Author's Moment

58 2 0
                                    

Nais ko na gumawa ng sariling kong bersiyon ng "Darna." Natulak at nagkaroon ako ng inspirasyon na sumulat dahil sa nakita kong pagkakataon. Nang malaman ko na hindi na pala matutuloy ang Darna Project na dapat ay si Ms. Soberano ang gaganap sa ilalim ng ABSCBN Network, napagisip-isip ko na bakit hindi ko subukang mag-audition ng story?

Simula ngayong Abril 19, 2019, ako'y magsisimulang magsulat ng isang kwento based on Darna. Wala akong nais nakawin sa original mula kay Mar's Ravelo. Nais ko lamang na ipakita ang sarili kong bersiyon kung ako lamang ang masusunod sa paggawa ng kabuuan nito. Ang alin man na pagkopiya ng aking likha ay maituturing na paglabag sa batas at maituturing na krimen. Ang mga bagong karakter o alin man na lugar ay pawang kathang isip lamang at walang nais tukuyin na sino man o alin man dito sa realidad.

Ang mga sumusunod na kasuotan ay sarili kong bersyon at kung may magtangka man na agawin ito mula sa akin ay dadating ako sa'yo at ihahampas ko sa pagmumukha mo ang hahupit ng isang lumalagablab na ngitngit ng isang manunulat.

Lingit sa inyong kaalaman ay ako'y isang Creative Artist. Hilig ko talagang gumawa ng mga sarili kong karakter, kasuotan, kapangyarihan at iba pa.

Ginawa ko itong kwentong ito upan magbigay inspirasyon sa ibang tao na tayong mga Pilipino ay may angking talino sa paglikha ng mga kwento. Nais ko din na iangat ang dangal ng mga kababaihan sapagkat isa sa kanila ay aking ina. Nais ko din na mas palakasin pa ang pagiging isang tunay na Pinoy pagdating sa paglikha ng mga sarili nating mga bayani.

Halina't ako'y samahan sa aking paglalakbay at tuklasin ang buhay ni Narda bago pa siya maging Darna.

Note: Inspired by the Great Filipino Artists. Ang Cover Photo ay masusing pinagaaralang gawin. Ang mga maling grammar at typos at pagkakamali ng inyong lingkod sapagkat ako'y nagmamadali isulat ang mga eksena na tumatakbo sa aking isipan. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong malalim na pagunawa.

UPDATED ONCE A WEEK

DARNAWhere stories live. Discover now