Alam Ko

3 0 0
                                        

Sabi ni Achi "Oh!.. Alam mo naman na pala eh!..bumitaw ka na!"

"Mahal ko pa eh" Malungkot kong ipinahayag

"Alam mo Achi sakanya lang ako paulit ulit nahuhulog, Napamahal na ako nang sobra sakanya,sya lang yung taong sineryoso ko..kahit alam kong..." Pagpapaliwanag Kay Achi na may mahinhing boses

"Arriane Di ka pa nasasaktan?..di ka pa ba napapagod?"

"Sa Totoo lang Achi Pagod na pagod na!..sobrang sakit na!...pero may pinanghahawakan Kasi ako na pangako nya eh"

"Bakit umaasa kapa?".."eh Alam mo na yung mangyayari"

"Achi Mahal na Mahal ko kasi"..."natatakot ako na mawala sya kasi sya lang talaga yung minahal ko ng ganito!"

"Arriane kung alam mong Mali na,Bumitaw ka na"... "Hindi Yung nasasanay ka, Parang sarili mo na lamang yung Sinasaktan mo"

Lumipas ang Gabi na Malungkot,Unan ko ay napuno nang Luha sa kakaasa sa mga sagot mo..kakaasa sa susunod nating yugto...laging umaasa...ngunit mali na talaga pero teka nung dumaan ang umaga
Tumugon kana sa mahabang mensahe na aking ipinadala

"Yun!..nagreply din!"

;Hi Love!.. sorry late reply...aalis kami nang tropa di Kita ulit masasama ah..pero memessage kita Don't worry!.. Thanks Love!

Nagreply ako sa Message nya na

;Okay lang Love... Enjoy!

Kahit Luha ko'y pumapatak na..sa lungkot na nadarama..alam mo kung bakit?...Hindi nya nakikita yung halaga ko!...ako nalang ba lagi Yung iintindi paano na ako?...napapagod rin ako!..nasasaktan Rin ako!...Parang ako nalang ata nagpaparamdam na Mahal Kita at di Kita Kaya mawala"....Yan ang mga salitang di ko mabitawan sakanya dahil natatakot akong mawala sya...na maghanap sya Ng Iba

Oo Alam kong Mahal nya ako!..pero bakit hindi nya kayang iparamdam sakin na Mahal nya ako!

Isang linggo Ang nakalipas may litrato akong nakita imahe nang babae mo na magkahawak kamay kayo....babae mo na matagal ko Ng alam na mayroon ng Kayo
Tiniis ko Kasi Mahal Kita kahit na nasasaktan na ako

Nang dumating Ang isang araw...Lumapit ako sayo Sabi ko "Kenjie gusto ko sanang makipagusap sayo"

"Bakit Hindi?..Tara maupo tayo dun sa may silya" tugon nya

"Kenjie...Mahal mo pa ba ako?"
"Oo naman..bakit mo Naman naitanong yan?"

"Kenjie Mahal na Mahal Kita... kaso lang ang sakit na eh..sobrang sakit na..Mali na ata na ipagpatuloy pa natin yung "TAYO"..kasi Kenjie pakiramdam ko ako nalang yung lumalaban dito...Alam ko naman eh... Alam ko na meron kang babae.. Alam ko na mas masaya ka na sakanya... Alam ko na mas Mahal mo na sya... Alam ko na Hindi na natin maiibalik yung dati kasi meron ka nang iba"

"Arriane sa totoo lang...Alam ko rin na pagod ka nang umintindi... Alam ko na nasasaktan ka na...kaso Arriane natatakot ako...natatakot akong mawala ang isang tulad mo sa buhay ko"

"Kenjie bakit ganun?...bakit mo ako hinahayaan?..bakit Hindi ka gumagawa ng effort para manatili ako?... Alam mo rin pala?... bakit mo binabalewala?"

"Oo may babae ako na iba..pero hindi ka tulad nya...ikaw lang Yung babaeng pinapangarap ko...ikaw yung talagang Mahal ko"

"Kaso Kenjie Huli na....Nawasak mo na ako nang sobra"

"Arriane.. Wag!... Mahal pa Kita..hayaan mo akong makabawi pa"

"Pacensya ka na Kenjie ah...makakahanap ka Rin ng tulad ko...kaso ako?..pagod na eh"

Hinawakan mo ang kamay ko...at sinabi mong "Please Arriane...Wag kana mang lumisan sapagkat ang mga ngiti mo'y di ko kayang Malampasan"

"Hindi na!..Mali na!...Huli na!...Huli na Ang Lahat Pacensya ka na... maging masaya ka Sana sa piling ng iba"

At ako'y lumisan na...sa mundong pinanghahawakan nya...sa wakas Wala na Ang lungkot..Wala na ring pagod...Nagbago na Ang Lahat at handa na akong magbago... Alam ko mahirap pero kakayanin ko... Alam ko na may mas magandang plano si Lord para sakin kaya Alam kong ginawa nya sakin to.....Alam ko Kaya pinili ko nang wakasan Ang relasyon na meron ako sakanya....Alam ko...Alam ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alam KoStories to obsess over. Discover now