Na conscious ako kaagad sa itsura ko, naka straight lang ang buhok ko at hindi kulot katulad ng palaging style noon. At lalong patay ako kapag napansin niya ang maiksing suot ko at ang cleavage ko!

"What happened to you Tos? Para kang nakakita mg multo. Pula na nga lipstick mo namumutla ka pa." Nag tawanan ang mga kabigan ko nang punahin no Beatrice ang ichura ko.

"Gaga! Tangina, si Scor nandiyan! Wrong timing." Medyo inis na sagot ko. Sandali palang pero parang mauubos ko na ang yosi ko.

"Scor? Weh? Nandito? Small world ha." Sabat ni Laine na sinundan ng halakhak.

Tumawa ako at humithit ng yosi.

"Mamaya turo mo ah. Di ko pa nakikita iyon eh." Sabi ni Beatrice.Umoo nalang ako.

Napansin naming nag kakagulo yung mga tao sa tabi ng En Route at nang tingnan namin... Kaya naman pala, puro magagandang model ng kotse ang nakaparada doon na mag kakatabi. Kita ko agad ang mustang ni Scor kaya nakumpirma kong sa kanilang mag kakaibigan 'yon. Bahagya akong umiling. Filthy rich asshole.

"Teka ba't nagkakagulo? May artista?" Tanong ni Maddie.

"Yung mga lalaki ata kanina. Gaganda ng sasakyan ah." Puna ni Laine.

"Tara na nga! Show time!" Sigaw ko sa kanilang tatlo at inapakan ang sigarilyo.

Huminga muna ako ng malalim bago lumakad papasok ng En Route. Namataan ko kaagad ang tropahan nila Scorpion na nakaupo sa couch. Dalawang couch ang pagitan namin, nandoon sila sa mag bandang mga nag bi beer pong at kami naman ay nasa dulo.

Wala akong choice kundi dumaan sa table nila. Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Yung tipong, nandiyan 'yung crush mo tapos gusto mong mag papansin pero dapat hindi halata. Umiling ako at saka nilakasan ang loob ko.

"Tosca!" Tawag sakin ng isang lalaki na pag lingon ko ay si Eli pala.

"Uy!" Kunyari nagulat ako.

"Sinong kasama mo?" Inakbayan niya ako. Ang kabilang kamay ay may hawak na alak.

Naaninag ko na agad ang mainit na titig ni Scor sa akin. Bakit? Friends naman kami ni Eli at saka, hindi naman din siya mag seselos.

"Friends ko." Sagot ko pabalik kay Eli.

"Shot ka muna, Tos!" Inabot sa akin ni Clint ang isang baso. Nilagok ko iyon at nagpaalam na ako. Hindi ko kasi nakakayanan ang titig sa akin ni Scor.

"Hoy! Pakilala mo naman kami dun. Daming afam!" Sigaw sa akin ni Beatrice pag balik ko sa table namin.

"Gaga. Di ko naman ka close iyon." Sagot ko at umupo na.

Nag kwentuhan pa kami hanggang sa nag-ayang mag cr si Maddie. Naiihi na din ako kaya sumama na ako. Ang problema lang ay madaaanan ko nanaman sila Scor na ngayon ay nag bi beer pong na.

Tumatawa siya habang nanonood sa mga kaibigan niyang nag lalaro habang may kausap siyang isang lalaki. Tumatango pa siya habang tumatawa. May hawak din siyang isang baso ng alak sa isa niyang kamay.

Nauna ako kay Maddie na mag lakad. Nang dumaan kami ay pinilit kong huwag nalang siya pansinin kahit alam ko namang nakatingin siya sa akin. O baka nag fi feeling lang ako ulit.

Nakumpirma ko ang teorya ko nang sabihin sakin ni Maddie na nakita niya si Scor na nakatitig sa akin.

"Kita mo 'te? Talagang sinundan ka ng tingin!" Tili niya habang nasa loob kami ng cr.

"Talaga?" Sinulyapan ko siya sa salamin. Nag re retouch siya ng powder habang ako ay naglalagay ng lipstick.

"Oo nga. Tumigil pa nga bigla sa pag-tawa."

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now