CHAPTER SIXTEEN

768 22 4
                                    

Tiana

It has been three months since Tiana was found by the rescue team that her parents formed in order to search for her ng mawala sya sa cruise ship na dapat ay magdadala sa kanya sa Palawan.

Isang damakmak na sermon din ang inabot nya mula sa mommy nya. Ang tanga tanga daw nya para tumalon ng cruise ship. Paano daw sya naka-graduate sa Medisina kung simpleng logic lang ay di pa nya makuha. Tumagal ang panenermon ng mommy nga ng isang buong linggo.

“Good morning doktora.” The nurses greeted her pagpasok nya sa loob ng delivery room. Agad syang pumunta sa dressing room at nagpalit into her scrub suit and wore her cap.

“Where’s my mom?” she asks the delivery room nurse pagpasok nya sa loob.

“Doktora nasa D.R three po si Doktora Santiaguel.” Sagot sa kanya nung nurse so she headed to room three. She saw her mom beside a patient who is in labor.

“Fully fully na tayo mommy.” Her mom said to the patient. Pumasok si Tiana sa loob and she started wearing her mask. Tumingin sa kanya ang mommy nya.

“You’re late.” Her mom said to her.

“It’s better to be late than never mommy.” She said to her mom. Umiling lang ito sa kanya.

Maya-maya pa ay hindi na magkanda-umayaw yung pasyente sa sakit. “Here comes another contraction mommy. Take a deep breath now and then push. Don’t open your mouth kapag iire ka.” Her mom instructed the patient.

Idol talaga ni Tiana ang kanyang ina. Napaka-calm lang kasi nito at mabait sa mga pasyente kaya naman mahal na mahal ito ng mga pasyente nito. After several minutes umalingawngaw na ang iyak ng isang sanggol sa loob ng delivery room.

Sinuotan na ng nurse si Tiana ng O.R gown at lumapit sya sa pasyente. “Tiana cut the cord now.” Her mom said to her. Tiana immediately clamped the cord and then she cut it. After that inilipag ng mommy nya yung baby sa dibdib ng ina nito. Napaiyak yung nanay sa sobrang tuwa as she looks at her little angel. Pagkatapos nun ibinigay na ng mommy ni Tiana sa pediatrician yung baby para maayos ito.

Tiana focused her attention now on pulling the placenta. Ito ang gawain nya ngayon sa loob ng tatlong buwan, ang maging intern ng mommy nya. She was about to start her episiotomy repair when her mom suddenly interrupted her.

“Kamusta na kaya si Leon? Yung kasama mo sa isla?” her mom asks her. Muntik ng maibagsak ni Tiana yung needle holder na hawak hawak nya sa tinanong ng mommy nya.

“Ang gwapo gwapo ng batang yun. May nobya na ba sya ha Tiana?” her mom continued her query.

Just by hearing Leon’s name ay bumibilis na agad yung tibok ng puso ni Tiana. Hindi na nya muling nakita ang binata mula ng masagip sila sa isla tatlong buwan na ang nakalilipas. Hindi rin sya pumunta ng mag-imbita ang mga magulang ni Leon for a dinner. Nagdahilan na lang sya na masama ang pakiramdam nya kaya ang mga magulang na lang nya ang pumunta.

“Wag na natin syang pag-usapan Ma.” She said to her mom and then she started stitching up the patient.

“Bakit ba galit na galit ka kay Leon ha anak? May nangyari ba sa inyong dalawa para magalit ka sa kanya ng ganito?”

Napahinto sa pagtatahi si Tiana. Naalala na naman nya yung nangyari sa kanilang dalawa ni Leon sa isla. Hindi na lang sya nagpahalata sa mommy nya dahil baka malaman pa nito na naisuko na nya ang Bataan nya at sa isang estranghero pa! Ibibitin sya panigurado ng mommy nya patiwarik.

“Galit ako sa kanya because sinira nya yung best vacation ever ko!” Tiana exclaimed.

And he also took my heart away.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon