Hindi siya kumibo pero nakatingin lang siya sa akin. “Ayokong tumira kasama ka… and that’s final.” Tinalikuran ko na siya at lumabas. Pinakawalan ko ang kanina ko pang pinipigil na paghinga. I can’t be with him. I just can’t.

Maghapon kong kausap si Dale para sa ibang kakailanganin namin sa photo shoot. Hindi na niya binaggit ang tungkol sa pagtira ko kay Kerko dahil alam niyang sisigawan ko lang siya kapag pinilit pa nila.

Siguro kung noon, I am more than willing to love with him. Pero iba na kasi ngayon. Bago ako bumalik ng Pilipinas, Thunder gave me a condo unit as a gift. Tinanong ko siya kung ano… para daw sa freedom ko. Alam nilang kami na ni Lance at wala naman akong narinig na kahit ano sakanila. Noon pa naman alam ko na mas pabor sila kay Lance kaysa kay Kerko. They’re thinking na sasaktan lang ako ni Kerko. Tama nga sila. Sinaktan lang niya ako. I tried to fix it, pero wala. Sinabi niya lang ‘yung mga bagay na mas ikasasama pa ng loob ko.

“Para daw makapag-isip ka ng matino…” may isang babaeng hindi familiar sa akin ang mukha ang naglapag ng strawberry shake sa harap ko. “Kanino galing ‘to?” I asked her. She smiled at me. “Lahat po meron niyan.”

“Bakit strawberry?” nilingon ko si Dale. He shrugged. “Ilang buwan pa lang po ako dito, ma’am. Simula po nung pumasok ako, hindi na o nawawala ang strawberry sa lists ng drinks, desserts at kung ano-ano pa po.” Ngumiti ulit siya sa akin.

Tinignan ko ‘yung binigay sa akin nung babae. Never na akong kumain ng strawberry since that day. Call me bitter or what pero naaalala ko siya ‘dun. Ayoko siyang maalala.

“Mikaela, ‘yung shake mo.” Hinabol ako ni Dale dala ‘yung iniwan kong strawberry shake sa lamesa. “Sa’yo na. Ayoko niyan.”

“Pero Mikaela diba…”

“Pwede ba, Dale. Just stop whatever you guys are doing. Hindi kayo nakakatuwa.”

Sumakay na ako sa elevator at tinawagan si Lance para magpasundo. Hinatid niya lang ako kaya naman wala akong dalang sasakyan pauwi. Ang alam ko, dinalaw niya si Ate CL since matagal din silang hindi nagkitang magpinsan.

“Where are you?” I asked him nang sagutin niya ang tawag ko.

“I’m on my way, Miel. Are you okay?” I sighed before answering. “Yeah, I’m fine. Nasaan ka na ba?” Nakita ko kasing ang lakas ng ulan sa labas. Baka mamaya na-stuck na sa kung saan ‘tong si Lance.

“Umikot pa ako. Wala akong madaanan e. Give me an hour, Miel.”

“1 hour? Ganun ba katraffic?” Kung walang traffic kasi kaya ng 20 minutes lang. Pero 1 hour?

“Yeah… I’ll be there as fast as I can. Just wait for—damn!” napakunot ako ng biglang nagmura si Lance. “What happened? Are you okay?”

“I’m okay. Pero wala akong madaanan. D-amn it! Mataas na ‘yung tubig sa dadaanan ko.”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now