“Can you stop cussing, Mikaela!” he hissed. Tinitigan naman niya ako ng matalim. “Anong pakelam mo?” hinihila ko pa din ang kamay ko pero ayaw niya talaga akong bitawan.

Nakita kong papunta sa sarili niyang studio kami papunta. “Bitawan mo nga ako, Kerko!” para siyang walang naririnig at patuloy akong hinihila. “Kerko ano ba?!”

“Can you please shut up?!” binitawan niya lang ako ng makarating kami sa studio niya. Napahawak ako sa braso kong hinawakan niya. Namumula ito dahil sa higpit ng hawak ni Kerko. “Ano bang problema mo?”

“Ikaw! Ikaw ‘yung problema ko. Ano bang problema mo?” tumalikod siya sa akin at hinawakan ang ulo na para bang hirap na hirap siya. Ang kapal naman niyang umaktong nahihirapan. Hindi niya alam kung anong pinagdaanan ko.

“Ayokong makasama ka.” I replied, coldly. Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata. “Too bad, Mika. Kasi magsasama tayo.”

“I don’t f-ucking want to be with you. I don’t f-ucking care about the contract and I don’t give a d-amn about yo—“

“D-amn Mika! Since when you became a cussing machine? Hindi ka naman ganyan noon ah?” hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako nag matiim sa mga mata. “Ano ba ako noon, Kerko?” nilabanan ko ang tinging ibinigay niya sa akin. “Ah, I remember… desperate, assuming, clumsy, brat and noob, right?”

“Mika…” he sighed. “I didn’t—“

“Just let me go, Kerko. Let me go.”

“Mikaela…”

“Just let me go! What the fu—“ he pressed his lips against mine. Hindi ako nakapagreact sa ginawa niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Ni hindi ko nagawang pumikit dahil sa kabiglaan.

Kerko’s lips… bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi pwede. Ayoko. Ayokong masaktan ulit.

“Kerko!” I pushed him hard kaya napahiwalay siya sa akin. I looked at him sharply. “What do you think you’re doing?” I said, panting.

“You haven’t change at all.”

“Wala kang alam sa akin!” I hissed.

“Wala nga ba, Mika?” he cocked his head on the side. “Talaga bang kayo ni Saavedra o ginagawa mo lang ‘yan para pagselosin ako?”

Nabigla ako sa tanong niya. Pagselosin siya? It never crossed my mind. “Pagselosin ka? Bakit mo naisip ‘yang kalokohan na ‘yan?”

“You never liked him, Mikaela. Ako ‘yung mahal mo. Then all of a sudden, babalik ka dito at sasabihin mong boyfriend mo si Saavedra? Hindi ba isang malaking kalokhan ‘yun?”

Tumawa ako ng patuya. “Seriously, Kerko? Pagseselosin ka? Bakit kita pagseselosin kung alam kong wala ka namang pakelam sa akin?”

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now