayong makinig sa amin at nahihiya ang pamangkin ko!"

"Tiyang naman—"

"Ay naku! Bakit kasi tatanga-tanga iyang kapatid mo? Akalain mong nahampas ng tubo sa ulo kaya hayan! Na-impeksyon pa dahil kalawangin ang pinanghampas sa kanya."

"Ipinagtanggol lang naman niya ako sa mga nambastos sa akin. Huwag niyo po siyang—"

"Huwag ano? Sisihin? Eh, ang tanga! Parehas kayo, bobo at tanga! Naku, kung sinunod mo ang payo ko na pakasalan ang matanda 'di sana maganda ang kalagayan natin. Eh, ewan! Talagang bwiset kayo sa buhay ko! Bwiset!" naiiritang sabi nito habang napapakamot pa sa ulo na para bang pasan ang problema ng daigdig.

Ito minsan ang ikinakabahala niya. Ang pag-aalok ng kasal sa matandang balo. Ayaw niyang magpakasal dahil bukod sa matanda na ito ay napakabata pa niya. She's only eighteen at marami pa siyang balak para sa kanilang magkapatid.

"Ano na? Natahimik ka na? Kung ako sa iyo, aakitin ko ang matanda para makahingi ng pera. Naku! Sayang lang iyang maganda mong mukha kung walang pakinabang."

"Pakisabi sa doktor na ituloy na ang pagpapa-opera kay Vladimir, hahanap po ako ng pera."

"Aakitin mo na ang matanda?" Biglang umaliwalas ang mukha nito.

"Hindi po. Maghahanap ako nang mauutangan, 'yong matutulungan tayo ng walang kapalit," sabi niya na punong-puno nang kahulugan.

"Aba't—" iyon na lang ang nasabi ni Mareng.

Nakalabas na ng charity ward na iyon si Angela ay naririnig pa rin niya ang naiiritang boses ng kanyang tiyahen. Kung buhay lang sana ang kanilang ina, hindi ganito ang kalagayan nilang magkapatid.

Nang makalabas na ng hospital ang dalaga ay nahulog na na naman siya sa malalim na balon ng problema.

Saan siya kukuha ng pera? Kailangan iyon ng kanyang kapatid at bukas din ay kailangan na rin niyang bayaran ang bill nila roon. Sa pag-iisip ay napatulala na lang siya.

Napatingin siya sa bangko. Kung mang-hold-up kaya siya? Pero makukulong siya.

Ano ba ang dapat niyang gawin?

Sa pag-iisip ay bigla siyang napatitig sa isang gwapong lalaki na lumabas sa bangko, may dala itong suitcase.

Napaisip siya. Siguradong may laman iyong pera! May naisip siyang plano. Isang plano na alam niyang labag sa kagandahang asal pero kahit na ganoon ay kailangan niyang gawin, para iyon sa kapatid niya...

"S-sir..." lumapit siya rito at hinawakan ang braso nito nang mahigpit.

"Yes?"

"Hmm... gusto niyo po bang mainitan ngayong gabi? Ah, pwede ko po iyong ibigay sa inyo."

Tumitig siya rito at pinalamlam ang mga mata. Pero lihim ay napasinghap siya. Aba't napakaguwapo pala nito sa malapitan!

"What do you mean, Miss?" Nakakalokong ngumiti ito sa kanya.

Bigla tuloy siyang naduwag, nahihiya na siya pero kailangan niyang lakasan ang kanyang loob.

Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili

"Sir, malamig po ang panahon ngayon kaya bibigyan ko po kayo ng—"

"Ah! Okay, I get it." Ngumiti ito at pinasadahan sia ng tingin mula ulo hanggang paa saka huminto sa tapat ng kanyang dibdib.

Hindi tuloy naiwasan ni Angela ang pagkailang, para kasing tumatagos sa kanyang kalamnan ang titig nito.

"B-bakit po?"

"No. Nothing. Anyway, maganda ka."

Pinamulahan tuloy ng mukha si Angela.

"C'mon, hop in. Punta tayo sa condo ko." Bigla ay hinawakan siya nito sa braso at inakay papunta sa kotse nito.

"T-teka lang po..."

"Why? Ayaw mo na?"

"H-hindi... hmm, abayaran mo ako, 'di ba?"

Bigla ay tumawa ng malakas ang lalaki. "Of course!"

_____

"Hey, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ng lalaki habang binubuksan ang pinto ng unit nito.

"A-angela po..." nabubulol niyang sabi.

Hindi niya mapigilan ang mangatog dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.

"Well, bagay sa iyo. Anyway  I'm Anthony." Nilahad nito ang kamay na agad namang tinanggap ni Angela.

Napakainit ng palad nito, and yes, ito ang palad na dadantay sa kanyang balat.

Ano kayang pakiramdam niyon? Bigla tuloy nag-init ang kanyang mukha. Ano ba naman ang pumasok sa kanyang utak!

"Have a seat," sabi ni Anthony nnang makapasok na sila.

"S-salamat..."

"By the way, bakit ako ang napili mong paligayahin?" Nasa himig nito ang pagtataka pero ang mga mata naman ay puno ng pagnanasa na nakatingin sa maganda niyang mukha.

"K-kasi po kayo ang una kong nakita..."

"Well, nice choice. Don't worry, I'll assure you na masisiyahan ka." Bigla itong tumabi sa kanya at inakbayan siya. Agad siyang nakaramdam ng takot rito, gusto na niyang umurong!

"S-sandali lang..." pero huli na ang lahat dahil nayakap na siya nito at siniil ng halik ang kanyang labi.

Matagal ang halik na iyon na tila tinatansya kung marunong bang humalik ang kaulayaw. Nang matuklasang hindi ay itinigil nito ang ginagawa.

Tumitig ang lalaki sa kanyang mga mata, gustong magtanong pero may pumipigil dito.

Napabuntong hininga na lang ito habang napapailing.

"I think you need a cold drink," tumayo si Anthony at pumunta sa mini bar.

Nawala sa paningin ni Angela ang malaking bulto ng katawan ng lalaki.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Paano ay kay lakas ng tibok ng kanyang puso, natakot kasi siya sa klase ng titig ni Anthony sa kanya kanina.

At dahil doon ay nakapag-desisyon na siya. Tatakas na siya! Naisip niya kasi na hindi niya kayang gawin ang unang plano pero paano ang kanyang kapatid?

Habang nag-iisip ay napatingin siya sa suitcase na dala ni Anthony kanina. Agad niyang kinuha iyon at pinakialamanan. Bukod sa mga papeles ay may perang nakatago roon, malaking halaga na sa tantya niya ay nasa isang daang libo.

Hinawakan niya ang pera. Parang gusto niyang makonsesnsya. Pero bahala na!

Isasantabi muna niya ang kanyang konsensya.

Bago umalis ay nag-iwan siya ng isang note...
_______

      Pasensya na, hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa iyo. Patawarin mo rin ako dahil kinuha ko ang pera mo. Huwag kang mag-alala, babayaran ko rin ito kapag nagkita tayong muli
     Huwag ka sanang magalit...
  
      Angela.

Napangisi naman si Anthony matapos mabasa ang sulat.

Kapag nagkita? Yeah, magkikita talaga tayo balang-araw. Hahanapin kita, kahit saan basta mahahanap kita. At kapag nagkita tayo ulit, sisiguruduhin ko na kukunin ko ang bagay na dapat ibibigay mo sa akin.

My Night MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon