Oh NS (One Hot Night Stand)

5.5K 22 17
                                    

VIRGINITY!

Baket ba napaka-BIGDEAL nito sa mga tao?

Idealy dapat na comment ay, "HUWAW, virgin ka pa! Clap! Clap!" diba?

But in reality sa generation na to ang comment na ay, "HUWAT?! Virgin ka pa? Boo! Boo!" diba?

Oh dont get me wrong mga p're, virgin pa ko at sa edad kong 30 ay proud ako maging birhen. Isa kasi ako sa mga lalaking naniniwalang ang dapat mong makasiping lamang sa kama ay ang babaeng pakikisamahan mo na habang buhay. Saka diba ang mga babae ay minamahal at hindi pinagsasamantalahan. Ewan ko nga lang sa marame kong kakilala, baket parang ang laki kong hangal sa harap nila.

Teka lang ha, hindi ako panget. Baka akalain nyong panget ako eh, minsan na nga akong nabansagang campus crush nung high school at mr. popular nung college. Wala pa lang talaga sa isip ko ang mga babae, ang magka-girlfriend. PERO, wait a minute! hindi ako bading, bakla, o beki. Hindi ko pa lang talaga nakikita ang babaeng pag-aalayan ko ng aking pagka-lalaki.

"Pucha pare, trenta kana birhen ka pa! Dapat sa'yo ginagawan ng rebolto eh, yung hubo't hubad! Haha" Siraulo tong si Albert, lahat ata ng ka-maniacan nasalo nyang lahat. Kahit ata posteng susuutan ng palda eh papatusin nito eh. Dose pa lang ata 'to ng unang makaranas sa kamay ng kanyang parloristang kapit-bahay. Palibhasa daw ay binibigyan sya ng pera kaya hindi na rin umalma. "Ganyan ba talaga ang mga lumaki sa mga lola?"

"Huwag mo na idamay ang lola ko dito, choice ko kung ano man ako ngayon."

"Pasensya, yan ang hirap sa'yo eh masyado kang emosyonal. Kaya ka napagkakamalan bakla. Napakasensitive mo at daig mo pa ang babae." May tama naman din si Albert, sensitibo talaga ako sa issue ng pagkalalaki ko at lalo na sa lola ko. Ulila kasi ako at walang ibang nagpalaki sa akin kundi ang aking lola.

"Uy pare ganda ng chicks oh! Kanina pa nakatingin sa'yo, type ka ata eh."

Kahit papaano ay mahilig din naman ako sa magagandang tanawin, magagandang babae to be exact. Pasimple kong sinulyapan ang babaeng tinutulkoy ni Albert at "wow oh wow", makalaglag panga nga ang babeng kanyang sinasabi. Kumikinang na silver ang kanyang suot na dress na hanggang puwet lang ang haba at kalahati lamang ng kanyang hinaharap ang takip-takip.

Teka, teka, tama ba ang nakikita ko, papalapit sya sa pwesto namin? Oo nga andyan na sya. Hala lagot, teka, hindi ako prepared. Walang laman ang wallet ko, nilibre lang ako nitong si Albert dahil naka-jockpat sa cougar na tinuturuan nyang mag-ballroom. Hindi pa man din alam ng lola na dito sa bar ang tungo ko, ang sabi ko ay overtime ako eh. Lintik lang ang walang latay nito kapag naamoy ako ng lola.

"Hi. Do you need company boys?" Nasa harapan ko na ang anghel na mapang-akit. Kurbadang-kurbada ang perpekto nitong katawan sa kanyang dress. Kitang-kita ko ang pagkaluwa ng mata ni Albert na para bang hinuhubaran na ang babaeng maharot.

"Yes. Have a seat." Nagmamadali ata itong si Albert maka-score ah, talagang silya sa tabi nya ang inalok. Pahiya lamang ito ng makitang sa kandungan ko umupo ang babae. Waaaaaaaaah, hindi ata ako sa iniinum kong alak malalasing kundi sa halimuyak ng babaeng kalong-kalong ko.

"Mukhang hindi na ako kelangan dito ah, sige sibat na ko p're. Magandang Miss, be careful with my friend ok?" Nakita kong inilapag ni Albert sa table ang pambayad sa aming mga in-order. Buti na lang at alam nyang wala akong pera. Pero paano kung magastos palang ka-table ang babaeng ito. Mukha pa naman sosyal at mayaman.

"Ah Miss, nice to meet you pero I have to go." Mahirap na, baka hooker to at perahan lang ako. Ang sama pa ay wala naman akong pera, mahirap na magulpi ng mga bouncer dito kapag hindi na ako makapagbayad.

Oh NS (One Hot Night Stand)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon