"Jessica, kanina ka pa hinahanap ni Vaughn. Tara na sa dance floor para mahaba-haba pa ang oras niyo na mag sayaw."

Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa dance floor at sa cellphone niya. Luminga linga siya bago ako hatakin.

"Let's go," aniya at wala sa sariling ibinaba ang coat na naka balot sa akin bago ako hatakin.

Nakatingin na si Chloe sa coat na hinubad ko bago ibinalik sa akin ang mata pero wala na siyang nasabi dahil nakihalo na kami sa mga nag sasayawan.

Dinala ako ni Chantal sa gitna. Hindi naman siksikan pero hindi maiwasan na medyo mabangga kung kani-kanino. At nang nasa gitna na ay huminto siya.

"Naroon si Vaughn kasama ni Kevin. I'll call him. Dito ka muna," aniya at mabilis akong iniwan.

Gusto ko sanang sabihin na wag na niyang tawagin. I could just way that I'm tired. Totoo rin namang pagod ako. Maybe not physically tired but mentally and emotionally tired.

Ilang sandali lang at lumabas na mula sa napaka daming tao si Vaughn. Wearing a genuine smile, he made his way to me. Medyo madilim pero may iilang party lights kaya hindi ganon kadilim.

"Where have you been?" aniya nang makalapit.

"Nag punta lang ako sa comfort room," sagot ko.

He started dancing gradually. Sumabay rin siya sa beat kaya ganon rin ang ginawa ko.

"Is that real?" tanong niya. Hindi ko alam kung anong tinatanong niya kaya hindi ako agad sumagot.

"I mean the flower on your pendant. Is that real?" aniya at ngumuso sa dibdib ko.

Napahawak agad ako sa pendant ng kwintas ko. Napasulyap rin ako doon bago umiling.

"It's fake. Walang ganito kaliit na chrysantemum flower." I smiled.

His smile grew bigger.

"So that's a chrysantemum flower."

Nagtagal ang usapan namin tungkol sa pendant ko. He asked if it's my favorite jewelry due to that I'm always wearing it. I just lowkey told him that it was given to me when I was still a baby. Siya na mismo ang nag assume na si Mommy at Daddy ang nag bigay. Paminsan minsan ay natutulala ako pag naiisip si Xander at lahat ng mga nazabi niya.

"Ilang minuto na lang at ipapatanggal na ang mga mask." Si Vaughn.

"Yeah. Kailangan niyo ng umalis nila Kuya. Kahit sila Chloe at Chantal." nilingon ko ang dalawang pinsan na babae na ngayon ay nasa photo booth.

"Yeah..." He exhaled. "So... Can I take you home tonight?" he smiled.

Mabilis akong napatingin sa kanya. Of course he'll ask. Lagi naman siyang ganito at halos swertihan nga kung maihatid niya ako. Kaya lang sabi ni Xander ay siya ang mag hahatid sa akin.

Napahinto na rin ako sa pag sasayaw. Ganon din siya kahit na ang mga nakapaligid samin ay tuloy pa rin sa pag sasayaw.

Napayuko ako. I have to decline his offer again. I really feel bad for Vaughn. Bakit ba kasi ako pa ang nagustuhan niya. At katulad din ng lagi kong dahilan, ayoko siyang paasahin. Huminga ako ng malalim bago nilebel ang mata sa kanya at ngumiti.

"Thank you sa offer pero next time na lang. May maghahatid na kasi..." Hindi ko na maituloy ang dulo.

Gusto ko sanang sabihin na si Xander iyon pero hindi ko maisantinig.

"Oh. Si Evan... I see..." napayuko siya at nagkamot ng ulo. I'm sorry.

We remained silent for a minute when Chantal came to the view.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now