Chapter 3

7 2 0
                                    

Chapter 3

Maaga akong nagising dahil sa alarm na ni-set up ko at dahil na rin sa tawag na natanggap ko!

Masyado pang maaga pero ito ako ngayon, doing my morning rituals. It's Wednesday and P.E. namin ngayon kaya ibig sabihin ay may free time kami kahit papaano. Nagmadali na akong mag ayos at baka mahuli na naman ako sa klase.

Naabutan ko sila na nag-iingay at wala pang ginagawa. Siguro wala pa si Sir? Baka nga.

"Annie, anong oras na?" Tanong ko.

"Ah, 6:45 pa lang," Sagot niya naman. Oh, thank God!

Busy sila lahat sa kung anumang ginagawa nila. Halos karamihan sa kanila ay mayroong pinagkakaabalahan. Kaya't hinanap ko si mark pero wala siya sa upuan niya.

"Nasaan na naman ang isang iyon?" Bulong na tanong ko sa sarili ko.

And there he is, sitting beside Carl. Nag gigitara kaya't naki-upo na rin ako at pinanood sila.

♪♪ Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap-hanap kita ♪♪

Ang lamig ng boses niya. Ang ganda at ang galing niya rin kumanta. And the way he strums his guitar parang praktisadong-praktisado talaga. Yung pag-galaw niya at paglilipat ng mga daliri, wow. It gives me goosebumps.

A-ano ba yan, Kelly! Ano bang pinagsasabi mo?

♪♪ Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka muli sa buhay kong puno ng paghihirap ♪♪

♪♪ At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha at naglalagay ng ngiti sa mga labi ♪♪

Ito na naman! May kakaiba talaga sa boses niya, e. Hindi ko alam pero ang sarap talaga pakinggan.

"Ang galing niya pala talaga kumanta 'no?" Komento ng dalawang babae sa likuran ko na tila kinikilig-kilig pa.

Ano ba 'yan! Mas malakas pa yung boses nila kaysa dito kay Carl. Halos sapawan na nila yung kumakanta.

Inaantay kong umangat ang ulo niya pero geez, nakayuko lang siya! Naka focus lang siya sa ginagawa niyang pagtugtog.

"Kels, stop staring." Bumalik lang ako sa wisyo nang tapikin ako ni Abi. "Baka matunaw, sige ka," biro pa niya.

Ganoon na ba ako kahalata?

"Ano ka ba, I'm not staring 'no!"

Oo, Kelly i-deny mo lang. Gosh! Ba't ko nga ba kasi siya tinititigan? Hindi ko alam pero sa natitirang oras na meron kami para sa discussion ay lumilipad lang ang utak ko at ni isa ay wala akong maintidihan sa kung anong tinuturo ng professor namin. Walang pumapasok sa utak ko kung hindi ang itsura niya habang nag gigitara. What the hell? Bigla na lang akong naging interesado sa kanya.

Maya-maya rin ay pinalabas na kami dahil dismissal na rin naman.

"Kels, sasabay ka na ba?" Mark asked.

Bigla ko naisip si Ash and Alessia. Nakauwi na kaya sila? I have no choice kundi ang sumabay na lang.

"Uh, yes. Teka lang."

Nag compose na agad ako ng message at sinabing mauuna na ako.

"Are you done? Let's go."

Nakauwi na rin ako kaagad dahil hindi naman masyadong traffic. Dumiretso na ako sa taas dahil wala pa naman ang parents ko. Bigla pumasok sa isip ko si Carl, may Facebook account naman siguro iyon 'no?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fierce LoveWhere stories live. Discover now