Chapter 4

24 0 0

Panibagong araw nanaman ang lumipas, nauubusan nako ng oras at panahon. Nalalapit na ang paghihiwalay namin ng kaibigan kong si Janna. Sa tuwing naiisip ko na hindi ko na siya makakasama, nalulungkot ako ng sobra. Sa tuwing magkausap kami, lagi kong sinasabi sa sarili ko na pahalagahan ko itong mga oras na magkasama kami. One time magkausap kami ni Nicole, pinaguusapan namin ung lovelife ko.

"A.J kamusta na kayo ni Janna??? Tanong ni Nicole

"Eto best of friends padin as always" Sagot ko na may halong lungkot.

"Cheer up man! Sulitin mo na lang ang mga oras na kasama mo siya kaysa magmukmok ka dian" Pasigaw na sinabi ni Nicole.

"Pano ako magiging masaya kung alam kong hindi ko na makakasama ung babaeng mahal ko???" Tanong ko.

"Sabihin mo na kay Janna na mahal mo siya! Sagot ni Nicole.

Napatigil ako saglit, naisip ko pano nga kung sabihin ko na?.

"Gustong gusto kong sabihin na mahal ko siya" Sabi ko.

"Yun nama pala e! Bakit ayaw mo pang sabihin? Tanong ni Nicole.

Tinanong ko ung sarili ko, bakit nga ba ayaw ko pang sabihin kay Janna na mahal ko siya.

"Sasabihin ko sa kanya sa tamang panahon" Sagot ko.

"Ahh ocge ikaw bahala" Sabi ni Nicole.

Matapos naming magusap ay umuwi na ako ng bahay.

Imbis na kumain ako, pumunta ako sa kwarto at nahiga. Inisip ko ung sinabi sakin ni Nicole, bakit nga ba hindi ko pa sabihin kay Janna na mahal ko siya? Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko masabi sa kanya ung totoo. Pero kapag nakikita ko siya na may kasamang lalaki, nagseselos ako ng sobra. kahit wala akong karapatang magselos, hindi ko parin maiwasan kasi nga mahal ko e.

Isang araw nasa school kami, wala kaming ginagawa sa room dahil walang prof. Tinitingnan ko si Janna, pinagmamasdan ko siya kasi gusto kong sulitin ung mga ganong pagkakataon kasi mediyo matatagalan na ulit bago ko siya makasama. Malapit nang magsembreak and i've only got 2 to 3 weeks with her bago matapos ang semester. Napakahirap nang sitwasyong ganito, ung bang nauubusan ka na ng oras at panahon. Yung bang wala kang magawa para pahintuin ang oras. Kahit gustohin ko man na makasama pa siya ng matagal wala akong magawa. Sinubukan kong wag siyang kausapin, tawag or text wala. Pero simula nung hindi ko na siya kinakausap sa text, siya naman ung nagtetext sakin. Masaya ako dahil feeling ko namimiss niya ko, at yung maliit na bagay nayun ay sapat na sakin. Para bang hindi kompleto araw ko kapag hindi kami nag-uusap.

Kahit habang P.E namin, sa simpleng pagnuod ko sa kanya habang naglalaro siya ng badminton ay napapangiti niya ako. Yung bang mapapangiti na lang ako ng walang dahilan, tapos sasabihin ng iba na parang baliw ako kasi bigla na lang daw ako tatawa. Siya ang dahilan kung bakit ako nagsisipag ngayon sa pag aaral, she is my inspiration. Kapag kausap ko siya, pakiramdam ko tumitigil ang oras. Para bang ayokong umandar ulit ang oras at matapos ung moment nayun. If i were able to go back to the past, babalikan ko ung time na sinamahan ko siya sa doctor. That time kami lang dalawa ang magkasama and i have all the time in the world to tell her how much i really love her, pero hindi ko parin sinabi pinalampas ko yung pagkakataon.

Limited TimeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!