Di ko alam. Nung umalis ako kanina wala siya sa bahay eh. Akala ko nga pupunta dito pero wala naman pala"sabi niya.
Asan nanaman kaya yun? May alam ba kayo na dapat niya puntahan? Tas Xamara, subukan mo nga siya tawagan. Kailangan na natin macontact yung lokang yun. " sabi niya kaya tinawagan agad ni Xamara si Xandra. Sana macontact na niya. Kasi ako matagal ko na kinocontact si Xandra pero palagi na lang nakapatay ang phone niya. Halatang umiiwas siya.
Cannot be reach ang phone niya." sabi ni Xamara. Tsk. Asan ba si Xandra? Ang tagal na niya di nag papakita samin.
Di kaya na kay Xavier siya?" sabi ko bigla kaya nag tinginan silang lahat sakin.
Puntahan natin. Tara na. Bilisan niyo na" sabi ni Yiesha at nag takbukan na kami sa parking lot para masundan si Xandra.
Yiesha's POV
Andito na kami sa company nila Xavier. At agad agad kami nag punta sa office niya para makita na si Xandra. Nag aalala kami para sa kaibigan namin. Loka loka pa naman din yun minsan. Kaya kahit madaming pumipigil saminng guard wala na kaming pake. Ang gusto lang namin makita si Xandra.
Xandra! " sigaw ko habang pumapasok sa office ni Xavier. Pero wala kaming nakitang Xandra. Ang nakita namin yung Xavier na parang nalugi.
Asan ang kaibigan namin?" galit kong sabi kay Xavier.
Hindi ko alam. Tsk. Umalis na siya kanina pa. Pagkatapos namin mag usap umalis na siya agad." sabi niya at napamura na lang si kuya Xannon. Tsk. Kinakabahan nako. Minsan lang mag mura si Kuya Xannon. Pero kapag nag mura to panigurado may hindi magandang mangyayare.
Sige, salamat" sabi ni kuya Xannon atsaka tumakbo agad paalis. Kaya kami nag sunuran na lang agad. Mga nag aalala din naman kami para sa kaibigan namin no. Hindi namin alam kung saan nag punta yun. At tsaka baka may nangyare ng masama dun. Tsk.
Xannon's POV
Andito kami sa bahay. At agad ako tumakbo sa kwarto ni Xandra. Pero pagdating ko dun wala na yung mga gamit niya. As in sobrang linis ng closet niya. Tinignan ko din yung maleta niya pero wala na. Napaupo ako sa kama niya. Wala nanaman yung kapatid ko. Nilayasan nanaman niya yung problema niya. Ganun na lang ba siya palagi?
Kuya, ano nangyare? Wala ba siya dito? Try natin hanapin sa ibang lugar" sabi ni Yiesha. Pero umiling na lang ako sa kanya. Wala na kasi talaga. Kahit saan kami mag hanap wala na kaming makikitang Xandra.
Bakit ba palagi na lang siya tumatakas kapag may nangyayare? Ang problema kasi sa kanya hindi siya marunong mag share kapag may problema siya eh. Andito naman tayo para tulungan siya sa mga problema niya. Pero bakit hindi niya magawa mag sabi satin kahit minsan lang?" sabi ni Yiesha
Yiesha, intindihin mo siya. Mahirap sa kanya mag open ng kung ano tungkol sa sarili niya. Hindi madali sa kanya yun. Kahit nga akong kapatid niya walang alam sa mga nangyayare sa buhay niya eh. Kahit nga minsan di niya nagawa mag open sakin. Palagi niya tinatago yung mga problema niya hangga't kaya niya. Pero kapag di na niya kaya tatakasan na lang niya. Ganun palagi si Xandra, Yiesha. Kahit hirap na hirap na siya hindi niya pa din magawa mag sabi ng problema niya sa kaibigan niya o sa kapatid niya" sabi ko at tumango na lang siya.
Teka, may sulat na iniwan si Xandra. " sabi ni Xamara at binigay samin isa isa ang sulat. Binasa ko yung sulat. Pero ang sinabi niya lang sakin puro sorry at sinabi niya na babalik siya kapag maayos na siya. Kapag nakalimot na siya. Pero hanggang kelan, Xandra? Hanggang kelan ka tatakas sa mga problema mo?
----------
Sorry na XD Hahaha! Alam ko may mag rereact nanaman dito eh. Last chapter na. Tatry ko uli mag type ngaun XD
-Isha
Chapter 19
Începe de la început
