Globe ka ba? ( ONE SHOT)

556 4 0
                                    

" Ate Globe ka ba? " yaan ang unang beses na kinausap niya ako.

3 years ago.

Naglalakad lakad ako sa park, mag isa, walang kasama, FOREVER ALONE. Umupo ako sa isa sa mga bench, halos lahat ng nagdadaan sa akin nakatingin. Gaya ng nakagawian, kunyari nagtetext ako kahit wala naman talaga akong katext.

" Ate Globe ka ba? " tanong ng isang lalaki

Nagtaka ako, nagtatanong ba siya o bumabanat? Siguro bumabanat uso naman pick-up lines ngayon eh.

Tumalikod ako sa kanya, at nagsalamin syempre kailangan maganda ako kapag sinagot ko siya. Humarap ako sa kanya.

"Bakit? Teka alam ko na yang pick up lines na yan eh,kasi sa akin umiikot mundo mo? Hahahaha,alam ko na yan kuya,babanat ka pa ha"

Tumingin siya sa akin na para bang nagtataka.

"Huh? Makikitext sana ako, ok, wag nalang pala Miss pagamot ka, maysakit ka ata eh" 

Tumayo siya , tinapik ako sa balikat at tuluyan na siyang umalis.

Nadissapoint ako, Akala ko pa naman babanat siya, makikitext lang pala.

Nang sumunod na araw, nagsimula na akong pumasok sa school, !st year college. Pagpasok ko ng room, dumating na din ang Prop. ko sa una kong subject. Nagsimula na kami ng klase, nang dumating ang isang pamilyar na lalaki. Tinitigan ko siyang mabuti at duon ko naalala na siya yung lalaking nagtanong sa akin kahapon. Pinaupo siya ng Prop. sa bakanteng upuan sa tabi ko. Kinausap niya ako.

" Hi, ikaw yung babae kahapon sa park diba? My name is Choco, nice meeting you" inabot niya sa akin ang kamay niya para makipagkamay.

Kahit ng weird ang pangalan niya, bagay naman sa kanya.

" Im Vanilla, nice meeting you Choco"

Simula noon, lagi na kaming magkasama, sa break time, lunch time, at hinahatid niya ako pag uwian. Naging textmate ko na rin siya,lagi niya akong binabanatan ng pick up lines, At duon nagsimulang magkacrush ako sa kanya.1 buwan ang nakaraan, umamin ako sa kanya, umamin din siya na gusto din daw niya ako. Ilang linggo lang ang nakaraan, niligawan niya ako, Marami kaming naging memorable moments, lalo na kapag binabanatan niya ako ng pagkasweet niya.. Lagi niya akong napapakilig.

Choco: Pauwi na ako sa puso mo

Vanilla: Hindi ka naman umalis sa puso ko eh

Choco: E bat ako aalis?

Vanilla: Kasi may nahanap ka ng iba :(

Choco: E bakit ako maghahanap ng iba . Sayo lang ako 

Vanilla: Panalo ka na Choco: Ikaw kaya yung panalo

Vanilla: Bakit? Choco: Panalo sa puso ko

  Pero nagbago ang lahat ng isang araw, hindi na siya sumasagot sa mga tawag at text ko, hindi na rin siya pumapasok.  Nag ring ang phone ko, napangiti ako ng malaman ko kung sino ang sender.  

Choco: Hindi ko alam ang katapusan ng universe ..

Vanilla: Huh?

Choco: Pero alam ko ang simula U N I

Vanilla : Miss na kita..

Choco: Me too , i miss you to the 100nth times! meet me at the park

Nabuhayan ako dahil nagparamdam na siya ulit,Agad akong pumunta sa park para makipagkita sa kanya. Pagkadating ko sa park, nakita ko siya sa bench, kung saan ko siya unang nakausap. Lumapit ako at niyakap ko siya ng mahigpit, ganun din naman siya. Sabay kaming bumitaw at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

" Ayos ka lang ba choco? Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam?"

Matagal bago siya muling umimik>

"Nag aayos ako ng mga papeles"

"Bakit? Para saan?"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan niya ang aking mga mata.

"Im sorry but kaylangan kong pumunta sa America"

Hindi agad ako nakaimik , gusto kong umiyak ngunit hindi ko magawa dahil baka kaawaan niya ako.Inilaan ko pa naman ang araw na ito,dahil balak ko na sana siyang sagutin, same date ng una naming pagkikita.Hindi ko na napigilan ang mga luhang namumuo sa aking mga mata. At iyon ang huli naming pagkikita.

Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang huli naming paguusap, umalis na sila papuntang America. Nangako siya sa akin na kakamustahin niya ako, at nangako din ako sa kanyang hihintayin ko siya.

Dalawang taon na ang nakakaraan simula ng umalis siya, hindi na siya muling nagparamdam, walang email , walang tawag. Buti pa ang multo nagpaparamdam, buti pa ang sisiw inaalagaan. Habang lumilipas ang panahon lalo akong nawawalan ng pag asa. September 11 na ulit, at andito na naman ako nakaupo sa bench kung saan ko siya unang naka usap.

Nakatingin ako sa malayo nanunuod ng mga batang naglalaro ng biglang parang narinig ko ang boses ni Choco.

" Miss , globe ka ba?"

Nakarinig ako ng pamilyar na bose, boses na matagal ko nang hindi napapakinggan, boses ng taong iniintay ko. Paglingon ko sa taong may ari ng pamilyar na boses, tama nga ako , siya nga.. Ikaw nga Choco...

Niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko na muling napigilan ang luha ko sa pagdaloy. Humiwalay siya sa pagkakayakap at iniangat ang mukha ko, hinalikan niya ako, the sweetest kiss i would never forget.

" Na miss mo ba ako"

" Sobra namiss kita, choco"

Ikinagulat ko ang mga sunod na nangyari, lumuhod siya sa harap ko, inilabas niya ang isang hugis pusong kahon at sinabing..

" Will you be my girl forever, Vanilla"

" Yes I will"

Tumayo siya at isinuot sa akin ang singsing. Nakatingin sa aming dalawa lahat ng tao sa park. Napakasaya ko ngayon, sobrang saya. Kasama ko na ang lalaking pinakamamahal ko..

" I love you Choco"

I love you too Vanilla"

~Choco and Vanilla~ 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Globe ka ba? ( ONE SHOT)Where stories live. Discover now