Like me better when I'm with you (LMBWIWY)
Written by BabySwag_19
"Niana, ikaw na bahala dito a. Pakideliiver na lang. Ito o." May inabot saken si Ate Lara na papel.
"Ang layo naman nito te?" Reklamo ko. Tinalian nya yung tatlong box ng pizza at iniabot saken.
"Kaya ka nga may bike diba? Anong use nyan kung di mo gagamitin?"
"Yeah yeah" Lumabas na ko ng store, dala dala yung idideliver ko. Nilagay ko sya sa unahan ng bike. Langya wala naman ako choice kundi sumunod diba? Like what?
Nagsimula na akong magbike, nakakatawa lang kase ang layo layo ng bahay na pupuntahan ko. Ang dami dami namang pizza store dyan o, samin pa bumili. Like I mean, mas malapit diba? Tapos si ate akala mo naman ang sarap sarap magbike sa Pinas, e halos masunog ka na nga paglabas mo ng pinto sa sobrang hot ng bansa natin.
"Magdedeliver lang from Lara Pizza Store." iniabot ko sa guard yung papel kung saan nakasulat yung address.
"Sa dulo to. Yung nag iisang bahay." Napakunot ang ulo ko kay Manong guard. Binuksan na nya yung gate para makapasok ako sa subdivision na to, na parang iilan lang naman yung nakatira.
Dulo pa? Nag iisang bahay? Baka naman multo maabutan ko doon. Jusko. Bahala na.
Pagdating ko sa bahay, I mean yung bahay na pagdideliveryan ko nagdoorbell agad ako. Sa totoo lang tatlong beses na ko nagdoorbell.
(Dingdong)
Naglakad lakad ako sa harap nung gate. Ang taas taas naman kase nung gate e kaya di ako makasilip.
(Dingdong)
Ang init init tapos ang tagal pa magbukas nito. Ano ba kukuhanin nyo pa ba to?!
Pinindot ko ng dalawang beses yung doorbell.
Langya papitong pindot ko na sa doorbell wala padin.
Okay! Last na. Kapag di padin to lumabas tatawagan ko na si ate at uuwi na ako.
(pindot sa doorbell)
As usual wala padin?
(Calling ate lara...)
"Ate wala naman yatang tao dito e. Dumorbell na ko ng dumorbell wala padin." Iritang sabi ko.
"Maghintay ka nga. Hanggat di pa sampo wag kang aalis." Ah so maghihintay pa ko bago magsampo? Napailing ako.
"E kanina pa nga ako nag.."
"Excuse me" Nagulat ako ng biglang may nagsalita. Napalingon ako at nakita kong may lalaki na nakablack shorts at nakawhite shirt sa may gate. At mukhang bagong gising pa ang loko dahil magulo yung buhok nya. Tapos wait? Yung tsinelas nya pink? Yung totoo bading ba to?
"O andito na." Pinatay ko yung tawag at nilagay sa bulsa sa likod ng pantalon ko yung phone ko. Kinuha ko yung box ng pizza at lumapit dun sa lalake.
"850" Nakasibangot kong sabi.
Kinuha nyang pizza at inabutan ako ng 1k.
I get my wallet and..
Langya wala pala ko pera?
Anong isusukli ko dito?
Yung nakasibangot kong mukha naging natatarantang mukha? Gets nyo ba?
"Ano?" Nagulat ako ng bigla syang magsalita. Nakakagulat naman ang boses nito, ang lalim lalim.
"Ah.. Ano kase.. Wala akong dalang panukli? May exact amount ka ba dyan? 850?" Nakita kong kumunot ang kilay nya. Langya. Wala talaga akong pera.
