"I'll leak this, Tosca. You slut." Inilabas siya ng mga bouncer habang nag sisisigaw pa din siya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. He can't leak that shit! That was a long time ago. Masisira nanaman ako sa mga tao kapag may lumabas nanaman akong kung anong scandal.

"Couz, are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni Clint.

Wala sa sariling tumango. Ang una kong naisip ay ang tawagan ang Daddy ko. Kailangan ko ng tulong upang mapigilan kung ano mang binabalak ni Rob.

"Pre, hatid mo na kaya 'to." Sabi ni Clint kay Scor na nananatiling madilim ang mukha.

Tinanguan niya si Clint at pagkatapos ay hinila ako papunta sa sasakyan niya. He wasn't talking but I have this gut feeling that he is mad. Kung bakit ay hindi ko alam.

"Grabe! Nakaka takot talaga ang lalaking 'yon. Parang adik siya 'no?" Bumaling ako sa kanya.

Ang mga mata niya ay naka pako sa daan at mariing magkalapat ang labi niya. Kanina pa kami nakaalis ng club pero parang manununugod pa din siya sa hitsura niya. Napansin ko ding ilang ulit na umigting ang panga niya.

"Ang tahimik mo naman! Wala na si Rob uy." Tinusok ko ng daliri ko ang matigas niyang braso.

Mariin siyang nag preno at mariin niya ding hinampas ang busina ng sasakyan. Lumingon ako sa harap at may mga tumatawid pala. Ilang ulit siyang nag mura at iba na talaga ang aura niya. Medyo natakot na nga ako dahil baka mabangga kami kung ganon ang estado niya.

"Ano ka ba? Baka mabangga tayo!" Napansin ko kasing ang sasakyan ang pinag didiskitahan niya sa kung ano mang kinakagalit niya. Ang tulin ng takbo namin.

"Scor! Stop it!" Sigaw ko ulit pero nagbibingi bingihan siya.

"What the hell is your problem?"

Doon siya biglaang nag preno. Tumunog nga ang gulong ng sasakyan niya dahil sa biglaang pag hinto niya. Suminghap ako kasabay ng pag igtad ko nang malakas niyang hampasin ang manibela.

"My problem? My fucking problem? Hah!" Bulalas niya.

Sinabunutan niya ang sarili niya bago nasapul ulit ng kamao niya ang manibela. Ilang beses nag tass baba ang dibdib niya na parang highblood na highblood siya sa akin.

"Yes! What did I ever do to you? Bakit ka ba ganyan sa akin?" Sa pagkakataong ito ay frustrated na din ako sa kanya.

"So, how's your ex huh? Kunyari takot na takot ka? Eh gustong gusto mo namang magpa habol sa kanya!" Untag niya sa akin.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya pero sinara ko din agad iyon nang ma realize ko kung anong pinag hihimutok niya. Oh my God! Nagpapaniwala siya kay Rob.

Tumingala din ako at natawa. I mean, does he actually believe that crazy guy?

"Don't tell me, you believe him?" Halos matawang tanong ko ngunit may nangilid na na luha sa mata ko.

"And why shouldn't I? Wala ka namang sinabi namg ibalandra niya sa pag mumukha ko ang putanginang scandal ninyo!"

"It was last year! Iyong video na iyon, noon pa iyon nung kami pa! Bakit ba ang hirap hirap sa'yo na paniwalaan ako!" Tumakas ang isang butil ng luha mula sa mata ko.

"You said you like me. Why are you making it so hard for me to believe you?" Aniya.

Ang kanina ko pa pinipigilang hikbi ay kumawala na mula sa lalamunan ko. Hindi na kinaya ng powers ko ang mga pinagsasabi niya sa akin. Lahat ng effort ko para mapansin niya ako, lahat ng pag babagong ginagawa ko sa sarili ko lahat iyon ay walang halaga sa kanya!

"I'm telling the truth! Hindi ako pokpok katulad ng sinasabi niya." Bakit ba parang kinukumbinsi ko pa siya na hindi ako malandi?

"I'm not sure about that anymore." My heart skipped a bit when I heard that.

"Bababa na ako." Buong lakas kong ibinuga ang mga salitang iyon. Pilit na pinipigilan ang pag piyok.

"No. Ihahatid kita." Inistart niya na ulit ang sasakyan.

Masyadong magulo ang isip ko. Masyadong nasaktan ang damdamin ko. Kahit ako mismo, hindi ko na naiintindihan kung bakit ganito ako ka affected sa mga salita niya.

"Bababa sabi ako eh!" Matining na boses ang lumabas sa akin.

Kahit na umaandar ang sasakyan ay binuksan ko ang pinto. Doon siya paulit ulit na nagmura.

"Isarado mo 'yan, Tosca! Fuck." Pilit niya akong inaabot.

"Ibaba mo ko dito!"

Nang sa wakas ay ihinto niya ang sasakyan ay walang lingon lingon akong bumaba at tumakbo. Kahit na masagasaan ako ay wala na akong pakialam. My heart was so heavy.

Isang beses akong  nagpaka totoo sa buhay ko tapos hindi man lang ako pinaniwalaan ng lalaking gusto ko. Mayroong parte sa akin na gustong mag explain pero alam ko din sa sarili ko na wala ding saysay dahil para kay Scor, isa lang akong liberated at malanding babae na habol ng habol sa isang perpektong lalaking gaya niya. At para sa buong mundo ay hindi kami nababagay kahit ano pang kaplastikan ang gawin ko.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now