Chocolate the MOvie

Start from the beginning
                                    

Napakunot naman yung nuo ko , 

"Terenze? pumupunta din ba sya dito sa bahay mo?' 

"Oo minsan, kasama yung dalawa"

"Pumupunta? wag ka nga magpapapasok ng ibang lalaki dito sa bahay mo"

Naglakad ako palayo ng kwarto nya. Naiinis ako tuwing nababangit ang pangalan nun.

"Problema mo? mga kaibigan ko naman sila, tska mga kababata ko yun nuh. sira!"

"Kaibigan, e diba may gusto sayo si Terenze?"

"Teka? nagseselos ka? weh?"

"Hindi nuh. bakit ko pagseselosan yun tsk."

"Eiy si Mark nagseselos! ahahai"

"Hindi nga sabi."

"Achuchu, wag ka nga magselos si Terenze kaibigan ko lang yun. Ikaw--" tumingin muna sya sakin. "Ikaw? Mahal ko nuh" namula pa sya, pagkakasabi nun, sh*t! ang putik!! 

Lumabas na kami sa kwarto nya, pinagtulakan pa talaga ako. Siya naman ngayon nagpunta sa kusina, at iniwan ako sa sala kaya naman nangalkal ako ng pwedeng panuurin, malakas pa kasi ang ulan at wala pa akong balak na umuwi. 

Tiningnan ko yung mga movie na pwedeng mapanuod. 

'Ano 'to puro mga karate to ah!, Jackie Chan collections? Bruce Lee? Jet Lee? Street Fighter? IP Man? wala na bang iba? May Chocolate pa na palabas?'

"Ano nakapili ka na?"

Biglang labas nya galing sa kusina na may dala ng popcorn. Hindi naman sya ready.?

"Ano ba kasing magandang panuurin dito puro karate?wala na bang iba? kaya ka siguro napaka-biyolente puro actions lahat ng pinapanuod mo"

"Nagsalita ang hindi biyolente."

"Wala akong mapili"

Tumayo ako dahil wala naman talaga akong mapili. Sya naman 'tong pumalit sa pwesto ko kanina at sya na ang pumili ng papanuorin.

"Eto maganda 'to promise!" Inabot naman nya sakin yung bala ng 'chocolate'

"Ano to? corny naman ng title. wag na panget yan"

"Napaka mo! napanuod mo na ba? maganda nga 'to action movie! idol ko kaya yung bidang batang babae dito ang galing nya talaga!"

"Sige na bahala ka."

Pinlay na nya yung movie.  Thai Martial Arts Movie sya na ang bida ay isang babae?

Si Melissa parang batang tutok na tutok sa pinapanuod. Hindi na nga ako sa movie nakatingin sa kanya na lang, pano kada may action part sya 'tong nagrereact na kala mo sya ng nasa palabas, pambihira!.

"Huy alam mo ba blahblahblah....."

May sinasabi sya pero hindi ko na maintindihan, nakatingin na lang ako sa kanya.

"Diba maganda?"

"Oo, maganda ka na."

"Ano? baliw! hindi ako yung palabas!"

Napansin ko naman na namula sya, The Heck!!

Natapos na yung palabas na Chocolate, at tumigil na rin yung ulan.

"Uy Mark, tumigil na yung ulan tsaka tuyo na rin siguro yung mga damit mo, "

"Pinapauwi mo na ako?" tanong ko.

"Oo, pinapauwi na kita, mag-gagabi na kaya tsaka wala ng ulan"

"Tsk, ayoko pang umuwi, dito na lang ako tutulog" sabay higa ko sa sofa nya.

"ANO?! ABNOY KA BA? TUMAYO KA NGA DYAN, UMUWI KA NA"

"Aray! wag ka ngang sumigaw, parang binibiro ka lang. Oo na! Oo na! uuwi na."

Tumayo na ako dahil pinapalayas na ako. Nagpalit na din ako ng damit dahil natuyo na din agad yung suot ko kanina. Ayoko pa naman talagang umuwi, gusto ko pang magstay sa bahay nya, feel na feel ko na .

Nang maka-ayos na ako, lumabas na ako ng bahay nya.

"Aalis na ako"

"Umalis ka na"

"Ayst sabi ko nga aalis na"

Nakakainis naman yun, hindi man lang nakahalata?

 MELISSA'S POV-

Abnormal yung Mark na yun! Kung anu ano na lang sinasabi. Pero masaya naman. Ang gulo ko na. Basta masaya ako dahil kahit mag bukas pa eh kami parin. 

Sobrang daming lakas ng loob na hinugot ko para lang sabihin na mahal ko sya >///<

Nagligpit ako ng mga kalat namin at pinagkainan. Bago pumasok sa kwarto ko.

Humiga agad ako s bed ko at niyakap ang mga bears ko.

"Mommy and daddy bear, sa tingin nyo tama ang ginawa ko? Melissa Bear? masaya ka naman diba? Haiiii"

Basta masaya ako yun na yun. Niyakap ko ng mahigpit yung bears. Nakapa ko naman sa bed yung letter kaya napatayo ako.

Bubuksan ko na sana kaso tumunog yung phone.

MASTER M. Calling.....

"Oh?"

(Wala lang, bakit gising ka pa?)

"Eh may mga ginawa pa ako eh, ikaw? nakauwi ka na?"

(kararating ko lang, Tulog ka na.)

"Ano yun tumawag ka lang para patulugin ako?"

(Hindi. Matutulog na ako)

"Edi matulog ka na, bakit kailangan pang tumawag?"

(Para boses mo ang huling maririnig ko bago matulog. Sige na.)

"Hu? huy--toot--toot-- hala pinatayan daw ako?"

Boses ko gusto nyang marinig bago matulog? >///<

Pabitin bitin naman magpakilig yung taong yun. 

Para naman akong lumutang sa kakiligan dun kahit yun lang kiniliga agad ako.

Unti unti naman akong nakaramdam ng atok hanggang sa nakatulog na ako.

***

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDWhere stories live. Discover now