All About Kim

8 1 0

5am nagising ako dahil sa may phone na nagriring. hinanap ko yung phone alam kong kay kim yun dahil hindi ganun ang ring tone ko.

nakalagay sa pants nya yung phone.

[kanina pa kita pinagmamasdan, kanina pa kita tahimik na binabantayan]

song by parokya ni edgar, titled Gising na. after kong ma-off yung alarm e di na ko makatulog so pinakialaman ko na lang yung phone nya, saka ngayon girlfriend ko na rin naman sya di ba?

well una kong binuksan yung images.

may kasama syang batang lalake, kamukha nya.

may picture sila na nasa childrens party, nasa park, garden, mall at kung saan-saan. mukha silang mag nanay.

then binuksan ko yung mga videos, pero bago ko i-play ay ni low volume ko muna.

binuksan ko yung isang video na may title na kim nigel's 6th birthday.

kim:goodmorning sleephead happy birthday.

si kim yung nagsasalita may dala syang cake, at pumasok sa kwarto, pambata yung kwarto puno ng iron man stuff yung paligid.

may kumukuha ng video sa kanya.

ginising nya yung bata.

kim: baby blow your morning candles...

nagising yung bata.

wow! mom your so sweet iloveyou so much, dad you're here already?

Did i woke up late?

angas mag english nung bata.

now blow your candles baby.

may nagsalitang lalake, pamilyar yung boses, hindi ako pwedwng magkamali.

who's this nathan?

bakit nya tinatawag na mommy si kim?

aalamin ko yan pero sa ngayon iisipin ko muna kung pano ko aayusin yung problema ko kay Michelle.

sunod kong binuksan yung mga messages, medyo nag-aalangan pa nga kong tignan yun kasi baka may mabasa akong hindi ko magustuhan kaso due to my curiosity binuksan ko, gaya ng inaasahan e puro text ng mga co-officer nya yung nandun sa inbox, idamay nyo na yung mga nagtatanong kung pwedeng manligaw pero natuwa naman ako na puro basted naman lahat, ito yung laging sagot nya oh...

"Sorry, pero hindi pa ko ready makipagrelasyon. alam mo naman ang duties ko sa school wala sa takbo ng araw-araw kong buhay yun e, masasaktan lang kita. pero we can still be friends"

mukhang naiintidihan naman yun nung mga binasted nya kaya ok naman ang kinalabasan, pero may isang number dun na unregistered yung nagpakaba talaga saken, ito yung conversation nila oh.

unknown: nakauwi na ko.

Kim: good, how's nathan?

unknown: he's fine, nasa kwarto tulog na.

Kim: susunduin ko nalang sya after class.

unknown: ok, take care always.

Kim: thanks, you too.

unknown: I Love You

Kim: Thank You, i'll call you later start na ng class ko.

unknown: ok.

"uhm..." nagigising na si kim.

humarap sya saken, tinitigan nya pa ko ng sobrang lagkit.

parang gusto kong mapasabi ng "tukso layuan mo ako", tapos niyakap nya ko, pakiramdam ko uminit yung katawan ko, nararamdaman ko sa mga braso yung init ng balat nya.

"Ang sarap ng buhay may-asawa" yan na lang ang nasabi ko sa mga momment na to.

"Uhm ano un bhabe?"

End of POV

Who's the boss?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!