CHAPTER SIXTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

Leon

Buong araw ng kinikiskis ni Leon ang bagong design nya ng upuan. It was another masterpiece na inorder ng isang Hollywood actor sa kanya online. Napahinto sya ng biglang may tumapik sa likod balikat nya.

“Have a break son.” Wika ng kanyang ama habang inaabutan sya nito ng isang baso ng iced tea.

“You’ve been working all day. You need to stop for awhile and have some rest.” Dagdag pa nito.

His dad was on his way back to the Philippines ng matagpuan sya sa isla. Kinausap pa nga nito ang ilang opisyal sa Amerika para lang tumulong sa paghahanap sa kanya.

“How’s Tiana? Still won’t sell her do you?” tanong ng kanyang ama. Tinutukoy nito ang isang upuan na dinisenyo ni Leon at buong tiyagang ginawa sa loob ng isang buwan. Pinangalanan nya itong Tiana dahil ito ang ipinangako nyang ibibigay sa dalaga kapag nailigtas na sila. Subalit hindi na sila muli pang nagkita ni Tiana kaya nanatili lang ang upuang iyon sa loob ng shop nila.

“It is still not for sale dad.” Sagot nya sa kanyang ama.

“A lot of people are interested in buying that piece of furniture Leon. Why don’t you want to sell it anyway?” his dad asks. Mukhang curious talaga ito sa upuang iyon.

“It already has an owner dad.” He replied. Ngumiti lang ang kanyang ama tapos ay pumasok na ulit ito sa loob ng bahay.

Lumapit si Leon sa upuan at hinaplos nya ito. It is made entirely of wood. May mga nakaukit na starfish, shells at isda. He put everything in there that reminds him of Tiana. Pulido ang pagkakagawa nya dito kaya naman madami ang interasadong bilihin ito. Pero kahit dalawang buwan na itong naka-display sa loob ng shop nya ay ayaw parin nyang pakawalan ito.

He was supposed to give the chair to Tiana during a dinner that his parents prepared for both of their families pero tanging mga magulang lang ni Tiana ang dumating dahil may sakit daw si Tiana nung araw na yun kaya hindi daw ito makapupunta. Nadismaya si Leon ng hindi makita si Tiana ng gabing iyon. He still wants to explain to her why she couldn’t love him.

May mga gabi pa rin syang dinadalaw ng mga bangungot ng nakaraan pero may mga gabi namang si Tiana at ang mga ngiti nito kasama na rin ang matatamis nitong mga labi ang dumadalaw kay Leon.

Narinig nya na tumunog yung chimes ng pinto ng shop nila. Lumabas ang kanyang ama at lumapit sa customer. Matapos kausapin ng kanyang ama ay malungkot na lumabas ito ng shop. Lumapit si Leon sa ama.

“What do they need dad?” tanong nya sa ama matapos makaalis ng customer nila.

“I told them that Tiana is not for sale. They really wanted to have that chair and even offered a good amount but I told them nope the chair is not for sale my son loves her.” Sagot ng kanyang ama at kinindatan pa sya nito bago pumasok na muli sa loob ng shop.

Lumapit muli si Leon sa upuan at muling hinaplos ito. Totoo nga ang sinabi ni Francine sa kanya.

Sinungaling nga sya.

Tiana

Inip na inip na si Tiana sa kahihintay sa mommy nya. Ang sabi kasi nito kanina ay hintayin na lang daw sya nito sa may E.R dahil may kakausapin pa daw ito pero it’s almost an hour ay hindi pa rin nakakabalik ito.

“Hoy Gaga! Ayusin mo nga yang mukha mo! Daig mo pa ang taong lumaklak ng isang bote ng Datu Puti ha.” puna ni Bella sa kanya. Kasalukuyang nakaduty kasi ang kaibigan nya sa E.R ngayon. Pediatrics ang kinuha na specialization nito.

“Ang tagal ni Mama nakakainis.” Reklamo ni Tiana.

“Lagi namang toxic yung Mama mo parang ikaw lang noong estudyante pa tayo.” Pang-aasar ni Bella.

Talagang toxic si Tiana kahit noong estudyante pa lang sya ng Medisina. Kapag sya kasi ang nakatoka sa Emergency room ay napupuno ito ng mga pasyente. Minsan nga ipinagtatabuyan na sya ng mga resident doctors dahil para daw syang magnet ng pasyente.

“Naalala mo ba nung second year Med pa lang tayo?” Bella asks her.

“Diba pinatikim tayo ng ER duty tapos nung ikaw na yung nagduty nagkaroon ng mass V.A?” Bella said while sipping coffee.

Naaalala pa ni Tiana yung time na yun. Ang dami talagang pasyente na dumating sa E.R noon. She can even still remember yung isang pasyente na sobra nyang kinaawaan dahil natusok ito ng isang steel tube sa kaliwang balikat nito.

Napahinto bigla si Tiana sa pag-iisip. Hindi na nya maalala ang mukha ng lalaking iyon pero parang pareho yata sila ng sinapit ni Leon.

“Bella.” Tiana called her friend na kasalukuyang may tinitignan na sanggol.

“Hmmm?” sagot nito sa kanya. Bella was currently auscultating the baby’s lungs.

“Naaalala mo pa ba kung saan galing yung Mass VA natin na yun?” tanong ni Tiana. She felt her hands trembling. Tinanggal ni Bella yung steth sa tenga nito at umupo ulit sa desk.

“If I can still recall may mga nagsalpukan yatang sasakyan sa Silang Cavite nun. Madaming namatay that time. Puro DOA na nga yung mga pasyenteng isinugod sa atin dito sa E.R.” Bella said to her. Napatayo si Tiana sa kinauupuan nya. Bigla syang nanlamig.

“Hoy Tiana okay ka lang ba? Namumutla ka. Gusto mo bang magpa-BP?” tanong sa kanya ni Bella. Hindi sya sumagot. Her mind is racing.

Posible kayang mangyari yun? Could it be that she and Leon have met before?

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon