Prologue

7 2 0
                                    

Alas-otso ng gabi nang makalabas na ako sa aking opisina. Pumunta muna ako sa opisina ng kaibigan kong si Brandon katabi ng akin.

"Oh, Brandon. Kamusta? Matatapos mo na ba yan?" Tanong ko.

"Oo. Hintayin mo na ako. Sasama ka sa Bar?" Sabay ngiti nya ng nakakaloko.

"Loko. Oo. Sasama ako." Pag sang-ayon ko.

"Sabi mo kahapon hindi ka sasama ahh" sabi niya

"Nangungulit ka kagabi pati na rin yung tatlong loko tsk!" Sabi ko at umupo sa couch na nakalagay sa office ni Brandon

Naglaro muna ako ng Mobile Legends sa cellphone ko dahil alam kong hindi naman siya magsasalita.

Pagkatapos ng kinse minutos ay bigla siyang nag-unat.

"Tara na." Yaya niya at nauna na siyang lumabas.

"Dala mo ba kotse mo?" Tanong ko.

"Hindi eh. Pasabay nalang ako."

Napabuntong hininga na lang ako.

Pag kapasok sa driver's seat ay binuksan ko agad ang makina at sumunod naman siya.

"Bilisan mo magpatakbo ah. I'm excited to see pretty babes." Excited na sabi niya.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya.

"Brandon, umuwi ka dito at mamaya ay lilipad na tayo papuntang States..." Kinakabahang basa niya.

"Shit! I forgot! Stop the car, dude. My mom's gonna kill me!" Nagmamadali niyang sabi kaya hininto ko ang sasakyan ko.

"Mag-ga-grab nalang ako!" Sigaw niya at hindi nalang ako nagsalita.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil may na-receive akong message mula sa aking sekretarya.

'Mr. Hemilton you have a meeting tomorrow with the owner of Klein Academy'

Pinatay ko na ang cellphone ko ng matapos kong basahin ang message niya.

"30 minutes na akong late tatadtarin na naman ako ng mga tanong ng mga loko-loko kong kaibigan tsk!" Bulong ko sa sarili ko at pinaharurot ko na ang sasakyan ko.

Nagulat ako ng may truck na sumulpot sa harap ko sinubukan kong i-liko ang aking kotse ng huli na ang lahat nabasag ang salamin sa harap ng aking kotse. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi na ako naka-ilag. May naramdaman akong tumalsik at sumasakit sa dalawang mata ko. Hinawakan ko ito at napasigaw ako sa sobrang sakit. Sobrang nanghihina na ako. May naaninag akong isang babae papalapit sakin... And everything went black.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 12, 2019 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Finding He's GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora