CHAPTER ONE

41 4 3
                                    

===============♀♀===============

Goodbye High School life!

Hello College life!

Sigaw naming magkaka-batchmate habang ibinabato ang aming Toga Cap sa ere.

Graduate na nga ako sa High School pero wala pa rin akong ma-isip kung anong kukunin kong kurso.

Yung bata pa lang ako gusto ko maging Doctor. Isa sa pinaka gustong kurso kung tatanungin mo ang mga bata :)

Sabi ng mga nag-oorient na pumupunta sa school namin mag lista ng tatlong gusto mong kursong sa kolehiyo. Kung ano-ano nalang ata naisulat ko dun hindi ko na nga maalala.

Hanggang sa lumipas ang buwan Mayo na hindi ko namalayan ang bilis ng panahon masyado akong nalibang sa mga computer games, isang buwan nalang pasukan na.

JOEY SANTILLAN

"(Hayss kamusta na kaya mga ka-batchmate ko nung high school? saan kaya sila nag enroll? ano ba talaga ang kukunin ko? itutuloy ko ba ang pagkuha ng Medisina o maging isang Enhinyero? Waah!! ano ba talaga Joey! ano ba talaga ang gusto mo? -__- )"

Ang daming katanungan sa aking isipan, habang ako'y nag lalaro sa aking computer at sinasabayan ang mga kanta na ipinapatugtog ko sa aking mga playlist.

(Knock knock knock!)

ng may narinig nalang akong may kumakatok sa pintuan , pinause ko saglit ang nilalaro kong computer games at hininaan ang tugtog. Napatayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ko yung pinto, si mama pala ang kumakatok.

"Oh?! joey mag umagahan ka na, ng maaga tayo makaalis at ng hindi tayo msyadong matrapik sa byahe magandang maaga na tayo makaalis."

"Huh? saan naman tayo pupunta ma?"

"Sa school ngayon ka na mag-eenroll."

"Huh?! e wala pa akong napipiling course na matino pwede bang bukas nalang? "

"Nako! Huling linggo na ng May! ilang linggo nalang at pasukan na di ka parin makapili sa araw-araw na tanong ko sayo yan lagi ang isinasagot mo "bukas na lang ma" tignan mo oh!, ang bilis ng panahon wag ka ng magdahilan ng kung ano-ano basta maghanda ka na ng makaalis na tayo tinatanong na ako ng Daddy mo kung nakapag enroll ka na wala pa akong maisagot kasi wala ka pang desisyon.

Baka hindi ka makapag-aral sa ginagawa mong yan sayang ang semester kung di ka mag dedesisyon agad mapagiiwanan ka ng mga kaklase mo. Oh?! tignan mo (sabay dungaw sa loob ng aking kwarto) kaya pala ang tagal mong buksan ang pinto puro ka nalang dyan sa Computer games mo nakaharap! anong mapapala mo dyan? tapos na ang bakasyon mo kaya mag seryoso ka naman sa mga bagay na dapat mong unahin."

"(Tama si Mama kung di ako makakapagdesisyon ng maayos walang mangyayari sa akin saka baka magalit pa si Daddy kapag malaman yang di pa ako nakapag-enroll ngayong pasukan nag tratrabaho pa naman sya sa barko para lang mapag-aral ako. Bahala na magpapa-enroll nalang ako ng matapos na itong problema kahit anong kurso nalang.)"

Yan ang mga pumapasok sa isipan ko ng kinakausap ako ni mama. Kaya't sumangayon na lamang ako sa kanya.

"Opo sige po, kakain na ako at maghahanda na para makaalis na tayo ng maaga."

Pagkatapos ng usapan namin ni mama nagtungo agad ako sa harap ng computer ko at nagclose ako ng mga application sa computer at  pinindot ko ang shut down button at nagtungo sa kusina para kumain ng agahan.

Pagdating ko sa kusina may pagkain na nakahanda sa lamesa; itlog, hotdog, kanin at may gulay pa syempre hindi magpapaiwan ang gatas na paborito ko. Heavy meal kung tutuusin. Naiisip ko nalang bigla.

My Girlfriend's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon