Isang araw, nakita kita na kasama ang iyong asawa at anak masaya kayong namimili sa palengke ngunit bakit hindi ko makita na umaabot ang iyong ngiti hanggang sa iyong mga mata? Parang may mali. Parang masaya ka pero ang totoo ay hindi? O guni-guni ko lamang iyon?
Nakilala ko si Ron noong musmos pa lamang kami, mahilig kaming umakyat ng mga puno ng mangga lalo na at tuwing tag-init, doon ang tambyan namin at hati-hati kami sa gawain. Habang ang iba ay nag aayos ng aming kakainan kami naman ni Ron ang taga kuha ng mangga at ang iba ay taga balat. Akala nga nila noon ay tomboy ako dahil lahat ng laro at hilig ng mga lalaki ay hilig ko rin, kaya nagulat na lamang sila ng sa isang araw ay nag bestida ako para sa unang araw ng pasukan.
"Oh bro, anong nangyare at nakapang babae ka ngayon?"sabi ni Ron pag kita nya sakin sa silid.
"Pinilit lang ako ni Inay na mag suot ng ganito kasi nag dadalaga na raw ako, ang init nga neto sa katawan at hindi ako kumportable" sagot ko sa kanya habang nakasimangot.
"Mas okay na yang suot mo ngayon bro, babaeng-babae"sabay halakhak na sagot ni Ron
Loko-loko talaga tong isang to, pero ang totoo nyan ay may gusto ako kay Ron kaya pinagaralan kong maging babae kahit na nahihirapan ako, hindi ko alam kung kailan eto nag simula siguro noong muntik na akong mahulog sa puno ng mangga at kung hindi nya ako hinawakan sa kamay ay nalag-lag na siguro ako noon. Sobrang hiya ko noon dahil napatitig pa ako sa kamay namin samantalang siya ay nangaasar pa.
--
"Uy mahal si Marie 'yon db?"
Natigil ako sa pag muni-muni ng bigla kong narinig ang asawa mo na tinawag at nakita kong paparating kayo sa kinauupuan ko dito sa labas ng kopi stall sa loob ng mall.
"Uy nandito pala kayo" pag sisinungaling ko.
Naiilang ako sa ginagawang pagtitig mo sa akin, mabuti at biglang nagturo ang inyong anak sa isang tindahan ng mga laruan at doon nabaling ang atensyon mo.
"Sige mauna na kami ah at baka mag ingay si tantan, ingat ka pag uwi at ikamusta mo nalang ako kay Patrick" ngiting sinabi mo bago niyo ako iniwan.
--
Naging mas close kami ni Ron noong nag highschool kami na kahit saan ako mag punta kasama ko siya at ganun din ako sa kanya. Ngunit unti-unting nabago ang lahat ng may nanligaw sakin at yun ung crush ko simula 1st year highschool, nanligaw sya mula pa noong 3rd year highschool kami, syempre sobrang saya ko nung panahon na yun pero un din ung time na napapansin kong laging busy na si Ron tuwing aayain ko siyang kumain o gumala sa mall.
Sinagot ko si Pip pagkatapos namin gumgraduate, eksayted ako na sabihin kay Ron ngunit ng pupuntahan ko na siya sa kanila ay sinabi ng mama nya na umalis na si Ron at sumama sa lola nila sa maynila.
"ahh ganon po ba? sige po tita salamat po" malungkot na sagot ko
Lumipas pa ang ilang taon at masaya naman kaming dalawa ni Pip pero hindi ko parin maiwasan na isipin si Ron at ang nagawa nyang pag alis ng wala man lang paalam. Dumating ang 18th birthday ko at ang partner ko dapat na si Pip ay nakipaghiwalay sakin sa kadahilanang may mahal na raw siyang iba. Iyak ako ng iyak nung gabi bago ang debut ko, kinausap ko pa si Pip at pinuntahan ko pa siya sa kanila ngunit nakita kong may kahalikan siyang iba sa labas ng bahay nila. Umiiyak ako hanggang sa makatulugan ko na.
