Nilapag ng kanyang ama ang isang folder sa table ni Ezekiel. “Hindi ako basta-basta tumatanggap ng sorry Ezekiel, alam mo ‘yan. Ayusin mo ngayon din ang mga ‘yan!” Bulyaw ng kanyang ama at umalis siya agad pag-kasabi noon kay Ezekiel.

Napabuntong hininga na lang si Ezekiel at sinimulang buklatin ang tambak na folder sa kanyang harapan.

Matamlay pa din si Crystal habang namamasyal sila sa Universal Studio sa Singapore. Ngayon lang nya napagtanto na nag-kamali siya sa kanyang desisyon na pag-sama kay Arthur .

Alagang alaga naman siya ni Arthur pero hindi pa din siya lubusang masaya. Mayroon siyang hinahanap hanap na hindi nya maunawaan kung ano.

Nakahinga si Crystal nang maluwag nang pauwi na sila ni Arthur ng Pilipinas. Ngayon lang siya nabuhayan ng dugo sa ilang araw na pag-stay nila sa Sigapore.

Nag-taka naman si Arthur nang biglang sumigla si Crystal habang nasa airport sila ng Singapore. “Mukhang okay na okay ka na ah? Matamlay ka kasi noong mga nakaraang araw, parang hindi ka nag-enjoy sa pamamasyal natin.”

Napansin pala ni Arthur na wala ako sa mood sa pamamasyal namin.

“Ah, hindi naman Arthur. Nag-enjoy naman ako, kaso nagkataon lang talaga na medyo masama ang pakiramdam ko noon.” Pag-dadahilan nya.

Pag-kauwi ni Crystal sa kanyang condo ay agad nyang tinawagan si Aneth.

“Hello Aneth?” Bungad ni Crystal.

“Naku, Crystal buti tumawag ka na. Hinahanap ka ni Ezekiel sa akin eh, sabi ko sa kanya nag-bakasyon ka with Arthur sa Singapore.” Malakas na sabi ni Aneth.

Biglang kinabahan si Crystal. “Bakit nya daw ako hinahanap?” Untag nya.

“Hindi sinabi eh, mukhang malungkot siya. Kapag nag-pupunta kasi siya dito sa gym hindi maipinta ang mukha nya.” Naging malumanay na ang boses nya.

Hindi na nakasagot pa si Crystal.

“Hello Crystal? Nandyan ka pa ba?” Tanong ni Aneth sa natigilan na si Crystal.

“Ah, oo nandito pa ako.” Natauhang wika nya.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now