Noong una kitang nakita
Na tila ba'y sayo lang napunto ang titig ng aking mga mata
Hindi ko alam kung bakit ganito
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko
Basta ang alam ko lang tinamaan ako sayo
Noong sinabi ko ito sa kaklase ko
Ipinagtulakan ka niya sa akin
Pumunta ka sa paaralan ng aming kwarto
Kasabay ang pagtawag sa aking pangalan kadahilanan ng aking mga kaibigan
At noong araw na iyon noong nakauwi na tayo
Ako'y iyong kinausap
Hindi 'man sa personal pero sa chat
Dinig na Dinig ko ang kabog ng aking dibdib
Ang bawat ngiti ay hindi mawala wala
Ang ngiti na tila bay abot hanggang tainga
Isang araw hindi ko namalayan
Magdamag na tayong naguusap
Tinanong mo sa akin kung sinong hinahangaan ko
Pero sinabe ko na alam mo na ito
Sinabe mo sa akin na gusto mo sa akin mismo manggaling
At sinabi ko na
IKAW ito
Tinanong ko din sayo kung sino ang iyo
Hindi ko inakala na ako ang sasabihin mo
Hanggang sa pagtulog dala dala ito sa isip ko
Pero wala pang dalawang linggo
Bakit ganito?
Bakit nagbago?
Kinausap mo ako at sinabi mo sa akin na wala ka pang oras na magmahal ng isang tao
At natatakot ka na baka madisappoint sila sayo
Kaya eto ako ngayon bigong bigo
Hindi naman ako atat na maging tayo
Sinunod ko lang naman ang sinabi mo
Noon na sana ganito pa rin tayo
Yung magaantayan tayong dalawa hanggang sa panahon na pwede na
Inintindi kita kahit noong panahon na nanghihingi ako sayo ng atensyon at oras ay wala ka
Kase nauunawaan ko na mas prayoridad mo ang pagaaral mo
Pero sana naman naramdaman mo na may nagiintay sayo
Paano na?
Ano iyong mga sinabi mo sa akin noon na bawal ako magsuot ng manipis at maikling pananamit
Paano na yung pagiintay natin sa isa't isa kung kailan pwede na hindi na nga ba makakamit?
Paano na yung dating paguusap nating dalawa
Na halo halo pa ang ating nararamdaman yung kilig, asaran at harutan
Yung wala pang problema sa ating dalwa
Pero sinabi mo sa akin na FRIENDS na lang tayong dalawa
Nagpapatawa ka ba?
Nilakhan mo ang bawat letra
At dahil don yung sakit mas lalo kong nadama
Sana hindi mo na lang sinimulan
Sana umiwas na lang ako noong araw na binihag mo ang puso ko
Sana hindi ko na lang pinansin
Sana hindi ko na lang sinabi sa kaibigan ko para hindi na ka niya ipinagtulakan sa akin
Tama nga sila
Sa panandaliang saya
Pangmatagalang sakit
Pangmatagalang limot
Sana nakinig na lang ako sa payo ng kaibigan ko
Pero salamat dahil nakilala kita
Salamat sa panandaliang saya
Salamat sa mga payo mo noong mga araw na nawawalan na ako ng gana
Salamat kundi dahil sayo mas lalo magiging malakas ako
Salamat kaibigan
Salamat kase naging masaya ako kahit hindi hanggang dulo
Salamat dahil naging masaya ako kahit walang tayo
Salamat kung hindi dahil sayo
Hindi ako matututo
Salamat kaibigan
YOU ARE READING
Salamat kaibigan (Ex m. u.? )
PoetryHindi sa lahat ng pagkakataon tayo ang pipiliin
