Ikatlong Pahina para sa Librong Hindi Matapos

4 0 0
                                    

Walang kasiguraduhan”

Hindi alam kung saan sisimulan,
mukha yatang naguguluhan.
Ano nga ba ang nararamdamahan?
Bakit tila ika'y naguguluhan?

Saan nga ba ito patungo?
Nagmumukha ng gago.
Parang tangang nangangapa,
naghahahanap ng mga salitang karapat-dapat.

Paano ba lalagyan ng wakas?
Kung walang nasimulan.
Malapit na ang bukas,
wala pa ring laman ang ‛yong isipan.

Ang isip ay gulong-gulo
litong-lito na ang puso.
Ang luha ay patuloy sa pagtulo,

‛di alam kung tutuloy pa ito.

Ang hirap nga namang umakto.
hindi alam kung anong gagampanan.
Ano nga ba kasi talaga?
Mayroon nga bang kayo o wala?

May karapatan nga bang magreklamo?
O uupo nalang sa isang tabi.
Iiyak ng walang pasabi.
Tatahimik at tikom ang mga labi.

Nasasaktan na lahat-lahat,
wala paring karapatan.
Nagmamahal na nang tapat,
wala pang kasiguraduhan.

Ilang Pahina Pa Ba Para Sa Librong Hindi Matapos? (IPPBPSLHM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon