Chapter 18

458 70 1
                                    

Nathallia's P.O.V

"Damn Hang over!" Ang sakit ng ulo ko at para akong masusuka!

Paglabas ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa kusina para uminom ng tubig. I was shocked when I saw them, nagkukwentuhan at nagtatawanan pa sila.

Anong meron? Ako lang ba ang uminom kagabi? Parang wala silang mga hang over ah.

"Ang saya nyo?" tanong ko, dahilan para mapalingon sila sa direksyon ko.

"Oh Nathallia, gising ka na pala" sabi naman ni Caliyah.

"Hindi! Tulog pa ako! Picture ko lang to!" sarkastikong sabi ko at umirap pa.

"Ang aga aga, ang taray" dinig kong bulong ni Joseph, tignan ko naman sya ng masama.

"Nath! We'll go ice skating later. Ayiee!" masayang sabi ni Althea.

Excited nanaman masyado 'tong si Thea, akala mo naman marunong mag-skating. Sus!

"Skating? Bakit? Saan?" tanong ko.

"Ang dami mong tanong gurl, sumama ka nalang" sabi naman ni Thea.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil don. Masama bang magtanong? Tinatamad nanaman 'tong magpaliwanag, sigurado.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga ay tumuloy na kami sa Skating rink.

"Paano nyan? Eh hindi naman kami marunong nyan" sabi ni Althea nang makitang mukhang mahirap ang pag s-skate.

Sus! Sinasabi ko na nga ba! Kanina lang excited na excited sya. Ngayon mukha na syang natatae na ewan, kinakabahan 'to panigurado.

"Para saan pa't nandito kami?" nagmamayabang na sabi ni Ian. "Edi tuturuan namin kayo," dagdag pa nya.

Medyo may alam naman ako sa pag s-skating dahil tinuruan ako ni Raider nung nasa America kami. Medyo mabagal nga lang ako, hindi pa ako pro.

Nagsimula na kaming mag skating, pero panay ang reklamo ng mga boys na nasa likod ko dahil ang bagal ko raw at hirap nilang turuan sina Althea at Caliyah dahil sa akin. Bakit parang kasalanan ko? Ang laki laki ng skating rink duh.

Nagulat naman ako nang biglang tumapat si Joseph sa pwesto kung nasaan ako. Nagulat pa ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Shit! Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko, parang anytime sasabog ako sa lakas nito.

Kinikil... Shit mali to! Mali!

"Ahhhh!" Napasigaw ako nang biglang binilisan ni Joseph ang pag s-skate at dahil hawak nya ang kamay ko ay naging mabilis din ang andar ko.

Shit! Para kaming magka holding hands na mag kasintahan habang nag s-skate. This is crazy!

Kahit mabilis ang galaw namin, na tipong konting maling galaw ay pwede kaming matumba o ma out of balance, hindi ako kinakabahan. Bigla nalamang nawala yung kaba ko at napalitan ng pag eenjoy.

Shit! May boyfriend ako tapos nag eenjoy ako sa company ng ibang lalaki? Mali 'to! Mali! Shit talaga! I'm doomed! Bakit ba ako nagkakaganito?

Si Raider na yung mahal ko eh. Sya yung boyfriend ko!


Past na si Joseph, present ko si Raider.


Shit! Bakit ko ba sila pinagkukumpara? Damn self!

I can't believe this is happening. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Shit! Mali talaga to eh! Maling Mali!
May boyfriend ako.

The Person You Love Will Never Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon