"Ehheeem anong ibig sabihin niyang inis mo Zaya?" tinignan nila ako lahat.





"Nakakainis lang kasi" nagmaktol ako."kasi.... kasi porket crush ko na siya. Mag susungit na siya!" padabog akong umopo at nag cross arm.





"Oh my! crush mo nga siya!" malakas na sigaw ni Breah.




Nanlaki naman ang mata ko. Ano bang nasabi ko? hala patay! bat mo inamin. Mabulgar talaga yan Zaya. Ang tanga mo tanga mo talaga waaaaaa. Nagkamot ako ng ulo.




"Anong crush? Sinong crush ko?" nagpa as if akong walang nalaman sa sinabi ko.




"Ay maang-maangan lang yads?" ani Louisse.




"Ano nga? wala naman akong sinabi ah? Tsaka alam niyo namang si William lang ang laman ng puso't isip ko kaya tumigil nga kayo" tumatawa ko pang sabi.




Tumahimik silang lahat at titig na titig sa akin. Sana maniwala sila sa sinabi ko. My ghad Zaya bat mo kasi sinabi iyon. Sana di na nila masabi iyon na crush ko si Kim sana....sana.




"Alam ko na ang ganyang style mo Zaya" basag ni Ellie sa katahimikan. At humahalakhak pa siya."kita naman eh na may gusto ka kay Kim"




"Oo, nga wag mo na kasing itanggi Zaya" sabat naman ni Jiany.




"Nako...nako Zaya may gusto ka pala kay Kim may tanggi-tanggi kapang nalalaman sa harapan ng Mommy ni Kim hahahahah" bulaslas ni Careanne.




"You're so defensive Zaya" at umopo si Breah sa tabi ko."o, ano nga crush mo ba talaga siya?"




Aamin ba ako sa kanila? eh baka sabihin nila kay Kim nakakahiya. Nandito pa naman si Reigna at sobrang close nila. Baka sabihin niya. Tinignan ko sila isa-isa. Lahat sila ay nag hintay sa sagot ko.




"O, Zaya crush mo ang pamangkin ko? Dali sagutin mo na para mapaghandaan namin ikakasal namin kayo agad" tumatawa pang sabi ni Reigna."don't worry, support na support ako pag maging kayo yiiieeeeee"




"Kami rin yiiiiieeeeee"




Tukso nila kaya namula naman yung pisngi ko. Medyo kinilig ako hehehehehe. O sige aamin na ako sa mga kaibigan ko.




"Oo na, CRUSH ko nga si Kim Betelgeus Mirafuentes!" tumayo ako at tumalon-talon at pumalakpak. Habang tawa ng tawa.




Tumigil naman ako dahil sobrang tahimik nila habang panay tawa ko at talon. Lahat rin ng mga kaklase ko at tumingin sa akin.




Hala nakakahiya!!!! kaya dali-dali akong umopo.




"Hoy bat kayo natahimik bigla?" nahihiya kung tugon.




Ilang segundo rin akong naghintay ng sagot nila. Nang bigla silang sumigaw at tumayo.




"Crush mo nga si Kim. Bagay na bagay kayo yiiieeeee" tumayo rin ako.




At sumabay sa kanilang tumalon. Tinulak-tulak pa nila ako.




"Gusto mo pala siya girl eh" ani Breah. At nag appear pa kaming lahat.




"Mcdo....mcdo.....macdo!" sigaw pa nila sa akin.




"Treat ni Zaya. Mag pa mcdo raw siya!" sigaw ni Breah."sinong sasama?" inisa pa niya ang kanang kamay niya.





Binatukan ko si Breah."Hoy sira wala akong pera" bumaling ako sa kaklase ko."wag kayong maniwala dito sira to"




Panay tulakan at tawanan namin. Ganon talaga kaming mag tropa mga abnormal kami lahat. May napikon na naman alam niyo kung sino? edi yung tiyahin ng crush ko si Reigna. At si Careanne.




"Joanna tawag ka ni Jemson" kaya tumahimik kami ng tawagin si Joanna ng kanyang boypren.




Nag siupoan naman kami.




"Panira talaga yang mga boypren nila" umirap si Breah.




"Oo, nga nakakainis nga eh. Sa tuwing may lakad tayo minsan di sasama si Joanna at si Careanne dahil sa boypren nila" pag-sang ayon ko kay Breah.




"Inggit lang kayo dahil. Wala kayong boypren!" ani Daisy at tumatawa pa.




"Oo gumanyan ka dahil gusto mo ng sagutin si Brian!" inirapan ko siya at lumingon sa likod."Brian sasagutin ka na raw ni Daisy!" sigaw ko at bumaling ako sa kanila.




"Ano ba Zaya, alam mo namang ayaw ko ng ganyan eh" galit niyang sabi.




"O, ano? Totoo naman di ba? kita sa mga mata mo may gusto ka sa kanya. Pustahan tayo maging boypren mo din siya!"




"Tsssss. tigilan mo ko Zaya"




"O, ano pikon ka? ha?"pang-aasar ko sa kanya."diba guys? tama ako diba?"




"Sagutin mo na kasi Daisy para maka libre naman tayo kay Brian" sabat ni Breah.




"Oo nga ang yaman kaya niyan. Kahit mataba si Brian gwapo naman" tiningnan ko pa.




"Edi ikaw ng sumagot don!"




"Talaga di ka mag seselos ha?" pang-aasar ko pa rin.




Sila naman ay nakikinig samin at tumatawa.




"Sabi ng tumigil ka eh!"




"Oo na , to naman joke lang. Sayong sayo na si Brian di ko na aagawin pramis" nag promise sign pa ako.





"Hahahahaha eh kung akin nalang kaya si Brian" nag appear pa kami ni Breah.




"Eh kung sasabihin ko kaya Kim na crush ka niya?" nag taas ng kilay si Daisy.




Kaya tumahik lang ako. Sabihin mo na lahat wag lang yung crush ko siya.




"Hehehehe titigil na ako Daisy promise"




"Hahahah sigurohin mo lang" ngumiti pa siya.

Your Childish GirlfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz